CHAPTER 3

49 0 0
                                    

"Lumayo ka sa kanya dahil katulad ko, isa rin syang half blood." Kai explains, giving me a serious look. "Halika, kailangan muna nating makalayo dito."

Nagpunta kami sa butterfly garden para makapagusap na walang makakarinig samin na ibang tao. Dun na sya nagsimulang magsalita tungkol kay Suho. "Ano? First prince?" Nakakagulat naman talaga sinabi nya e.

"Oo nga. Kailangan ba pinapaulit ulit ko sayo? Half blood vampires consider Joonmyun Kim as the first prince kahit anong dahilan pa ng pagiging half vampire nya." Kai sits down on the chair in the middle of the garden. "Pero ang alam ko, a pure blood turned him into a vampire."

"Bakit daw?"

"Ampon sya ng isang pure blood. Normal na tao sya noon bago pa sya atakihin ng mga half blood vampires sa bahay nila. He was attacked, bitten and almost near death pero dumating ang King of Half blooded vampires to save his life. At dahil sa powers ng hari ay nailigtas nya si Suho sa pagiging Unclean vampire at sa kamatayan."

"Pero hindi ko naman siguro kailangan na iwasan sya, diba?"

"Hindi lahat ng half blood ay katulad ko. I'm giving you a warning." Tumayo na sya at umalis.

So ganun na lang yun? Kapag iba sya sayo, iiwasan mo na lang? Kung sabagay, life and death naman kasi ang sitwasyon ko. Gaya nga ng sinabi ni Kai, maraming bampira ang malamang na naghahanap sakin dahil sa dugo ko. Mabait naman si Suho e. Ano bang gagawin ko!? Nakakastress ang pag iisip! Idadaan ko na lang to sa pagbabasa ng libro. "Ay bwiseeeet!!"

Naglakad ako pauwi magisa matapos ang klase. Mukhang nagsawa agad si Kai na kasama ako. Hindi ba sya sasabay sakin? I sigh. Bahala sya! Protektahan nya lelang nya! At dahil sa lalim ng pagiisip ko, hindi ko na namalayan na may kasabay na pala akong maglakad. Lumingon ako sa right side ko para makita kung sino sya. Si Suho?

"I-Ikaw pala!" Bati ko, masyado ba akong obvious na hindi ako komportable na kasama sya at kaming dalawa lang?

"Bakit parang pinagpapawisan ka yata bigla nang makita mo ako?" Tumawa si Suho at inilagay ang mga kamay nya sa bulsa ng pants nya.

"Ha? Ano bang sinasabi mo? Hindi kaya." Dahil sa sinabi nya, napapunas tuloy ako ng panyo sa noo ko. "Teka, diba sa kabilang direksyon yung bahay nyo?"

"Oo nga." Sagot nya. Kung ganon, bakit sya sumasabay sakin ngayon? Kinakabahan tuloy ako! Alam kaya nya na pinagusapan namin sya ni Kai? "Gusto sana kasi kitang ihatid."

"Ha? Naku okay lang naman akong magisa." I fake a smile. I'm not okay! Ayokong mgisa but of course, hindi din safe kung sya ang kasabay ko!

"Sige. Basta mag iingat ka." Pinagdiinan nya ang huling salita nya. Nasan ba kasi si Kai?! Don't tell me takot sya sa first prince na to! "I'll see you tomorrow."

Naglakad na sya papauwi samantalang ako, takot na takot dahil magisa na naman ako. Wala si Kai na nagsabing gagawin daw nya lahat para hindi ako mapahamak. Buti na lang malapit na ako sa bahay. Feeling ko safe ako dito. Mabuhay sa katahimikan! Pagpasok ko sa kwarto ko, nagbihis na ako agad at humiga sa kama ko.

"Bakit ang bango?" Inamoy ko ang kama ko at biglang pumasok sa isip ko na humiga nga pala si Kai dito kaninang umaga. Di kaya, kumapit yung perfume nya dito? Ang weird! Bakit ko ba inaamoy!? Hindi naman ganun kabango. Baho nga e!

"Tok!" I hear a noise outside the window. Gabi na may nambubulabog pa. Tumayo ako at binuksan ang window palabas sa balcony.

"Sino nandyan?" Tumingin ako sa baba, sa left and right pero wala akong makitang tao. Mukhang guni guni ko lang yun kaya isinara ko na lang ulit at nahiga.

Maya maya lang ay nakarinig na naman ako ng kaparehong tunong. Hindi ko na dapat papansinin kaso umulit na naman, pangatlong beses na. Ang lakas lang ng trip talaga o! Ang sarap sarap na ng higa ko tapos mangungulit pa ngayong malalim na ang gabi. Pero wala din akong nagawa. lumabas ulit ako sa balcony ng marinig ko ang ikaapat na ingay. Pagtingin ko sa may sahig, may apat na maliliit na bato ang nakita ko. Si Kai ba may pakana ng kalokohan na to? Humanda talaga sya sakin.

Dealing with my Vampire LoverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon