Nandito na ako sa bahay ngayon, kakauwi lang. Hayyyy kakapagod pero sobrang saya! Grabe, ngayon lang ako nag enjoy ng ganto. Ang sarap pala kasama ni Diego pero walang lasa syempre. Di siya boring kasama. Gan'to pala feeling pag may kasama kang lalaki. Napa-smile na lang ako. Bakit ko ba iniisip to?!?! Baka mamaya kung saan pa mapunta 'tong iniisip ko.
"Makaligo na nga't makatulog!" Sabi ko na lang sa sarili ko. Haha. Baka mabaliw ako ng di oras.
Tapos kong maligo, nahiga na ako. As usual, nakatingin sa kisame hanggang sa makatulog -.-
"Waaaah!!! Di ako makatulog!!! Sino ba nag iisip sakin?!?! -.-" bwisit naman!
Biglang nag-ring yung phone ko. Kinuha ko sa side table, tinignan ko kung sino yung tumatawag...
"Si Diego???" Bakit naman kaya tumawag to?
"Oh bakit?" Malumanay kong sagot. Kunyari tulog ako nung tumawag siya.
"Ah, wala naman. Kala ko tulog ka na." Bakit naman niya tinatanong? -.-
"Oo! At istorbo ka!" Kahit di pa naman talaga ako natutulog dahil di ako makatulog.
"Ayy, ganon ba. Pasensya na kung naistorbo ko tulog mo." Pa-sweet naman masyado to. Baka masapak ko to. Haha. Joke.
"May kailangan ka ba?" Kunyari inis ako dahil ginising ako.
"Mag ggood night lang sana ako. 'Good night Denim. Sweet dreams. Sleep tight'." Hala!? Biglang bumilos tibok ng puso ko!!
Ngayon lang may nagsabi sakin niyan bukod sa mommy at daddy ko noong bata ako! :o
"Okay. Good night." Binaba ko na agad yung tawag.
Maka tulog na nga lang!
Diego's POV
Di ako mapakali! Di ako makatulog! Ano ba nangyayari sakin?!?! Hayyy, tawagan ko kaya si Denim?! Pero ano naman sasabihin ko dun?! Tsaka baka tulog na yun. Anong oras na oh?!
Wala naman sigurong masama king ittry diba? Matawagan nga ang love ko. Nyay!? Ano?! Love?! Tupa! Wag mong sabihing tinamaan ako sa kanya?! Ay nako! Hindi no! Imposible!
Dinialko na number ni Denim "Oh bakit?" Aba gising pa!
"Ah, wala naman. Kala ko tulog ka na." Joskooo tanga mo Diego! Kita mong malumanay yung boses!
Syempre tulog na yan! Istorbo ka talaga!
"Oo! At istorbo ka!" Nak ng! Galit ba to?! Hahaha. Malamang! Ano ba nangyayari sakin!?
"Ayy, ganon ba. Pasensya na kung naistorbo ko tulog mo." Pa-sweet kong sabi. Ay pucha! Baka masapak ako nito!
"May kailangan ka ba?" Ano ba kailangan ko? Walaaa namaaan. Mukang inis na to ah..
"Mag ggood night lang sana ako. Good night Denim. Sweet dreams. Sleep tight." Wow tsong ang sweet ko! First time to! Pusha!
*dream of me denim*
"Okay. Good night." Binaba na niya yung kabilang linya.
Hayyyy. I think, I like her....
Agad agad?! Ang bilis ko naman ata?! Psh!
Wow?! Yieeee. Abangan niyo lang yung mga susunod na chapter. =)))
Vote. Comment
→ BRB
BINABASA MO ANG
Why?
Teen FictionLove - Love? One word pero ilang libong sakit ang pwede mong maramdaman dahil sa LOVE. Sa Love? Maraming pwedeng mangyari, magiging tanga, martyr, masaktan, at kung anu-anong sakit pa ang pwede mong maranasan dahil sa Love. Hurt - Masakit kung alam...