Chapter 1

66 0 0
                                    

-Dahil sa pag-mamahal, marerealize mo kung gaano kaganda ang mga bagay na nasa paligid mo..-

Napakapayapa ng paligid at nililipad ng hangin ang laylayan ng aking white gown...

Napakaaliwalas ng lugar kasama na ang mahinang pag - alon ng tubig sa dagat.. napakaganda ng paligid at lalong binibigyan ng tuwa ang aking mata dahil sa aking nasisilayan...

Nakaharap sa akin ang taong pinakamamahal ko.. at patuloy niyang ipinaparamdam sa aking kung gaano ako kaespesyal. Hinawi niya ang mga hibla ng buhok na humaharang sa aking muka at pinalalambot niya ang aking damdamin dahil sa makahulugang pag tingin niya sa akin ..

Yakap ko siya habang ako ay nakikipaglaban din ng titigan sa kanya,.

- Ngunit hindi rin maiiwasan na magulo ang isipan mo dahil sa mga bagay na nakapaligid sayo.. -

Ngunit mali ito.. at mali ang nararamdaman ko.. Patuloy na ginugulo ng mga bagay- bagay ang aking isipan.. Hindi ito ang tamang sitwasyon at tamang lugar para maramdaman ko ang bagay na ito ..

- At mas hindi maiiwasan na makagawa ng bagay na hindi inaasahan na makakasama sa ibang tao.. -

Hindi ko na kaya.. Kailangan kong umalis sa lugar na ito para maitama ang nararamdaman ko ..  

Maluha-luha ang aking mga mata na parang nagmamakaawa habang nakatingin ako sa maganda nyang mata..

"Hindi ko na kaya.. " pabulong kong sinabi sa kanya

"Ang alin?"

PPPPRRRRRRRRRUUUUUUUUUUUUUUUUUUUUTTTTTT!!!!

"$%%&@$^FDSFG#%%G^#@!! GWYNETH!!!!! Ano BA!!! ANG BAHO!!!! Bakit dito ka pa nagpasabog ng utot!!!!"

SABI NA KASING HINDI KO NA KAYA!!! KAKULET!!!

==============================================================================================

"Ano ka ba naman Gwyneth!! Ilang oras na tayong nagshoshoot hanggang ngayon hindi pa rin tayo tapos!! Nag- aamoy dagat na kaming lahat!"

"Amoy dagat.. samahan pa ng amoy utot!! pffftBwaHAHAHA!!! " - sige lang Ryan.. pagtawanan mo pa ako ..

"Sorry naman Bes.."paumanhin ko kay Lloyd na bestfriend ko. Eh sinabi naman kasi sa simula pang masama ang lasa ng Tiyan ko ayaw nyo namang makinig sa akin!!

"Gwyneth.. parang awa mo na!! Kung di mo talaga kaya eh kumuha na lang tayo ng ibang makakapartner ni Ryan.. ang dami dami mo nang Excuses.. aabutin tayo ng siyam-siyam dito!"

"Eh di humanap ka.. kung may mahahanap ka pa sa maikling panahon eh" para namang may makikita ka pa eh.. ako na nga yung BEST choice nyo!!

Lakad ng lakad si Lloyd at parang sinisilihan ang pwet!! or parang sundalong gutom!! kitang kita ko sa face nyang pawisan ang pagkastress nya, ang hangin na nga pero pinagpapawisan na sya!! BWAHAHAHA..

Eh kung hindi lang naman dahil sa professor namin terror eh di kami nagdudusa ng ganito!! pilitin ba naman kaming pasalihin sa Photography Contest! at pag di daw kami sumali eh isisingko nya kami pare-pareho!! oha oha!..

Love and Amity ang theme ng kinukuhanan naming scene.. kung saan kitang kita ang dagat, at langit at lupa at kaming dalawa ni Ryan na Newlywed kuno..

lahat to imbento ni Lloyd na bestfriend ko kasama ng assistant nya na si Rhian .. Sa amin kasing magkakaklase eh siya lang naman ang pinakamagaling sa Photography at ang kaisa- isahang may DSLR!!! (MAKAKABILI DIN AKO NUN!! TIWALA LANG)

Revenge with UncertaintiesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon