V.

212 10 4
                                    

August 15, 2013

Limang araw na simula nung napunta dito si Brian sa real world. Inisip ko na nga lang na maaaring miracle o magic ang nangyayari. Siguro naisip ni God na masyado akong malungkot sa buhay ko kaya pinadala niya dito si Brian…

Umalis si Brian ngayon. Can you believe it?! Naglalakwatcha ang isang fictional character. What the hell?! Ni hindi ko alam kung saan siya pumunta! Baka mamaya hindi na siya bumalik!

Naglalaptop ako ngayon at tinitignan yung pictures namin ni Brian. Kung sakali mang mawala siya bigla, at least may mga naiwan siyang memories.

Ka-chat ko din ngayon si Bob sa facebook at hindi pa rin siya naniniwala sa akin. Iniisip niya na gawa gawa ko lang ang lahat ng to. Nung pinakita ko ang pictures namin ni Brian, sabi niya baka daw nagpapanggap lang si Brian. Pero kasi wala namang ibang nakabasa ng manuscript ko kundi ako lang. Sino ba naman kasi sa tingin ko ang maniniwala sa mga sinasabi ko? Ugh! Screw it! Hindi ko na pinagpilitan pa kay Bob ang tungkol kay Brian dahil alam kong pagagalitan lang ako nun. Kung sino sino daw kasi ang sinasama ko sa bahay. Hindi ko na nga sinabi sa kanya na dito nagsestay si Brian eh. Lalo lang magagalit yun at baka umuwi yun dito sa Manila nang di oras. Sinabi rin niya na nagextend daw sila sa Davao kaya magbehave daw ako.

Hindi ako makapaniwala na malapit ko nang matapos ang manuscript ko. Kagabi bago matulog, nagsulat ako. Masasabi ko talaga na sobrang inspired ako, ngayong andito si Brian.

Hindi ko pa alam ang magiging ending ng kwento. Kapag kaya tapos na ang kwento, mawawala na dito si Brian? O di kaya'y kung anong ending ang isulat ko, yun din ang mangyayari sa amin ni Brian? Kapag ba kinasal sila sa libro, ikasal din kami sa real life?

Parang ayoko nang umalis si Brian dito… Alam niyo yung ganong feeling? I have always imagined myself dating such guy. Kumbaga, may ideal man ka, tapos in a blink of an eye, napasayo siya agad. Yung tipong lahat ng gusto mo sa isang tao nasa kanya na.

Sa kalagitnaan ng pagmumuni-muni at pagsusulat ko, bigla akong napaigting nang magring ang phone ko.

Gorilla Man Calling…

Shit! Ano namang kailangan niya?!

“Hello.” I coldly said.

“Levine, how was your book?”

“Hindi pa po tapos, Sir, but—“

“WHAT?! One week na ang nakakalipas simula nung pinabago ko sayo yan!”

“Sir, hindi naman po ganon kadali gumawa ng kwento eh. Tsaka give me more time para—“

“You know what, Levine! I am sick and tired of you and your damn attitude!” WHAT?! AKO NGA DAPAT ANG NAGSASABI NUN EH!

“Sir, with all due respect, writer po ako, hindi ako construction worker na kailangan niyong pagmadaliin sa paggawa ng finished product. Gusto ko lang po ng konti pang time--”

“You want time? Alright! I’ll give you time! You’re fired!” Sigaw niya then he hung up.

OH GOD!! THANK YOU SO MUCH!! NAGPAPASALAMAT AKO DAHIL HINDI KO NA KAILANGANG MAKA-TRABAHO ANG GORILLA NA YUN! Sa totoo lang, mabait lang naman ang gorilla na yun kapag kumikita ang publishing house niya eh! Just like before, nung kumita ang novel ko, pero after that, he will not even give you a single fuck.

“Honey?” Mula sa baba narinig ko ang boses ni Brian.

Bumaba agad ako at sinalubong ko siya. Ang weird lang, pakiramdam ko, mag-asawa kami. Sa isang bahay kasi kami nakatira.

Reality Ever After  (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon