Capty Heart - Chapty 4 Meet Them <3

30 4 3
                                    

A/N: 

waaaahh! My bad! Antagal bago ko naisipang i-update to ahh! Almost 9 months. hahaha!

Enjoy nyo na lang muna ito . Tsaka na yung next Chapty! Ingat everyone!

Dedicate nga pala kay ate milo to kasi pareho kaming 9 months na hindi nag-update. Hahaha! :"))

Si James Hiro pala on the side ------->>>>

------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

Mikaela's POV

Arghh! Hindi ako makatulog!

Bukas na kasi ako aalis dito sa bahay namin at kakaharapin ko na ang disciplinary sanction ko..

Kinakabahan akowss..

Ikaw ba naman yung pumunta sa isang lugar kung saan wala kang kaide-idea kung ano nag-aantay sayo.

Sana buhay pa ako after ng 1 month na to.

**NEXT DAY**

Nakasakay na ako ngayon sa van ng school kung saan sila na daw yung maghahatid sa akin sa players residence. 

Ang masasabi ko lang...

ANG LAYO HA! Halos 4 hours na akong nakaupo dito, umiinit na yung pwet ko kakaupo. Hindi pa din ba kami makakarating sa paroroonan namin?

Inaantok na ako. Hindi naman ako makatulog.

Bigla na lang tumigil yung van. Yes! Sa wakas nandito na din kami sa-- GUBAT?!

"Teka nga manong? Bakit po tayo tumigil dito sa gubat na to? Akala ko po ba ihahatid nyo ko sa players residence. Ano po bang gagawin natin dito? Mangangahoy?" ang haba ng nasabi ko diba? Well, ganun talaga. Kanina pa kaya ako kinakabahan sa mangyayari sa buhay ko ngayon.

"Ah, Miss dito na nga po yun. Nakikita nyo ba yung sign board dun?" tumingin naman ako dun sa tinuturo niya. Arrow yung nakalagay dun sa board.

"Opo manong. Ano gagawin ko dun?"

"Susundan niyo lang po yung mga signboard na yun tapos mararating nyo na po yung residence."

"Ahh, ganun ba yun. Ay! Wait. You mean maglalakad ako papunta doon? Eh ang dami ko po kayang dala. Hindi niyo po ba ako sasamahan pumunta doon?"

"Naku neng, eh hindi na naman makakapasok itong van dyan sa loob eh. Tsaka neng kelangan ko pa tapusin yung pinapagawa sa akin ng Dean."

"Ay ganun? Hayy. Osige po. Magsisimula na akong maglakad. Ingat po kayo pagbalik." bumaba na ako ng van. Tinulungan naman ako ni manong ibaba yung mga gamit ko. Grabe lang. Ang dami kong bag na dala. 1 malaking travelling bag, nakalagay dun yung mga damit ko. 1 packbag na puno ng pagkain at isang shoulder bag for my personal use at pagkain pa din. Oh diba? Hinding hindi mawawala sa dala ko ang pagkain.

Kawawa naman ako. Ang bigat ng mga dala ko. Nagsisimula na nga pala akong maglakad. Grabe inaantok pa ako. Ikaw ba naman yung tawagan ng 3 am in the morning tapos sasabihin sayo na nasa labas na daw yung maghahatid sayo sa residence. Kamusta naman yun diba? Kaya ngayon gusto ko na makarating sa residence at matulog at syempre kumain na din. Di pa ako nag-aalmusal eh.

Hayy.. Asan na ba yun kanina pa ako paliko-liko dito eh.

Ayun! Nakikita ko na yung tuktok ng residence.

Wow! Ang laki ahh.

It is more like a mansion or vacation house than supposed to be a players residence. Ang ganda ng interior sa labas pa lang ha, pano pa kaya yung sa loob.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 09, 2013 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Para Lang Sayo [Capty Heart] ♥Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon