Prologue

8 0 0
                                    


Mula dito sa malayo ay kitang kita ko kung paano sila kasaya, magkahawak kamay sila habang papalapit sa silid aralan, tiyak na magkaklase na  sila ayon sa schedule ng pasok nila. Bagay nga sila napakaganda niyong babaeng kasama niya ngayon na tumatapat sa kakisigan niya. Pero hindi tuwa ang nararamdaman ng puso ko.

Gusto ko nang tumakbo ,pero di ko magawa nasasaktan na ako ng sobra dahil lang sa nakikita ko ngayon.

"Good morning po" pinilit ko ang ngumiti at batiin sila kahit na namumuo na ang sakit sa puso ko.

"Good morning"  tumigil ata ang mundo ko ng binati nila ako pabalik ngunit nilagpasan naman ako.Humalik si Sir.Troy sakanyang girlfriend bago sila mag hiwalay.

Hindi ko ata kinaya yon dahil napatakbo ako ng wala sa oras at bumuhos ang mga luha ko. Ngunit hindi pa man ako nakakalayo ng tawagin niya ako bigla.

"Tell your classmates to review about the last discussion. I will be attending a meeting today" utos nito pero di ko man lang nagawang lingunin siya at sagutin dahil nag uunahan na ang mga luha ko sa pagbagsak.

"Raine?" Kinurot nito ang puso ko ng tawagin niya ako sa pangalan ko. Hindi lalong mapigilan ang pag iyak.

"Y-yes S-sir..." - hindi ko na siya hinayaan pang sumagot at kumaripas na ng takbo at pumunta sa library. Paulit ulit akong tumakbo hanggang sa mapagod. Napahagulgol ako ng pumasok sa isipan ko ang isang bagay.

'ikakasal na daw si sir troy' narinig kong pinagkukwentuhan ng mga kaklase ko.

Ikakasal na daw si sir troy.

Ikakasal na daw si sir troy.

It's been a year when I entered here in highschool, dito ko natutunan kung paano mag mahal sa murang edad nag mahal ako ng maling tao. One word .Masakit.

Hindi ko inasahan na mamahalin ko ang isang taong mas matanda sakin. Mas mature at responsable. Inshort hindi ko siya deserve. Hindi ko deserve na mahalin ang Teacher ko.

Alam kong bawal pero ano pa bang magagawa ko? Puso ko na ang may dikta. Mahirap nang iwasan.Muli nanamang umagos ang mainit na likido sa mukha ko. Hindi ko na malaman kung gaano kasakit ang nararamdaman ko. All along minahal ko siya pero ni isa walang may alam.

Tinago ko iyon dahil alam kung iisipin malandi ako at isa pa bawal iyon, mahal ko ang teacher ko?  Kahit ako pa mismo natatawa sa katangahan ko eh.

Maybe this is just a sign for me right? God gave me a sign.

Masyado pa akong bata para masaktan dahil lang sa pag ibig , maling umibig ako sa teacher ko na 23 years old. Samantalang 13 lang ako. Katangahan itong ginagawa ko. Walang patutunguhan kung itituloy ko pa.

Mas masasaktan lang ako kung susundin ko ang dikta ng puso ko. Panahon naman siguro para sa isip ko. Maybe this time kailangan ko nang piliin ang dapat. Once i step in sana maging tama ang lahat.

Ngayon na alam ko nang ikakasal na si Troy sa Girlfriend niya , masakit iyon pero wala naman akong karapatang tumutol. Estudyante lang ako. Bahala na.

Naabutan nako ng lunch kaya naisipan ko sanang umuwi muna pero sa di kalayuaan ay nakita ko silang naglalakad papunta sa parking lot. Si Troy at si Ma'am Cess. They look so adorable. Ang sweet nila.

Patuloy lang ako sa pagluha habang pinapanood sila sa malayo. Bakit sila bagay?  Bakit sila pwede? Bakit sila deserve ang isa't isa? Bakit siya mahal niya diba?

Pinunasan ko ang luha ko at napabuga ng hangin, buo na ang desisiyon ko ngayon. Kailangan ko ng matauhan sa lahat ng katangahan.

It's time to move on...

SuadelaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon