Nagmamadali akong tumakbo para makahabol sa isang subject namin ngayon. Damn! Sobrang late na ako nagising dahil doon sa tatlo. Kulang na nga lang ay lumipad ako pero syempre wala naman akong pakpak kaya no choice kundi ang magpakahirap sa paglalakad.
Pagkadating na pagkadating ko doon sa may tapat ng room ay bigla akong nakita ng professor ko at ngumiti pa siya. Teka, late na nga ako pero bakit parang good mood pa si Sir?
"Yes! Yes! Ms. Cristobal good to see you here!" sabi niya habang marahan akong itinulak sa loob ng room. Hell, nakakahiya. Lahat sila ay nakatingin sa akin at medyo ang akward ng atmosphere dahil parang si Sir lang ata ang masaya ngayon at hindi ang mga kaklase ko.
"Uhm yes, good morning Sir. Sorry I am late"
Umiling iling siya at may hinawakan na isang envelope.
"It's okay Ms. Cristobal palalagpasin ko ito but in one condition!" para siyang ewan na tawa ng tawa na wala kaming maintindihan kung bakit. Ano ba talagang nangyayari? I looked at him with a confused face.
"Okay sorry about that class, since na late ka nga ngayon at walang naisagot ang mga kaklase mo kanina ay may favor kang gagawin para sa inyong lahat"
Napapikit ako and iniiwasan ko lang umirap at suntukin siya ngayon. What the hell! Bakit ako pa? Late lang ako at hindi ako basagulero so why punish me? Nakakainis silang lahat. Sana naman kasi inantay na nila ako dito ng tulong tulong kaming sumagot para walang mahirapan.
"Sir kakadating ko lang po kasi baka pwe-"
Pinutol niya na agad ang sinasabi ko at ilinagay sa mga kamay ko yung envelope na hawak niya kanina. What is this?
"Now sundin mo na langa ng direction diyan kung saan mo iyan idedeliver then excuse ka na sa buong period mo today got it?" sabi niya ng may isang malaking ngiti sa mukha. Naweweirduhan talaga ako sa kanila. Para saan ba kasi ito?
"Thanks?" iyan lang tangi kong naisagot sa kanya at doon tinulak niya na naman ako papalabas at nakita ko siyang pinagpatuloy ang klase. Shit naman. Kung saan di ako late, di ko gagawin to! Humanda na naman kayo sa akin tatlong punggok.
Kung tatayo lang ako dito at magmumura ng magmumura aba walang mangyayari sa akin kaya napagdesisyunan ko na lang na sundin ang nakalagay na floor at room number dahil pupuntahan ko na kung sino man siya o sila at ibibigay ko na to after ko doon uuwi ako matutulog.
Floor 5. Room 107
Wait? Wait. I know kung saan to! May mas madaling ruta para makapunta dito. I mentally smile when I reached the stairs. Umakyat ako ng umakyat at liliko sa kanan sabay lakad ng diretso. Tapos? Uhm. Nasa tapat na ako ng Room 104. May nagkaklase. Umatras ako ng umatras hanggang sa maramdaman ng likod ko na nakasandal na pala ako sa isang malaking pinto.
At may-
WHAT THE FUCKING FUCK!
Bakit ako nandito sa harapan ng Room ng Big Three? Shit. Noong tumingin pa ako sa pinataas nakita ko ang Room 107. Ito nga yun, naiinis ako! So ibig sabihin? Dito ko talaga ihahatid yung envelope na to? Sir naman! Bakit hindi na lang ibang student? Nagpalakad lakad ako at di ako mapakali. Papasok ba ako o ano? Masasayang lang ang oras ko kung tatanga ako dito maghapon.
Isang oras halos na ata ang lumipas ay di pa ako natitinag sa pagtayo kahit na sobrang ngawit na ngawit na ako. Nagsilabasan na nga yung ibang estudyante at tinitignan nila ako ng okay bakit ka andiyan look. Anong magagawa ko? Pinadala ako dito ng magaling kong professor. Bakit ba kasi di na lang siya yung nagpunta!
Namamawis na ang lahat lahat sa akin. Hindi pa lumalabas ang kahit na isa sa kanila. Di man lang ba sila naiihi o ano? O kaya naman nagugutom at kung anu ano pa. Please naman nahihirapan na ako mga tsonggo labas na.
YOU ARE READING
Sweetest Downfall
RomanceBad boys will always be bad boys. In my own perspective no one can change their true nature. But it seems that I ate my own words when I met him.