Si....si.....sino ba ulit to?
Palapit siya ng palapit. Di ko na marinig yung mga sinasabi ni Mary dahil naka focus lang ako sa parating na si..... sino ba to?!
Ahh, si Diego nga pala. Diego Salvacion. Hanggang sa nasa tapat na namin siya. Sabay bati niya samin ni Mary.
"Hi girls!" Bati niya samin ni Mary
"Hello Fafa Die-- este Diego!! ^___^" tuwang tuwa naman tong si Mary. Joskoooo naman talaga bat ba siya nakikipag usap jan. FC much?
"Oh, nag bbar din pala kayo." Diego
"Tigin mo samin? Alien? Nagkukulong lang sa kwarto!" Sabat ko naman
"Ahh. Hehe. Sorry naman. Pwede maki-join?" Tanog niya.
"Oo nama---" di ko pinatapos si Mary sa pagpayag niya dahil ayaw kong makasama yang mukang mahangin at mayabang na lalaking yan!
"Hindi pwede!" Sabi ko
"Tss. Ba't ba ang sungit sungit mo? Makikipag kaibigan lang naman ako sa inyo ha!" Pasigaw na sabi niya dahil masyadong malakas ang music dito sa bar.
"Dahil ayoko. May problema!?" Galit na sagot ko sa kanya. Nakakainis talaga to!
"Oo! Ikaw ang problema!" Sagot ni diego
Bago pa ako makapagsalita ulit eh gumitna na samin si Mary. Tss.
"Eh ang kap----" putol sakin ni Mary.
"Oh. Tama na yan!" Takot na sabi ni Mary.
Pag nagagalit kasi ako natatakot si Steph and Mary sakin eh.
"Tara na nga Mary! Baka kung ano pang magawa ko ditong hindi maganda!" Agad kong hinila si Mary palabas.
Gahd! I hate that guy!
Dumiretso na lang kami sa isang malapit na cofee shop.
Tahimik lang kami ni Mary habang nakaupo.
Di ko talaga gusto yung lalaking yun eh. Tss. Ba't ko ba iniintindi yon! Mas lalo lang akong nababadtrip!
Diego's POV
Ba't ba sobrang taray ng babaeng yon?!?! Nakikipag kaibigan lang ako. Masama na ba yon? Sagutin niyo nga! Sa pogi kong 'to wala pang umi-snob sakin na babae. Siya palang.
(Mahangin!! Lakas ng hangin!)
"May sinasabi ka jan ms. BK?"
(Ako?! Wala ah. Oo, Pogi ka...hehe)
"Ahh, sige sige."
Gusto ko siya. Lahat ng gusto nakukuha ko. Kaya sisiguraduhin kong mapapasakin siya. *evil smirk*
Umuwi na ako sa condo ko dahil ang boring ng mga babae sa bar. Tss.
Di naman ako babaero no! Minsan lang ako mag bar ng ako lang mag isa. Wala kasi dito ang pamilya ko. Laging out of town. Laging busy. Nakasanayan ko na din ang mag isa. Okay lang naman. Masaya naman ako kahit papano.
Ano nang gagawin ko ngayon?!
"Makatulog na nga!"
Denim's POV
Kakauwi ko lang galing sa bar. Gahd! This was my first time na nasira ang gabi ko sa bar! Nakakainis yung lalaking yon!
Pero aaminin ko, pogi nga siya, bakat na bakat ang abs niya kanina dahil sa fitted V neck shirt niya.
Ahhhh!!! Bakit ko ba inissip yung lalaking yun!?
"NAKAKAINIS!!! TALAGA NAMAN!!" Habang sinasabunutan ang sarili ko.
"Tss. Makatulog na nga!"
Hehehe. Nagustuhan niyo ba? Hahaha.
Vote. Comment. Be a fan
→ BRB
BINABASA MO ANG
Why?
Teen FictionLove - Love? One word pero ilang libong sakit ang pwede mong maramdaman dahil sa LOVE. Sa Love? Maraming pwedeng mangyari, magiging tanga, martyr, masaktan, at kung anu-anong sakit pa ang pwede mong maranasan dahil sa Love. Hurt - Masakit kung alam...