Thirty minutes na lang ang kailangan kong intayin bago mag dismiss ng klase ang professor namin. Sana matapos na agad ng makapunta pa ako sa book shop dahil may gusto akong libro doon. Tamad kong ibinaba ang ballpen at di ako mapakali dahil sa kakatingin ng oras.
"Okay! Now I will tell you something about our activity"
Activity na naman. Di na natapos. Tumingin ako sa harapan at nakita kong nakangisi na naman siya sa akin.
Ako na naman ang kasali sa activity na yan at alam ko na may ipapagawa siya.
"So may ipapadala akong isang babae dito na maaaring maging organizer para sa darating na festival"
I roll my eyes and buti na lang di niya napansin yun. Ako yun. Ako yung ipapadala niya. Di man lang naawa! I am still working on my article and also practicing for the late night party for the professors.
Kung pwede lang umalis dito kanina ko pa ginawa.
"And nakapili na ako"
Wag niyo ng sabihin dahil alam ko na.
"Ms. Liliane Raven Cristobal ikaw ang napili ko, you are one of the brightest students here in class so ikaw ang ipadadala ko dahil alam ko na may maitutulong ka sa kanya"
That's it! Kapag may ganyang project or activities ako na lang palagi. Bakit di na lang yung iba?
Wala akong nagawa kundi ang tumango na lang sa kanya. Magrereklamo pa ba ako? Hindi naman ako pakikinggan niyan.
"Don't worry Liliane. May karagdagang points yan for finals alright? Kaya mo yan! We are always here kung kailangan mo ng tulong." he smiled at me and nagbigay din ako ng isang pilit na ngiti. Yung totoo, gusto ko na siya batuhin ng upuan! Always here my ass! Kung alam ko lang kahit ni ha o ni ho wala man lang akong maririnig mula sa inyo.
"Okay sir"
Pumalakpak siya at binigyan ako ng isang papel.
"Meet him in the library right now. You need to catch up things with him. Be good."
I mentally groaned dahil ayoko talagang gumawa ngayong araw. Gusto kong mahiga at matulog para makapahinga. Tapos sisirain ng kung sino man yang nagpapagawa ng activity na yan.
Tumayo ako at dinala ko na ang bag ko. Maaga nga akong pinaalis sa room pupunta naman ako sa library.
Tumakbo na ako para maging mabilisan lang to. Wala ng arte arte basta matapos lang at makauwi ako maaga okay na yun.
Hingal kong binuksan ang pinto at dire diretsong pumasok dito. Lahat sila ay tahimik noong pumasok ako at sobrang akward talaga ng atmosphere. Yung iba nagbabasa, yung iba naghaharutan tapos yung iba naglalandian. Sino ba kasi yun? Ng matapos na!
Umupo ako sa upuan at bigla akong napayuko. Nakakapagod kasi! Maya maya pa ay may narinig akong umupo sa upuan na nakaharap sa akin.
"Pagod ka?"
Agad akong napabangon dahil sa kanya. Wait? Anong ginagawa niya dito?
"Wala kang pakielam kung pagod ako o ano" tinaasan ko siya ng kilay at siya naman ay biglang tumawa. Mas linapit niya pa ang upuan niya sa akin at medyo magkalapit na kami. Shit. Pwede ko na ba siyang sapakin?
"Nagtatanong lang ako ang sungit mo"
"Ano naman sayo! Pwede ba lumayo layo ka lang ha. Baka mamaya masapak kita diyan" itinulak ko siya ng marahan para lumayo at lumipat ng pwesto. Hindi talaga ko komportable na nandito siya.
Ngumisi siya sa akin at hindi man lang niya inusod ang upuan niya kahit na konti. Ano gagawin niya ba sa akin yung mga ginagawa niya sa mga babaeng nagkakandarapa sa kanya? Ay pasensya na dahil hindi yan tatalab sa akin.
"Sige sapakin mo na dali"
Nagulat ako ng bigla niyang kuhain ang kamay ko at iginaya niya ito sa kanya mukha at pumikit pa. Teka nga, paano ako magrereact nito? Paano ba talaga? Mukha kasi siyang abnormal kaya di ko alam kung papano.
"Bitawan mo nga ako" inalis ko bigla ang kamay ko at saka tumingin sa paligid. Para tanggal yung akward atmosphere sa aming dalawa. Ramdam ko pa din ang titig niya sa akin ngunit di ko na lamang ito pinapansin. Sige tumitig siya bahalang mamuti mata niya diyan.
Makalipas ang halos ilang minuto ganun pa din ang posisyon namin. Aba't hindi ba siya nagsasawa? Mukha siyang tanga diyan na nag iintay ng kahit ano. Ano bang gusto niya?
"Wag mo akong tingnan" matipid kong sabi sa kanya ngunit hindi niya ata ako kayang sundin dahil ginagawa niya pa din ito.
"I can't. A beauty is in front of me so why bother to look for someone else?"
Halos mapaubo ako sa sinabi niya. Ano daw? Sira ulo ba siya? Kung gusto niya ng landi di ko mabibigay yun. Maghanap siya ng ibang lalandiin niya, wag lang ako.
Dahil sa inis ko ay tumayo ako at akmang aalis na ngunit hindi niya ako pinakawalan. Hinawakan niya ang mga braso at kamay ko. Tumingin ako sa kanya at kitang kita ko kung gaano siya ka gwapo. Ang pinakamaganda sa kanyang part ay yung lips. Sobrang pula na halos ang ganda talaga ng shape.
"Sabi ng bi-bitawan mo a-ako" hindi ko alam kung bakit nga ba ako nautal dahil sa sinabi niya. Pero seryoso hindi man lang ako kinilig kahit na ano. Liliane wag kang magpapadala sa ganyan. He is a bad boy at sasaktan ka niya sa huli.
"Paano kung ayoko? May magagawa ka?" he smirked at me. I hate you.
Marahas kong inalis ang pagkakahawak niya ngunit wala pa rin akong magawa. He caged me.
"Tumigil ka nga Vincent! Ano bang kailangan mo?"
Pinaupo niya ulit ako at sinabihan na huminahon. Hinaan ko daw ang boses ko sapagkat yung iba nag aaral.
"Ayoko nga bakit ba! Gusto mong malaman?" ngayon naman may kasama pang kindat! Ayon dude ang lakas mo naman. Inirapan ko siya at tinalikuran.
"Aalis na ako. Akala ko matino kang kausap hindi pala. Now if you may excuse me marami pa akong gagawin." tinulak ko siya at pumunta na sa may pinto.
"I need you Liliane. I want you" mahina niyang sabi at medyo nanlaki ang mga mata ko at bumalik ako sa kanya. Nakakainis yung tsonggo na to di na nahiya! At saka ano bang sinasabi niya?
I gave him confused look before turning my back against him. I am rude. I know but sorry not sorry this is me.
"Wag kang umalis, kapag sinabi kong kailangan kita. Kailangan kita" naramdaman ko ang pagdampi ng kamay niya sa braso ko. Nung mapatingin ako sa kanya. He is pleading. His eyes bakit ganun?
"Ba-bakit may gagawin ba tayo? May kailangan ka ba?"
Unti unting nawala ang pagkakahawak niya sa akin at nginitian niya ako. That smile. Really.
"Yes and this is the first time na mag sosorry ako. For what? For being here with me again. Alam kong sobrang dami mong kailangan i push na activities but I need you to help me organize the whole university for the upcoming festival"
What?
So ito iyon? Ako yung magiging katulong niya? No way.
Ang mga pakana talaga ni Sir minsan hindi na nakakatuwa. Bakit ako pa kasi?
"No I am not doing it. Maghanap ka ng iba. Super dami kong kailangan tapusin. Sorry I can't do it" pagpapaliwanag ko sa kanya but instead of allowing me to go. He smirkend at me and I know he's thinking about something.
Tumayo siya sa may likod ko at ramdam ko ang hininga niya sa aking mga tenga.
"When I ask you to be my partner. It is either you will say yes or yes. Tandaan mo yan. I am a King and you are my Queen. The queen must do anything to make the king happy. Swerte ka dahil di kita ginawang slave."
Shit. Why am I like this? Bakit hindi ako makagalaw? Masyado akong mahina para makapagsalita.
Is it new to me or what?
Hey Lily, he is just Vincent Cruz. He's your partner. Nothing more. Nothing less.
YOU ARE READING
Sweetest Downfall
RomanceBad boys will always be bad boys. In my own perspective no one can change their true nature. But it seems that I ate my own words when I met him.