VI.

270 11 10
                                    

Ang lamig sa loob ng kwarto... Parang ayoko pang bumangon... Ang sarap lang humilata at matulog. I can smell something citrusy. I don't know what it is pero ang bango... Orange, I guess? I wonder kung gising na si Brian...

I can feel the cotton blanket wrapped around me... I can also hear a beeping sound. What the hell is that? There is something weird... parang hindi naman ganito ang amoy ng kama ko... Iba ang lambot ng unan ko... Iba ang texture ng bedsheet ko.

I slowly opened my eyes.. Puti at pahaba ang flourescent. Puti ang dingding. Nasaan ako?

Napatingin ako sa kanan ko, nakita ko si Bob na nakaupo sa couch, kumakain siya ng orange habang nagbabasa. Napatingin ako sa kaliwa ko, nakita ko ang dextrose na nakasabit. Bakit nasa ospital ako?!

"B-Bob." Mahina kong sabi...Biglang sumakit ang ulo ko nang tangkain kong gumalaw. Napaigting naman si Bob sa pagkakaupo niya at mabilis na lumapit sa akin.

"Lev!! Salamat naman at gising ka na!!!" Tuwang tuwang sabi ni Bob. Bakit ako nandito sa ospital? Ano bang nangyari sa akin?!

"Ha? Anong nangyari? Nasaan si Brian?" tanong ko.

"My god, Lev! Naalala mo ba nung tumawag ka sa akin na may magnanakaw sa bahay mo?! Diba sinabi ko sayo na tatawag ako ng pulis? Pero anong ginawa mo?! Sinugod mo yung magnanakaw! Ayan tuloy! Ginulpi ka!" sabi niya habang tinuturo ang mga pasa ko. "At ang malala, pinukpok ka pa sa ulo ng kaldero! Ang lakas ng impact kaya nagkaroon ka ng concussion at nakatulog ka ng 3 days! Ang kulit mo kasi eh! Mabuti kamo may nakakita na kapitbahay at ipinag-alam agad sa pulis! Tinakot mo ako! Napauwi tuloy ako dito ng wala sa oras.”

“3 days?” Gulat kong tanong.

“Oo! August 13 na ngayon.” August 13? Eh last time I checked, August 15 na ah?

“Nasaan si Brian?” Tanong ko.

“Nasa kulungan! Aba! Kilala mo pala ang magnanakaw na yun!” Magnanakaw?! Napagbintangan si Brian na magnanakaw?!

“Hindi siya magnanakaw, Bob! Mabait siya!!” Sigaw ko.

“Lev, calm down! Alam mo, sasakit ang ulo mo sa pagsigaw mo nang ganyan eh. Magpahinga ka na muna… Alam kong malakas ang impact ng kaldero sa matigas mong ulo kaya magpahinga ka muna. Wag mo na muna isipin yung Brian na yun.” Nag-aalalang sabi ni Bob. Humiga ulit ako sa kama at tumingin sa kisame. Ano ba talagang nangyari? Bakit August 13 palang ngayon? Samantalang nung nakaraan, August 15 na. What the hell?! At si Brian! Bakit napunta siya sa kulungan?!

Mamaya lang, pumasok sa kwarto ang mommy ni Bob, si Tita Gina pati na ang doctor at nurse. Nakaupo pa rin si Bob sa gilid ng kama ko.

“Iha, kumusta na ang pakiramdam mo?” Tanong ni Tita Gina.

“Okay na po.” Mahina kong sabi. Tahimik na inilagay ni tita ang basket ng prutas sa bedside table. Chineck naman ako ng doktor. Nagturok din ng gamot ang nurse sa dextrose ko.

“By the way, Lev! Kinalulungkot—este kinatutuwa kong sabihin sayo na finire ka ni Gorilla Man.” Duh. Alam ko!

“I know.”

“Paano mo naman malalaman? Eh tulog ka nun! Pero don’t worry! Ipinasa ko kay Mr. Helano ang manuscript mo nung isang araw. Tatawag daw siya kapag nabasa na niya. Napakainconsiderate talaga ni Gorilla Man! Nung sinabi ko na hindi mo maipapasa yung manuscript mo dahil nasa ospital ka, biglang nagalit at sinabing fired ka na daw!" Naiinis na sabi ni Bob.

"Ay! Tignan mo, Lev! May kopya ako ng manuscript mo!” Sabi niya habang itanataas ang makapal na puting papel. Naipaprint na pala niya…

Sandali akong napatitig kay Bob… Kumakain siya ng orange, paborito niya yan… I’m pretty sure para sa akin dapat yang orange na yan pero alam kong di siya magpapahuli sa pagkain ng orange. He looks adorably cute… parang bata kumain. Psh. Naalala ko, nasabi ko na nga pala sa sarili ko na handa ko nang harapin ang reality ko.

Reality Ever After  (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon