LD 5

9 0 0
                                    

Kleign POV



          Ang daming tao. Ang daming nakakasilaw na flash ng camera. Ang sakit sa mata. Hindi ba nila alam na nangangalay din naman ang mga panga ko na kanina pang nakangiti sa harap ng maraming tao at sa harap ng mga camerang ito?


"Kleign! Ang pogi pogi mo talaga! Kyaaaahhhhh!"

"Kleign! Akin ka nalaaaaang!"

"Kyaaaaaaahh! Kleign! Idol na idol talaga kitaaaa! Fan na fan mo akooo! Gosh! Ang pogi pogi mooooo!"


          Mga nakakarinding hiyawan ng mga tao. Mga nakakarinding tilian ng mga iba't ibang babae. Wala akong ibang magawa kundi ang kumaway at ngumiti ulit sa kanila.



          Andito ako ngayon sa isang mall at kikitain ko ang manager ko para sana sa isang meeting kaso hinarang naman ako ng mga fans ko. Yes. Isa akong sikat na artista na hinahangaan ng mga tao at nakalimutang kunin ang shades at cap na pang disguise ko. Ano pa nga bang magagawa ko? Gwapo eh!


"Excuse me. Excuse me." Yan nalang ang tanging nasasabi ko para makaraan ang isang gwapong katulad ko.


          At sa di kalayuan ay nakita ko si Manager Glai na pilit nakikipagsiksikan sa mga tao. HAHAHAHAHAHAHAHA! Mukha siyang naipit na daga!


"KLEIGN! HEREEE!" Napalingon ako sa tumawag sa akin and there Manager Glai is waving her hand para makita ko siya agad. Agad ko siyang pinuntahan at nakipagsiksikan na din sa mga tao. Walang kwenta ang mga security guard dito! Bwiset! Pag naubos na talaga ang pasensya ko IPAPASARA KO ANG MALL NA ITO! May pera naman ako eh. Marami.


"Hey! Are you alright?" tanong sa akin ni Manager Glai ng makarating ako sakanya. "LETS GO! THEY'RE FOLLOWING US!!" pahabol niya at hinila ang kamay ko at tumakbo na kami. Putcha naman oh! Haggard to pag nagkataon! Tapos mapipicturan ako ng mga media at makukuhanan ang haggard na mukha ko tapos ibabash na ako ng mga fans ko tapos mawawalan na ako ng career tapos masisira na ang future ko. Waaaaaaaaaah!!! Nakikita ko na ang impyerno!!!


"WHAT THE HELL YOU'RE THINKING BA'T DI KA NAGDISGUISE!!???" sigaw sakin ni Manager Glai nang makapasok na kami sa loob ng kotse ko.


"Nakalimutan ko eh. Anong magagawa ko?"


"ARRRGGGHH!!! IF THIS WILL HAPPEN AGAIN, HAHAYAAN NA KITANG DUMUGIN DOON NG MGA FANS MO!!! GEEEZ!! MAMATAY KA DOON SA GITNA NANG CROOOOOOOWD!!!!!!"



          Oh di ikaw na! Ikaw kaya dito sa pwesto ko!? Ikaw kaya ang maging sikat!? Baka nga makakita ka lang ng ibang tao eh kulang nalang balutin mo na ang buong katawan mo ng makakapal na tela at tanging mata no nalang ang di matatakpan. For sure lalayuan ka nila kasi MAGMUMUKHA KANG ARABOO!! BWAHAHAHAHAHA!!! At syempre ayoko namang ipalit ang pwesto ko sayo. Mas mabuti nang ako yung sikat. *Beast Mode*


I was thinkin about you,

Thinkin about me,

Thinkin about us,



          Okay! Save by the bell! Kinuha ko yung phone ko sa bulsa ko at sinagot ang kung sino mang nagpapakabayaning tumawag sa akin.


What we gonna be? Open my eyes,

It was only just a dream.


"Hell--"

"[Dude! San ka?]"

"Mall." Tipid na sagot ko.

"[Oh. I see. Pahiram ng mga books mo.]" Nako. Naghihirap na ba ang isang to at nanghihiram na ng libro? Bigyan ko kaya siya ng pera? Kaso wag nalang. Baka may makahuli sa akin tapos ibabash na ako ng mga fans ko tapos mawawalan na ako ng career tapos masisira na ang future ko. Waaaaaaaaaah!!! Impyerno!!!


Lost DiaryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon