"Bakit ka ba nakasimangot ang aga aga kaya?" sabi sa akin ni Cara habang magkasama kami na kumakain sa may resto malapit sa University. Napatingin ako sa labas at napabuntong hininga. Bakit ba di pa rin maalis sa isip ko yung tsonggo na epal na sobrang sarap sapakin!
Teka kalma lang Liliane, tandaan mo reyna ka. At ang mga reyna kapag nagagalit tahimik lang.
"Nothing. Kumain ka na nga lang diyan!" binato ko siya ng tissue and ngumisi lang siya sa akin. Alam ko kung anong ibig sabihin kapag ganun siya.
Aalamin niya ang rason kung bakit ako nagkakaganito.
Syempre sino pa ba! Edi yung Vincent tsonggo na yun. Mas okay pa pala si Zachris kahit na medyo manyak ang datingan at si Francis na nagbabasa lang ng books wag lang talaga siya!
Maya maya ay nag open siya ng topic para naman di kami ma bored na dalawa. Ayaw niya pa kasing umalis dito and sabi niya na di daw muna siya aattend sa next class. Itong babae talaga na to!
"So what can you say about her face and majestic body?" sabi niya sabay kindat pa sa akin. Pinakita niya kasi sa akin ang isang picture ng babae na maganda at parang model.
"She's good, but not with you" inirapan ko siya at bigla niya akong pinitik. Hey! What was that for? Buti na lang nakakapagpigil ako kundi kanina pa din kita sinapak.
"I hate you Cristobal"
"I love you too baby" tumawa ako at siya naman busy sa kakatingin doon sa magandang babae. Manyak talaga to kahit kailan. Kung alam ko lang di naman talaga mukha ang gusto niya, kundi yung katawan.
Pinabayaan ko na lang siya sa ginagawa niya at ako naman kumain na lang kumain. Maya maya pa biglang nag vibrate yung phone ko at nakita ko yung message ni Cheilene. Ano namang kailangan nito?
Cheilene
Di ka nagsasabi nakita mo pala ang Big Three noong isang araw!
So obligasyon ko talaga? E hindi nga kanais nais na makita ko yung tatlong punggok na yon!
What? It's not my job to tell you kung nakita ko sila o hindi Chei. Sana sumama ka sa akin diba? Kung alam mo lang kung gaano kahirap.
Buti nga yun lang ang ginawa ko sa kanila baka mamaya makita nila mga sarili nila sa clinic. I can beat them up whenever I want but may awa pa naman ako kaya preserve art.
Cheilene
Talk to you later babe. Intayin kita dito. Mag lilitanya ka mamaya! X
Binaba ko na yung phone ko at pumikit. Kumukulo talaga ang dugo pagdating sa kanila. Bakit ba sila pa ang nagmamay ari ng University na pinasukan ko? Bakit sila pa yung may ganang mag hari harian kung wala naman silang mapagmamalaki?
"Catarina Diaz!"
Halos lumuwa na ang mata ko nung marinig ko ang boses na iyon. Shit. Anong ginagawa niya dito?
Si Zachris Evangelista ay nasa harapan ko na naman. Bigla namang napalingon si Cara sa kanya at sumimangot ito bigla.
Magkakilala sila? Sandali nga, bakit hindi ko man lang alam?
"You are late dude kanina pa kami dito" sinapak ng marahan ni Cara yung braso niya at bigla niya namang hinila si Cara at binigyan ng isang yapak. Muntik na akong masuka! Shit why? Teka bakit nagpapayakap yung Cara ko sa kanya? Hindi kaya dalaga na si Cara at hindi binata? Paano kung pampalipas oras niya lang yung mga babaeng nasa phone niya? Paano kung may secret relationship sila?
"Sorry bro! Kasi naman ang dami pang pinaayos sa amin sa University" naupo ito sa may harapan ko at bigla namang ngumiti noong nakita niya ako.
Nakakunot lang ang noo ko sa kanya at di ko man lang siya mabigyan ng isang ngiti. Naiinis din kasi ako sa kanya.
"Oo na Zach but oh hey don't hit with her. I swear I will kill you" sinamaan niya ng tingin si Zach and bigla akong napatunganga sa sinabi ni Cara, so ibig sabihin ganito yung sinasabi niya protective thing? Grabe naman yun!
"Di ako pumoporma Cara, I'm just staring at her. She's a work of art"
Stop it Zachris. I swear bubuhusan kita ng tubig. Don't fucking flirt with me.
"Damn you dude. Stop it. I swear baka mamaya patay ka na sige!"
Humalakhak pa si Cara niyan at naupo na sa tabi ni Zachris. Seriously ano na nga ba talaga ang relasyon ng dalawa na to?
"Hindi ko alam na magkakilala pala kayo?" bungad ko sa kanila at bigla naman silang natigil sa tawanan at kulitan na ginagawa nila. Para silang mga teen agers na in love. Eww Cara. Di ako sanay.
"Lily! Naalala mo si Z? Yung kinekwento ko sayo? Siya yun! Bestfriend ko siya noong elementary ewan ko nga kung bakit ba to bumalik" sabi niya at umirap bigla kay Zachris. Oh wait! Natatandaan ko na! Siya yun! Oo siya yung nagligtas kay Cara noong muntik na siyang malunod. Naikwento niya kasi sa amin yun.
"Oh! That's nice. Siya pala yun. Mabait naman pala kung hindi lang manyak" binulong ko yung huling word ngunit narinig pala nila iyon. Pwede bang umalis na lang?
"Hindi ako manyak Liliane, ganito lang ako makitungo sa babae"
"Anong strategy yan? Flirting?"
Ayan lumalabas na naman ang pagka maldita ko. Nasimulan kasi nila.
"Hey Lily ganito lang talaga siya don't worry mas mabait siya kesa kay Vincent and Francis maniwala ka" pagtatanggol ni Cara sa kanya. Alam ko naman yun. I'm just testing him.
"Si Francis? Diba nerd yun? Kasi nung nakita ko siya noong isang araw ano nagbabasa siya ng makapal na libro"
Hindi ko alam kung bakit ako nauutal ng dahil lang doon. What's wrong with me?
"Yun ang akala mo Liliane. He's bad. Very very bad!" sabi ni Zach with matching creepy voice pa. Oo nga he's weird kaya di siya katulad nung unggoy na Vincent na yun.
"Hindi ako naniniwala! Bahala kayo. Basta nerd siya. Yun lang." iniwas ko ang tingin sa kanila at nagsimula na naman silang humagalpak ng tawa. Really? Baliw ba sila?
"Then let's see later?" kinindatan na naman ako ni Zach at nakakainis yun. Dukutin ko yang mata mo diyan!
Maya maya pa ay nag order na sila ng kakainin ni Zach at nagpasabay ako ng Mango shake. Ipinasak ko ang earphones sa tenga ko at nagsimulang magpadala sa kanta. Mas gusto ko to. Yung feeling na ikaw lang kahit saglit kasi makakaramdam ka ng peace within yourself.
Maya maya pa ay may tumabi na sa akin at napalingon ako dito.
Who is he?
Swear ang gwapo ng nilalang na nasa side ko.
His perfect jawline, his eyes, his pointed nose and his eyes.
Speechless.
"See? Sabi na may gusto talaga siya kay Cis"
Narinig kong sabi ng unggoy. Noong nakita ko siya halos mapanganga din ako.
Bakit ang gwagwapo nila sa malapitan? Bakit?
Feeling ko nakabukas yung bibig ko dahil sa gulat and amazement.
Pero syempre I am a queen so kailangan maging elegante at may class.
Naupo ako ng maayos at naramdaman kong mas tumabi pa si Francis sa akin dahil uupo nga yung tsonggong Vincent. Inirapan ko siya dahil sinasadya niya na madikit si Francis sa akin. Walang hiya.
"Magkakilala na pala kayo Lily?" napatingin ako kay Cara and knowing her, mangungulit siya sa akin para ikwento ang buong storya kung paano ko nakilala ang mga lalaking to.
"Yes of course!" biglang sagot ni Vincent sa kanya na nakapag patawa kay Zachris at Cara.
What the hell?
Lahat ng nangyayaring to ay isang malaking shit. This is really unexpected.
I don't like it.
VOCÊ ESTÁ LENDO
Sweetest Downfall
RomanceBad boys will always be bad boys. In my own perspective no one can change their true nature. But it seems that I ate my own words when I met him.