Adrian.
Umakyat ako para puntahan si Kaira alam kong meron siyang alam na hindi ko alam.
Nakita ko siya sa may tapat ng pintuan ng kwarto niya.
"Meron ka bang hindi sinasabi saakin?" Tanong ko sakanya humarap siya saakin at laking gulat ko na paiyak na siya.
"Teka-- bakit na umiiyak?" Tanong ko
"S-sorry Adrian h-hindi k-ko s-sinasadya" Sabi niya at tuluyan ng umiyak.
"Hindi ko maintindihan" nagugulohan na ako na bang nangyayari.
"Tawagan mo si Hill papuntahin mo siya dito" sabi niya habang pinupunasan ang kanyang mga luha.
"Bakit?"
"Nasa panganib si Ciella at kapag wala tayong gagawin pwede siyang mawala."
Kapag wala tayong ginawa pwede siyang mawala....
No! No! No! Ayokong mawala si Ciella.
"Paano mo nalaman ang lahat ng ito?" Tanong ko
"K-kasi..."
"Kaira? Adrian?" tawag ng isang boses na nanggaling sa likod ko.
"Hill.." tawag ni Kaira.
"Anong meron? Bakit ka umiiyak?" Nag aalalang tanong ni Hill.
"Hill bakit ka nandito?" Tanong ko.
"Gusto ko lang sana alamin kung nandito si Ciella wala pa siya sa condo eh" sabi niya.
Napapikit nalang ako sa galit totoo ngang may kumuha kau Ciella.
"Hill..nasa panganib si Ciella" sabi ko.
"A-ano?! T-teka lang Adrian wala namang biruan!" Sabi niya halatang kinakabhan siya.
"Hindi ako nagbibiro nasa panganib siya" sabi ko kaya naman napa mura si Hill.
"At sino ang pwedeng gumawa nun?! Wala namang siyang kaaway eh" sabi niya habang nakasabunot sa kaniyang buhok.
"S-si Valkerie" Sabi ni Kaira na ikinagulat namin.
"Sino siya?" Sabi ni Hill halatang nanggigigil na siya.
"Bawal ko sabihin pero kung gusto niyo malaman sumama kayo saakin alam ko kung nasaan sila pero wag na wag kayong tatawag ng pulis" sabi niya.
Graciella.
"So..Ikaw talaga si Valkerie?" Hindi ako makapaniwala bakit sa lahat siya pa?!
"Yes it's me..the most beautiful in the world" ang feelingera talaga nitong laspag na ito.
"Sinong may pake?" Pambabara ako nakita ko naman ang pagkainis niya. Pikon tsk!
"Alam mo naaawa ako sayo ni isa wala man lang nakapansin na nawawala ka ah! Isa lang naman ibig sabihin nun eh" sabi niya tska ngumise "Wala silang pakialam sayo"
BINABASA MO ANG
Ako Nalang Sana (Completed)
RomanceMay isang babae na nagkagusto sa kanyang Kaibigang lalaki. Dumating yung punto na naging sila. Paano kung isang araw yung pangako nila sa isa't isa ay mabali? At may humadlang sa pagiibigan nila? ano ang gagawin nila?