LD 7

4 0 0
                                    

September 13, 2015
11:11 pm


SUNDAY


11:11. Make a wish na! Naalala mo pa ba noong nasa Tagaytay tayo? Gabi yun noon. Ganitong oras. Ganitong araw. Pero hindi ganitong sitwasyon. Mahal pa kasi natin ang isa't isa noon eh. Noong gabing yun, parehas tayong nag-wish sa mga stars sa kalangitan. Kita mo naman ngayon, artista ka na. Unti-unti mo nang natutupad yang mga pangarap mo ah. Tinutupad mo kasama siya. Ang sakit lang isipin na ako ang kasama mo noon na bumuo nang mga pangarap na yan pero kita mo inaabot mo kasama siya. Omo! Naiiyak ako Kleign. Akala ko ba pag sikat ka na, ako ang magiging leading lady mo. Ako ang magiging ka-love team mo kasi sabi mo ako lang ang gusto mong makilala na girlfriend nang mga magiging fans natin at ayaw mo nang ka-love team na peke. Haaay! Ang sarap balikan ng nakaraan. O, kamusta ang buhay artista? Ang saya saya mo na siguro ano? Kasi syempre iniidolo ka na ng milyon milyong tao sa buong Pilipinas. Hindi lang sa buong Pilipinas, sa buong mundo pa. Alam mo gusto kong mag-apply na make'up artist mo. Alam mo kung bakit? Yun na lang kasi ang naiisip kong paraan para matitigan ko pa rin yang napakagwapong mukha mo. Kleign. Sana ako nalang ulit. Sana... sana ako nalang ulit.




- KM



♥♥♥



Kleign POV




"Sana... sana ako nalang ulit."



Kawawa naman yung babae. I feel pity for her. I wanna see her. I wanna comfort her. I wanna make her smile. I wanna help her to move-on. Ewan ko ba kung bakit. Hutaners! I hate seeing a girl crying. At buti nalang wala dito yung babaeng yun. Jusme. Akalain mo yun? Parehas pa kami nang pangalan nung nagpaiyak at nang-iwan sa kanya.



Hindi ko naman sinasadyang basahin ang notebook na ito. I admit, this notebook is not mine. Natural! KM ba ang pangalan ko?! Jusko! Ewan ko nga kung kanino to eh. Paggising ko noon sa hospital nakita ko nalang tong notebook na ito na hawak ni Manager Glai. Sabi niya nakita nalang daw niya ito sa bag ko.



Pink notebook...

Glitter style...

Full of pain...

Full of anger...




Shit! Gusto ko siyang hanapin. Hindi ko naman alam kung paano. Kung saan all magsisimula. Alangan namang libutin ko ang buong Pilipinas mahanap lang ang nilalang na ito? Ni wala nga akong kahit anong information tungkol sa buhay nang babaeng ito eh. Bukod sa isa siyang nilalang na sawi sa pag-ibig na wasak na wasak ang puso.




KM. Tanging pangalan lang and worst hindi pa kumpleto. Paano ko hahanapin ang taong ni konting impormasyon wala ako?



Damn!




Mabuti sana kung marami akong connections. Mwahahahaha!




Hindi naman ako pwedeng humingi nang tulong sa mga fans ko. Sira image ko pag nagkataon! Di naman ako pwedeng mag-announce announce sa TV, radio at mas lalong di ako pwedeng magtawag nang media! Fvck! Paano na ang career ko? Alangan namang sabihin ko sa agency na may hawak sa'kin na,





"May hinahanap kasi akong babae. Hindi ko siya kilala."





Sounds creepy right?




I was thinkin about you,

Thinkin about me,

Thinkin about us,

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Sep 19, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Lost DiaryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon