II.

222 6 7
                                    

August 9, 2013

Maaga akong nagising... I don't know, siguro kakaisip dun sa "inspirasyon" na sinasabi ni Bob. Saang lupalop naman ako ng mundo maghahanap ng inspirasyon?! I mean, paano?!

Ano yun? Napadaan lang ako kanto, may nakasalubong na gwapong lalaki tapos yun na yun?!

Ugh. Ewan! I don't even know how to start.

8:32am. Napatingin ako sa relo ko. Maaga pa. Humarap ako sa laptop ko, kailangan matapos ko ang bagong kwento ko as soon as possible.

Sinimulan ko ang unang phase ng kwento.

...Everything was completely blank...Until I met him. I typed the last sentence. Hindi ko pa alam kung paano ko i-dedescribe ang leading man ng kwento.

Naisip kong i-kwento ang ideal love story ko pero hindi ko pa alam kung paano iikot ang kwento. Well, may leading man na ako. I named him Brian. Brian James Everdeen. Brian James dahil wala lang, trip ko lang. Everdeen dahil 'Hunger Games' ang movie na pinanuod ko kagabi at ang bida ay si 'Katniss EVERDEEN' So dun ko nakuha ang Everdeen. It's okay dahil nasa American setting naman ang kwentong sinusulat ko.

Pinatay ko muna ang laptop. Wala na akong maisulat. It's time for me to find my inspiration.

Naglinis muna ako ng bahay. I don't usually clean my house, nakakatamad kasi. Kaya nga lagi akong pinagagalitan ni Bob.

Nagluto din ako ng breakfast. Good thing I have eggs in the fridge. Nagtoast din ako ng tinapay. While cooking I heard my phone ring. Kinuha ko ito sa bulsa ko at sinagot.

"Hello?"

"Lev!"

"Bob? Bakit?"

"May emergency eh. Baka mawala ako for 3 days."

"What?! Why?!"

"Yung sinasabi ko sayong pasyente ko, taga-Davao kasi yun and he can't make it here kaya ipinadala ang team namin sa Davao. I'll be gone for 3 days."

"So wala akong babysitter for 3 days?" I giggled. Simula kasi nang mag-isa na lang ako, si Bob na ang palaging nandyan para sa akin. Guardian angel ko nga ata ang lalaking to eh.

"Yes. So magbehave ka. Nag-iwan ako ng maraming pagkain sa fridge. You have a duplicate key of my condo unit. Kapag nagutom ka, may pagkain dun."

"Wow. Para akong stray dog sa kanto ah!"

"Hahaha! Baliw ka talaga! Oh sige na, I have to go!"

"Alright. Take---"

"By the way, Lev. Mag-iingat ka okay? And be careful sa paghahanap ng inspiration!"

"Hahaha! Yes Bob!"

"Silly girl, I'll hang up now. Take care, Lev! I'll be back real soon." Binaba na niya bago pa ako makapagsalita ulit. Ngayon lang ata siya mawawala sa tabi ko.

Pagkatapos kong magluto, kumain na rin ako kaagad. Nagligpit ng pinagkainan, naligo at nag-ayos.

Pumunta ako sa park malapit sa subdivision. Kailangan kong makapag-isip. Makapag-isip ng magandang concept.

Pagdating ko sa park, umupo ako sa swing. Pinapanuod ko lang ang mga batang naglalaro. May mga magboyfriend na naglalampungan, mga yaya na humahabol habol sa alaga nila.

Ano nga ba ang gusto kong isulat? Again, I asked myself. Napatingin ako sa isang pamilya na nagpipicnic sa park. How I wish buo pa rin ang pamilya ko. Kung hindi dahil kay dad, hindi siguro nawasak ang pamilya ko.

Wait--THAT'S IT! My Ideal man is someone who is not like my dad! Yung hindi ako lolokohin! Yung hindi mambabae!! Alam ko na ang isusulat ko!!! Ayoko ng typical love story!! Ako mismo ang magiging bida sa kwento ko!! And there's this guy named Brian James Everdeen and the story goes! OH MY GOD! I'M A FUCKING GENIUS!

Agad agad akong umuwi sa bahay. Binuksan ang laptop at sinimulan ulit ang pagsusulat.

...Blonde hair, blue eyes, pointed nose, luscious lips. I don't have enough words to describe him. For a fleeting moment, I was just looking at his perfection.

He told me he's a guitarist and a singer. He loves pizza as much as I do...

I was interrupted by a knocking sound. Sino naman yun? Oh, right! Nagpadeliver ako ng pizza! Agad akong bumaba para buksan ang pinto. Nagbayad ako at umakyat ulit.

Ganito ako lagi, kapag nakakapagisip na ako ng isusulat at nabubuo na ang plot sa utak ko, hindi na ako aalis sa harap ng laptop. Magsusulat lang ako hanggang sa matapos ito.

Reality Ever After  (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon