IV.

183 7 4
                                    

Bumaba ako at nag-usap kami ni Brian. Tinanong ko siya ng mga bagay bagay kahit na alam ko naman ang mga sagot sa tanong ko. Syempre! Ako ang nagsulat sa kanya kaya kilala ko siya. Alam ko ang pasikot-sikot sa buhay niya dahil ako mismo ang nagconceptualize nun. Tama lahat ng sagot niya sa bawat tanong ko. Walang palya. Iniisip pa rin niya na ako ang girlfriend niya…

OH MY GOODNESS! KUNG NANANAGINIP AKO NGAYON, GISINGIN NIYO NA AKO DAHIL BAKA TULUYAN AKONG MABALIW!

Yung gitara kanina na kita ko sa counter ng kusina.. sa kanya daw yun, malamang… sa kanya din yung brief na nakita ko kanina. Oh god, mababaliw na ako sa nangyayari!

August 11, 2013 9:12am.

Maaga akong nagising, nakita ko sa tabi ko si Brian na natutulog pa. I CAN’T BELIEVE NA TUMABI AKO SA KANYA MATULOG! ANG KULIT NIYA KASI! ARGH!! At talagang hindi na panaginip ito dahil nakikita ko siya, nahahawakan, naririnig at naaamoy!

Kinuha ko yung cellphone ko at dinial ang number ni Bob. Sasabihin ko na sa kanya.

“Hello? Lev! Are you okay?! Anong nangyari sa magnanakaw?! What the hell, Lev! Are you trying to kill yourself?! Why are—“

“Wait! Shut up! Makinig ka muna sa akin, Bob. Please makinig ka muna sa akin.”

Alright.”

“Wag mo akong tatawanan ha!”

“Fine. Ano ba yun?”

“K-Kasi si Brian.. yung fictional character ko sa kwento… Andito siya sa bahay! H-hindi ko alam kung paano siya napunta dito! Bob, hindi ako nababaliw ha! Nakikita ko siya, nahahawakan, naaamoy!”

Bigla ko nalang narinig ang malakas na tawa ni Bob sa kabilang linya. That bastard! Sabi ko wag akong tatawanan eh!

“Lev, sabi ko naman kasi sayo, maghanap ka na ng lovelife, tignan mo ang nangyayari! Nababaliw ka na! O baka naman naka-rugby ka?”

“KUNG AYAW MO MANIWALA, EH DI WAG!” Galit kong sabi at pinatay ko yung phone. Bwisit!

“Baby…” Mahinang sabi ni Brian.

“Good Morning.” Sabi ko then I smiled.

“Halika dito” Sabi niya habang kinukusot ang kanyang mata. What the hell?!

Lumapit ako sa kanya at umupo sa kama, umupo din siya sa tabi ko. He snaked his arms in my waist at naramdaman ko na lang ang labi niya sa noo ko. Naramdaman ko ang pag-iinit ng mukha ko at parang lahat ng dugo napunta sa pisngi.

“Let’s have a date today.” He said with a big smile. Tumayo siya sa kama at kinuha ang isang tuwalya na nakasabit sa pinto.

“Sasabay ka ba maligo sa akin?” Casual niyang tanong. MY GOODNESS! NO WAY! Hindi ko siya sasabayan kahit na ang hot ng katawan niya na mukha na siyang phinotoshop! NO!

“U-Uhm, No! M-may period ako.” Palusot ko.

“Ohhh.” Dumiretso siya sa pagpasok sa CR. Holy crap! Magdedate talaga kami?! For real?! In just a snap, nagkaroon ako ng boyfriend?!

************************************************************

Naglalakad na kami ngayon palabas ng subdivision. Naisip ko lang… Di kaya ako lang ang nakakakita sa kanya at baliw na pala talaga ako? Tapos makita ako ng mga tao na kinakausap ang sarili ko?

“Levine!” Tawag ni Kuya Guard. Yung guard sa gate ng subdivision.

“Good Morning!” Bati ko.

“Boyfriend mo?!” Tanong niya habang nakatingin kay Brian. NAKIKITA NIYA SI BRIAN!!! IBIG SABIHIN, HINDI AKO NABABALIW!!! HINDI AKO BALIW!! DIBA?! SABI KO NA NGA BA EH! HINDI TALAGA AKO BALIW!!

“Opo, Kuya.” Sagot ko. Ngitian lang ni Brian si Kuya Guard tapos dumiretso na kami palabas.

“Saan mo gustong pumunta? Mall? Movie? Foodtrip? Ice skating? Timezone? What? Name it!” Sabi ni Brian sa akin. This is how I always imagine ‘Brian’ while I was writing the story. That killer smile… ang ganda tignan…

“Pwedeng lahat gawin natin yun?!”

“Sure! Tara!” Nagabang kami ng taxi at pumunta sa mall.

Pumunta muna kami sa mall at nanuod ng movie. Ang sayang kasama ni Brian. Comedy ang pinanuod namin at talaga namang tawa kami ng tawa tapos ginagaya pa ni Brian yung bakla sa movie. Naglaro din kami sa Timezone!! Nagfoodtrip din kami, syempre, una na dun ang pizza. Kung saan saan kami nagpuntang restaurant, ang dami naming nakain. Sobraaaaa! Hindi ko alam kung bakit pero ngayon lang ako naging ganito kasaya. I mean, for a moment, naramdaman kong napakaimportante ko sa isang tao.

Lagi naman kaming umaalis ni Bob at alam kong importante ako sa kanya. Pero parang iba ngayon… Iba ang nararamdaman ko kay Brian. Basta Masaya lang, I can’t even explain it!

“I love you, Levine.” Sabi niya habang kumakain kami ng ice cream at nanunuod ng mga nag-a-ice skating. I can see the sincerity in his eyes…

Is it really possible na mainlove sa isang fictional character? Alam kong I sound crazy pero hindi ko mapigilan na mapaisip.

“I love you too.” Sagot ko sa kanya then I smiled.

I wonder kung hanggang kelan magsestay dito si Brian.. I mean, hanggang kelan siya mananatili dito sa mundo ng reality? May expiration date kaya ang pagstay niya dito? Kasi kung meron, hindi ko alam kung paano ko siya pakakawalan.

Reality Ever After  (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon