"Gosh! Catarina! Please, my golly gosh stop it. I swear! Wag ka ngang maingay nakakainis ka. Ibalik mo na yan sa akin!"
Bumuntong hininga ako bago pumasok sa bahay na tinitirhan namin dahil naririnig ko na naman ang ingay nila sa loob. Hey calm down, Liliane. Wala silang ginagawa okay? Maayos pa din naman ang living room at walang basag na gamit. Pinihit ko na ang door knob at bago ko pa man mabuksan ang pinto ay may narinig akong nabasag. Lagot kayo talaga sa akin!
Ngunit biglang nabuksan ang pinto at bumungad si Cheilene sa akin. She's wearing a hoodie and yung cellphone niya nasa kamay niya pa.
"Ang ingay nila buti dumating ka na" paliwanag niya habang humihikab pa. Napailing ako bigla at dumungaw na sa kung ano man ang nangyayari. Nanlaki bigla ang mga mata ko noong makita ko ang ilang baso na basag, ang magulong sofa, yung mga frames nasa baba na din pati yung mga magazines na inayos ko kagabi nakakalat na naman.
Dahan dahan akong pumasok at nakita kong napahinto si Amethyst at Catarina sa paghaharutan nila.
"Anong nangyari bakit ang kalat?" mahinahon kong sambit sa kanila. Pero deep inside gusto ko silang batuhin ng mga unan at itapon sila papalabas.
"Eh ka-kasi siya! Si Catarina kasi ayaw ibigay yung ano-"
Natigil naman bigla si Amethyst sa pagsasalita dahil sa biglaang paglapit ni Catarina sa akin. Oh girl, I know your tricks but hindi ako magpapadala diyan.
"Look at this Lily!" nakita kong itinutok niya sa akin ang isang rose at winagayway pa. Really? May nanliligaw na sa kanya? Wow that's nice! Sa wakas nakahanap na din ng katapat to.
"So di ka nagsasabi Cara may nanliligaw na pala sayo?" ngumisi ako at nakita ko ang bigla niyang pag irap sa akin. What the heck? Ang arte nito! Parang di tomboy kumilos dati.
Cara ang tawag ko sa kanya short for Catarina Joselle Diaz. She's really pretty but she's a bisexual and note! Hindi pa siya nagkaka boyfriend. Kasi nga ang gusto niya yung mga Eba pero mahal namin siya at tanggap na tanggap namin siya.
"Walang nanliligaw sa akin okay? Kay Amethyst to, bigay ng prof nila"
What the? Nililigawan ng prof niya si Amethyst?
Napapikit ako, trying to think about the situation. Sumasakit lang ang ulo ko.
"Shit naman Catarina! Ang ingay mo nakakainis ka!" binatukan naman ni Amethyst itong si Cara na nakaupo sa tabi ko. At ayun mag iingay na naman sila. Walang tigil talaga. Napatingin ako kay Cheilene na natutulog na sa magulong sofa ngayon.
"O siya ipaghahanda ko kayo ng makakain ha? Ligpitin niyo lahat ng mga kinalat niyo Cara at Amethyst bago ko kayo patulugin sa labas"
Naiwan silang nakatunganga doon at nagkatinginan pa. Seriously?
Hindi ko na sila pinansin at dali dali akong naghanda ng dinner naming apat. Adobo na lang siguro. Well, kaming magkakaibigan dito na nakatira sa isang bahay na kinuha pa ni Cheilene sa business ng mga parents niya. They own a lot of houses kasi in different places and isa pa wala namang titira dito. So napag isipan namin na magkaroon ng sariling bahay para sabay sabay na kaming papasok sa Sheildrane University na malapit lang naman dito. We are like sisters and walang makakatibag sa bond namin. No one even boys. Yes, kapag ayaw ng isa sa amin ang ka relationship ng isa ay agad agad nila itong gagawan ng paraan wag lang matuloy. Except for Cara of course, she likes girls with good looking face and a nice body. Yeah she's in.
After kong magluto ay naghain agad ako para makakain at makapaglinis na ng maaga dahil kailangan maaga magising at papasok pa kami bukas.
"Why don't you try na magpaligaw sa kanya Amethyst?" sabi ni Cheilene na kumukuha ng kanin sa harap ko. Biglang naiba ang lugar ng atensyon ko at napunta ito sa kaibigan kong naging mala kamatis ang mukha sa sobrang pula. Si Amethyst Julianne Rodriguez. So ibig sabihin crush niya yung prof niya?
YOU ARE READING
Sweetest Downfall
RomanceBad boys will always be bad boys. In my own perspective no one can change their true nature. But it seems that I ate my own words when I met him.