Kinabukasan:
Maaga akong nagising. Syempre morning routine
Maligo → toothbrush→ mag ayos → kumain → diretso sa university
Dumiretso ako sa university tapos sa room.
Aba, wala pa ang dalawa. Masyado ba akong maaga ngayon? Hahaha. Natulog na lang muna ulit ako sa desk ko.
Hanggang may kumakalbit sakin
"Uyy, Denim, gising! Nanjan na si prof" anak ng! Kita kong natutulog yung tao! Sino ba tong istorbo na to.
Tumingin ako sa kung sino man kumalbit sakin. Pag angat ko ng ulo ko, nakita ko ang naka ngiting Diego. Ang gwapo niya pala talaga lalo na pag naka ngiti. Ay ano ba! Ito nanaman ako.
Inangat ko na ang ulo ko at umupo ng maayos.
"Thanks." Sabi ko na lang sa kanya
"Huh? Para san?" Medyo slow pala to =))
"Wala!" Pag susungit ko.
"Ang taray mo talaga. 'Di ba talaga pwede makipag kaibigan sayo?" Tanong niya habang naka pout.
Hala?! Ang cute niya!!
"Pag iisipan ko" sabi ko
"Sus. Wag mo ng pag isipan. Friends na tayo ha. Thank you! ^__^"
Di pa nga ako pumapayag eh. Pero sige okay lang. Haha!
"Sige na." Nginitian ko na lang siya. At ganon din naman siya.
Mukhang mabait naman pala tong lalaking to. Kaso mayabang at mahangin eh.
Diego's POV
Ayan friends na kami. Sana magkasundo kami. Nak ng! Ngayon lang ako naging ganito sa babae ha. Pero okay lang. Gusto ko na ata siya? Hahaha. Masyado bang mabilis? Sige dadahan dahanin ko. Haha!
Ang ganda niya pag naka ngiti siya palagi. Anak ng putsa. Hahaha. Iba na to. Palalim ng palalim.
"Ahh, Denim, pwede ba kita ayaing mag lunch mamaya?" Tanong ko. Sana pumayagbsiya.
"Ang bilis mo naman ata? Pero sige. Ngayon lang ha!" Yessssss!!!!
"Sige sabay na lang tayo lumabas mamaya"
"Sige" sagot niya.
Matapos ang ilang subjects lunch na.
"Uhm, tara?" Aya ko. Medyo nahihiya ako. Takte!
"Sige wait. Paalam lang ako kila Mary."
"Sige, take your time." At umalis siya para magpaalam.
Matapos niya magpaalam, dumiretso na kami sa pinakamalapit na restaurant. At um-order na kami.
Nag kwentuhan lang kami ni Denim ng kung anu-ano. Masaya siyang kasama. 'Di katulad ng iba na boring. Siya ibang ibang talaga siya. I really like her.
"Oh, napatulala ka na jan?" Tanong niya. Iniisip kasi kita eh. Sabi ko sa sarili ko.
"Ah-ah? W-wala naman." Pucha nauutal utal pa tuloy ako ngayon!
"Ah, haha. Sige. Tapos na ako."
"Sige. Tara na?" Patanong kong tanong
"Tara!" Masayang sabi niya. Ang hyper niya ah. Pero mag okay na to. Kesa naman lagi niya akong sinusungat. Mas lalo siya gumaganda.
Nakabalik kami sa university dahil may next class pa kami. Magkasama parin kami ni Denim sa next class. Halos lahat ata parehas kami ng schedule eh.
Meant to be ata kami? Ay, tupa! Kabaklaan naman to!
Bigay niyo na nga Denim yung POV!!
(Mabuti pa nga!)
Denim's POV
Nandito kami sa next class namin. Hayy, halos parehas kami ni Diego ng schedule. Masaya siyang kasama. Mukang magkakasundo kami. Marami din kasi kaming similarity. Natutuwa naman ako dahil may kaibigan na akong lalaki. :)
Nakinig lang ako sa Prof namin. Medyo inaantok na nga ako eh. Kasi naman two hours tong subject na to. Nakakaloka kaya!! @___@
Ayan malapit na matapos.
Hanggang sa.............ten tene nen!
"Okay class dismissed." Hay salamat naman no! Kanina ko pa hinihintay yan. Hehe. Kahit bored na bored na ako, I don't ditch my class. Good girl ako eh. >:)
Pauwi na ako ngayon. Lalala~ same routine. Every day ganito. Hayyy. Ano kaya feeling ng may kapatid? Minsan naiingit ako sa mga nakikita ko sa mall, park na kumpleto ang pamilya, masaya sila. Hayy. Tama na nga yan Denim.
As usual, bubuksan ko yung facebook para tignan kung anong meron. Twitter kung anong trending. Nakakasawa na! Wala na bang bago?
Nag log-out na ako sa facebook and twitter ko. Ngayon, mag sshower na ako!!
Habang nag sshower ako, kumakanta ako ng Diamonds ni Rihanna.
(Searh niyo na lang po sa youtube)
Natapos akong mag shower at natulog na. Zzzz
Oh yan. Joskooo! Nakakapagod. Haha!
Medyo lame
Vote. Comment. Be a fan :)
BINABASA MO ANG
Why?
Teen FictionLove - Love? One word pero ilang libong sakit ang pwede mong maramdaman dahil sa LOVE. Sa Love? Maraming pwedeng mangyari, magiging tanga, martyr, masaktan, at kung anu-anong sakit pa ang pwede mong maranasan dahil sa Love. Hurt - Masakit kung alam...