LD 2

8 0 0
                                    

September 07, 2015
12:51 pm


TUESDAY

Nakita kita kanina sa Department Store kasama mo yung bago mo! Ang saya saya niyo. Ang saya mo din. Dati ako ang dahilan ng mga tawa at ngiti na yan. Pero ngayon hindi na, siya na. Yung mga titig mo sakanya kanina, yung mga ngiti mo habang nakatitig ka sakanya, yung way ng pakikitungo at pakikipag-usap mo sakanya and worst yung way ng pagtrato mo sakanya. Para siyang isang babasagin na pinggan na lagi mong pinoprotektahan pag may nakakabunggo sa kanya. Ang perfect niyong tignan. Parang tayo dati. Ganun din naman tayo 2 years ago diba? Hindi ko nga din alam kung anong pumasok sa isip ko kanina at kung bakit ko pa kayo sinundan. Ang sakit sakit niyo na nga sa paningin tapos sinundan ko pa kayo. Ganun nga talaga siguro ako katanga kaya nagawa mo akong lokohin.


- KM

Lost DiaryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon