Graciella.
Iyak lang ako ng iyak habang pinagmamasdan ang divorce paper sa harapan ko.
Hindi ko alam kung bakit kailangan umabot sa punto na maghiwalay kami ni Adrian.
Bumukas ang pintuan ng banyo at iniluwa nito si Adrian na bagong ligo habang nagpupunas ng kanyang buhok. Tinignan niya ako emotionless. And it hurts me a lot.
"Napirmahan mo na ba?" He asked me coldly.
"Hub--!"
"It's Adrian not hub" putol niya sa sinasabi ko. Pinigilan kong mapahagulgol sa harapan niya.
"Pwede pa naman natin ito maayos diba?" I asked him. Lumapit ako sakanya at hinawakan ang kamay niya kaso agad naman niya itong binawi.
"Maayos?! Sigurado ka?!" PASigaw niyang tanong.
Sana hindi nalang ako umalis para hindi ito mangyayari.
Flashback...
Nandito ako ngayon sa isang bar malapit sa bahay namin. Magkagalit kami ni Adrian paano ba naman nagsinungaling saakin.
Sabi niya kasi nasa office siya tapos nakita ko siya sa may bar nakikipaglandian duon sa mukhang hipon na yun tch!. Beastmode ako grr!!
Lumagok ako ng alak. Kaso may lumapit saakin.
"Hi miss!" He said. Tch di na ata ako nakikilala?
"Who are you? Sorry I'm not talking to stranger" I told him kaso nang makatayo ako bigla akong nakaramdam ng hilo.
"Are you ok-- wait? Graciella Cruz?" She asked. Hindi na ako sumagot nahihilo talaga ako.
"Tch. You dont care"
Pero bago ako makatayo bigla nalang ako nawalan ng malay.
[Kinaumagahan]
Nagising ako dahil sa liwanag na tumama sa mukha ko. Iminulat ko ang mata ko at tatayo sana kaso nakaramdam ako ng sakit sa ulo ko.
Ughh!! Fucking shit!
Pinilit kong bumangon kahit masakit ang ulo ko. Kaso nung inilibot ko ang tingin ko sa kabuuan ng kwarto duon ko nalaman na hindi ko ito kwarto.
"Gising ka na pala" sabi nung lalaking pumasok sa pintuan. Teka kilala ko to ah? Siya yung lalaki duon sa bar kagabi.
"Bakit ako nandito?" Tanong ko at tumayo kaso masakit talaga ang ulo ko.
"Ay oo nga pala..ako nga pala si Danzel" pagpapakilala niya.
"Hindi ko tinatanong kung sino ka! Nasaan ako!? Palabasin mo nga ako dito" sabi ko at tumakbo palabas buti nalang hindi siya himarang tch.
Nakarating ako sa bahay. Buti nalang malapit yung bahay ng lalaking yun dito sa bahay kala ko naman malayo.
Pagpasok ko nakita ko agad si Adrian na nakatayo sa may pintuan.
"H-Hub"
"Where have you been?" He asksd seriously and coldly.
"I c-can explain" I told him.
"Explain what?! Oo alam kong mali ako na nagsinungaling sayo kaso bat kailangan mong gumanti? At bakit kailangan mo pang lumandi sa ibang lalaki? Pwede mo namang sabihin saakin na ayaw mo na kaso bakit kailangan mo pa patagalin?!" He told me.
"Nag bar lang naman ako kagabi dahil din naman sayo eh! Tapos ako pa ngayon ang mali?! Eh sino ba naman kasi ang nauna?! Ako ba Adrian?! Ako ba?! Hindi! Ikaw yun! Ikaw!" Sabi ko nakakainis na eh.
"Damn it!" He cussed and umalis kaso paakyat na soya ng may sabihin ulit siya.
"Mag hiwalay nalang tayo kung ganyan din lang pala"
End...
"Dapat pag balik ko nakapirma ka na" sabi niya at umalis ng kwarto.
Napahiga ako sa may kama at umiyak. Alam kong napaka babaw eh pero bakit ganun?
"Mommy!!" Tawag saakin ni Adriella.
Agad ko namang pinunasan ang mga luha ko baka magtanong sila kung bakit ako umiiyak.
"Mom are you crying?" Eldrian asked me.
Panganay namin si Eldrian tska sumunod si Adriella. Mas matanda si Eldrian ng tatlong taon kay Adriella.Eight years old na si Eldrian at si five naman na si Adriella.
"Hey mom? Are you listening?" Eldrian asked me.
"Mommy make suot na this because me and Kuya Eldrian wants to punta to mall" Adriella gave me the simple dress with floral design. Pero paano si Adrian?
"Okay. Sige punta na kayo ng room niyo then bihis na kayo okay?" Sabi ko at umalis na sila.
Matapos kong magbihis tapos na ako. Kinuha ko yung phone ko at ready nang lumabas.
Kaso nung lumabas ako nagulat ako ng may makita akong red carpet sa may labas ng kwarto ko at may mga arrow na nagsasabing direction na pupuntahan ko.
Sinundan ko ito at huminto ako sa may tapat ng garden. Lumabas ako ng bahay at nagtungo sa labas ng garden.
Nakita ko agad si Adrian duon sa may dulo kaso habang naglalakad ako may humawak sa kamay ko. Agad naman akong napangiti. It's Eldrian and Adriella. Nang malapit na kami kay Adrian biglang huminto yung dalawa. Tumingin ako kay Eldrian.
"Go mom! Dad is waiting for you" he said then tinulak nila ako.
Pero instead na maglakad ako ini-alay ni Adrian ang kanyang kamay at tinaggap ko naman ito. Sa totoo lang naguguluhan ako.
Nang nasa gitna na kami bigla niyang kinuha ang kamay ko at inilagay sa kanyang balikat at ang kamay niya naman sa bewang ko.
"Wife..sorry" sabi niya.
"H-huh? D ko gets" sabi ko.
"Planado ang lahat wife eh hehehe" sabi niya at nag peace sign. Tinaasan ko naman ito ng kilay.
"Haisst! Simula duon sa may office yung pagsisinungaling ko sayo hanggang dito planado ang lahat...and yung Danzel? Sa totoo lang nagselos ako pshh..kahit simpleng hawakan ka lang niya at mas lalo yung hawak sa bewang mo tch! Sa puntong yun gusto ko siyang gilitan!" Sabi niya. Hahahahaha!! Ang kyot niya magselos!!
"Okay lang yun Hub..alam ko namang hindi mo ako kayang iwan eh" sabi ko then I gave him a smack.
"I miss you wife and I love you" he whispered to me nung yakapin niya ako.
"I love you too hub" sabi ko at ibinaon pa ang ulo ko sa leeg niya.
"Mamaya wife two rounds tayo pwede?" He asked then chuckled.
"Pshh! Bastos ka talaga!" SABI ko at pinalo siya.
"Pero ano nga? Two rounds ah?" Pangungulit niya
"Opo na po" sabi ko at tumawa.
Haisst...kahit kailan talaga mahal na mahal ko talaga tong lalaking ito kahit siya yung unang nagbigay saakin ng sakit sa pagmamahal at siya rin ang una kong minahal at siya rin ang huli kong mamahalin forever and ever.
End.
--
Charowt! End na yung story nila but meron pang special chapter.
Short UD lang to. Wala kasing pumasok sa isip ko huehuehue! Yung Special Chapter.1 maybe sa Sabado or linggo and ung .2 next week then tapos na!! Mabuhay!!
May gagawin na ulit akong new story ^_^
Salamat.
BINABASA MO ANG
Ako Nalang Sana (Completed)
RomanceMay isang babae na nagkagusto sa kanyang Kaibigang lalaki. Dumating yung punto na naging sila. Paano kung isang araw yung pangako nila sa isa't isa ay mabali? At may humadlang sa pagiibigan nila? ano ang gagawin nila?