New Rivalry?
We are now here in cavite. At last natapos din ang tila napakahabang paglalabay namin ni Damon. Ewan ko ba. Feeling ko sobrang pagod ang katawan ko sa biyahe. After ng away namin ay hindi ko na siya muli pang-kinausap. I dont want things to be more complicated.
"Baby are you hungry? Gusto mo kumain muna tayo?" tanong niya ng makababa sa kotse.
"No thanks. I'm full." nauna ako sa pagpasok sa farm at doon sinalubong ng mga nagbabantay at magsasaka dito.
Naramdaman ko naman ang pagsunod ni Damon mula sa likod ko.
"Señorita Scarlett ? Naku maligayang pagbababalik ho! Señorito Damon!" maligayang bati ng isa sa kanila.
"Magandang hapon po."nakangiting bati ko.
"Mabuti naman po at nakadalaw kayo. Ang tagal na mula nang huling balik niyo rito. Tignan mo nga naman oh. Dalagang-dalaga na si Señorita Scarlett ." masayang bati nila.
Ngumiti lang ako sa sa kanila. Ewan ko ba pero parang nawalan ako ng gana. Knowing na kasama ko naman si Damon.
"Mukhang pagod na ang señorita. Halina't ihatid na natin sila sa villa."
Ngumiti ako sa kanila at tumango. Sinubukan ni Damon na hawakan ako ngunit nagmadali akong sumunod sa matandang maghahatid samin sa villa.
"Napagod ka ba sa biyahe?" malambing na sabi ni Damon matapos akong sabayan sa paglalakad.
"Hindi ba halata?" inis na sagot ko.
"Bakit ba biglang ang sungit mo ha? Do you have monthly period ? Or don't tell me buntis ka na?" agad akong napalingon sa kanya dahil sa pagkagulat.
"WTF? Ano bang klaseng tanong yan? J-just shut up okay?" he smirked.
"Okay...BABY" he said and winked at me.
"Señorita Scarlett narito na po tayo. Magpahinga na po kayo. Maligayang pagbabalik pong muli." ngumiti akong muli sa kanya at nagpasalamat.
Namiss ko ang villa de Ruiz. Halos dito na ko lumaki at inaamin ko, napamahal na sakin ang lugar na to. Sa daddy ni mommy ang villa na to. Iniregalo ito sa kanila ni Grandpa ng ikasal sila ni daddy. Napangiti na lang ako sa mga alala-alala na bumabalik sa isip ko.
"Rest, pupunta tayo mamaya sa farm kung saan naganap ang sunog then we'll go to Fritz debut." hindi ko siya pinansin at pumasok sa dati kong kwarto.
Nang makarating ako sa dating kwarto ko ay agad akong humiga at nakatulog.
"Señorita?" nagising ako dahil sa katok sa kwarto ko. Bumangon na ako at pupungaspungas pang binuksan ang pintuan.