Special Chapter.1 (Before)

27 3 1
                                    

"Adrian!!!!!!!!" AGad akong napabangon dahil sa laks ng sigaw ni mama. Lagot pala ako!!

Napatingin ako sa pintuan ng kwarto na biglang bunukas. Linuwa naman nito ang isang kabayo na anytime ay ready nang manipa. Pero siyempre joke lang. Iniluwa nito si Mama na ngayon ay beastmode habang nakapameywang at feeling ko rin na may nalabas na usok sa ilong niya. Katakot.

"GoodMorning aking pinakamamahal na Nanay!!" Kunwari walang nangyari. Pero instead na batiin din ako ni Mama ng 'GoodMorning' pinasok niya yung kwarto ko at piningot ang tenga ko. Naku po! Patay kang Adrian ka!

"Anong goodmorning goodmorning?! Magaalas-dose na tapos goodmorning?! Tska tumawag saakin yung adviser mo at pinapatawag ako sa eskwelahan mo! Siguro may ginawa ka nanamang kagaguhan noh?! Ano?! Sumagot ka!" Sigaw ni mama na muntik ng ikasira ng eardrums ko. Naku wala akong paraan para mawala ang init ng ulo ni mama.

"Eh Ma kasi--" naputol ang pagsasalita ko ng biglang nagsalita ulit si Mama.

"Ano?! Nasagot ka na ngayon?! Hindi mo na ako nirerespeto ha?! Ha?!" Mas lalo niya pang hinigpitan ang pagkakapingot niya kaya napa aray ako.

"Ano magsalita ka magsalita ka--!!"

"Ma! Sabi mo sumagot ako edi siyempre sasagot ako. Tapos kapag hindi ako sasagot magagalit ako ano yun ma lokohan wow ma ah? Wow" sabi ko. Tinanggal ni mama ang pagkakapingot niya saakin. Buti naman.

"Ano ba talagang nangyari huh?" Ngayon malumanay na tanong ni Mama.

"Nahuli kasi akong nangongodigo eh" diretsohan kong sagot. Nanlaki naman ang mata ng nanay ko at again bumalik ang pagiging beastmode niya.

"Nangongodigo?! At ano naman ang pumasok sa kokote mo na gawin yon ha?!"

"Eh...ma ang hirap ng test eh. Ang daming churva churva tska ang daming isosolve. Tapos English pa nakakanosebleed tska --"

"Ano? Filipino? AP? Science? Ano pa?" Si mama talaga.

"Lahat ma kahit minor subjects wahaha! You know ma Huwarang estudyante here!!" Sabay taas ng kamay ko.

"Tse! Diyan ka na nga aalamin ko pa ang mga kalokohan mo sa eskwelahan mo kaya humanda ka na mamaya letche to" sabi ni mama at lumayas na ng silid ko. Naks lalim ng tagalog ko.

Linggo pala ngayon. Magsimba kaya ako para mabawas bawasan ang kasalanan ko? Tama! Pero mamayang gabi na.

Bumaba ako sa kwarto ko at nagtungo sa may silid kainan. Pagkarating ko nakita ko yung mga pinsan ko sa baba na nakain. MAsisiba talaga.

"Oi asan si Nanay?" Tanong ko sakanila. Kanina kasi pagbaba hindi ko na napansin anini ni Mama. Tska kadalasan nasa harap lang yun ng t.v nanunuod ng AlDub.

"Pumunta ata ng skul mo. Ano palang nangyari? Bakit pinatawag si Tita?" Tanong ni Jan. Pinsan ko.

"Pinatawag hindi halata? Bobo mo talaga kahit kailan" sabi ko at tumusok ng isang hotdog. Speaking of hotdog gusto ko may cheese oh wag kayo green.

Matapos kong kumain lumabas muna ako ng bahay maglalakad-lakad muna kaso palabas palang ako sinalubong nanaman ako ni nanay na beastmode.

Lumapit siya saakin at piningot ulit ang tenga ko. Nay masakit masakit.

"Ikaw talaga!! Mangongodigo ka na nga lang mali mali pa! Sabi saakin ng madam mo bagsak mo daw lahat ng exam mo naku pong bata ka!! Tapos nahuli kapa nung guard na tumalon ng dingding para mag cutting!! Letche ka talaga!!" Nanggigigil na sabi ni Mama at hinigpitan pa yung pagkakapingot. Agad ko naman itong tinanggal.

"Ma! Basta ang importante may pagkain tayo." Sabi ko. Nakita kong may lumabas ng usok sa ilong ng mama ko kaya napa atras ako.

"Punyeta kang bata ka!! Hala sige! Pumunta ka ng bayan at bumili ka ng mga pagkain at magsimba ka!" Sabi ni nanay at ibinigay saakin ang napakahabang listahan na akala mo ay parang pang isang taon na pagkain.

"Ma ang dami naman nito" reklamo ko.

"Nagrereklamo ka?"

"Hindi naman po kaso-"

"Eh kung ganyan ka akina yang cellpho--"

"Ma! Ito na nga oh pupunta na asan na po ba yung pera?" Naku naman napaka init eh. Inabutan ako ni Mama ng Tatlong libo at umalis na ako.

habang naglalakad ako pansin kong ang daming babaeng napapatingin saakin. Naku naman napakaliit na bagay. Tska alam kong gwapo ako huwag niyo sanang ipahalata. Mwahahaha!!

Napalingon ako duon sa isang babae na napaka sexy at ganda. Kinawayan niya ako at siyempre kinindatan ko siya. Kaso habang nakatingin pa rin ako hindi ko namalayang na may humps kaya okay. Alam niyo na ang nangyari.

Agad akong tumayo na para bang walang nangyari. Pero pucha nakaka turn off yun eh.

Nagtungo ako duon sa may SaveMore naks! #FeelingRK

Pagdating ko dun kinuha ko na ang lahat na bibilhin then binayaran ko na. At yung sukling bente pinambili ko ng cornetto.

Habang naglalakad ako pabalik ng bahay with matching dila pa sa ice cream may nakita akong babae. I dont know pero bat ganun parang tumigil ang mundo ko. K alam kong korni pero parang slow motion!!

Tinignan ko yung uniform.nila at alam ko yun yung katabi lang ng school namin. Parehong public.

Sa sobrang kakadada ko nawala na sila nakunaman. Dinilaan ko ulit yung ice cream ko at naglakad na papunta sa bahay.

Pagdating ko sa bahay inilapag ko yung mga binili sa lamesa. Hmmm..paano kaya makalipat duon sa school nila? I'm sure na hindi papayag si Mama kapag magpapalipat ako kaso gusto ko talaga magpalipat. Second quarter palang naman.

Ting! Alam ko na! Wahahaha!!

-------

"Putragis kang bata ka!!! Ano nanaman bang ginawa mo?! At na kick out ka duon sa eskwelahan mo?!" Sigaw saakin ni Mama.

"Eh ma sabi ko naman sayo na gusto kong lumipat duon duon sa katabing school namin edi ayan gumawa ako ng kagaguhan ko" sabi ko.

"Eh bakit mo ba gustong lumipat duon ha?!"

"Eh kasi ma...wag ka maingay...may crush kasi ako don" nahihiya kong sabi.

Bigla namang nanlaki ang mga mata ni Mama na para bang hindi makapaniwala.

"Talaga anak?! Bakit hindi mo sinabi edi sana nailipat kita! Tska uy...binata na yung anak ko!!" Sabi ni mama.

"Sige bukas papasok kana ipapaenrol na kita ngayon basta ang usapan mag aaral kang mabuti kundi naku!!" Sabi niya ulit. Ngumita ako sakanya at tumango.

Hindi na ako makapag hintay na makita kita Forever KO.

--
Adrian's POV po yan.

Short UD lang pero may part two. And ito yung nangyari bago sila magkakilala.

Ako Nalang Sana (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon