Fourth Day

9 0 0
                                    

Her POV



THURSDAY

Alam mo may nakita ako kanina sa likod ng library. Babae at lalaki. Andun sila sa likod sa pinakadulo. Yung babae nakatayo at nakasandal sa pader at yung lalaki naman nasa harap niya yun bang pwesto na parang kinorner niya yung babae at hindi niya Ito hahayaang makatakas. Kitang kita nang mga mata ko kung paano niya ngitian at tignan yung babae. Nakakainggit. Sana ako nalang yung babae. And the next thing I knew, hinalikan na nung lalaki yung babae, a sweet and torridly kiss. Pero hindi ko naman talaga sinasadya na makita ko ang mga bagay na yun. Swear! Actually, they are both familiar to me at dahil kilala ko sila pilit kong inalis ang tingin ko sa kanila at nang akmang aalis na ako, bumuhos lahat ang luha na kanina ko pa pinipigilan. Alam mo kung bakit? Kasi yung babae at lalaki na sinasabi ko sayo ay ikaw at yung bago mo. Kayo yung nasa library at kayo yung tinutukoy ko. Ang sakit. Sobra! Sana sa private place niyo naman ginawa yun o di kaya dun sa lugar na di ko makikita. May nasasaktan kasi dito oh! Nag-eexist pa ba ako sa buhay mo? Sa totoo lang ipinagdarasal ko na magkaroon ng matinding lason yung laway nung babaeng hinalikan mo kanina para naman mamatay ka na. Mas mabuti na yung ikaw ang mawala. Para hindi na kita makita. Para wala ng madamay.

- KM

Lost DiaryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon