Chapter One

856 13 8
                                    

Kath’s POV

You love, you get hurt, you move on, and you love again –it’s an endless cycle. Sa daming beses ko nang pinagdaanan niyan iisipin niyong masasanay na ako, pero hindi eh. Hindi pa rin ako sanay sa sakit na dulot ng pagmamahal at pang-iiwan. Sabi nila hindi lahat ng lalaki manloloko, na may natitira pang matinong lalaki sa mundo… kung ganun asan na sila? Hindi ba ako deserving makakilala ng lalaking matino? Pagod na ako. Pagod na akong magmahal sa isang taong di ako kayang mahalin pabalik, pagod na akong umasa sa taong hanggang salita lang at mas lalong pagod na akong masaktan.

Kakagising ko lang at agad kong hinanap yung cellphone ko, puro GM lang. Akala mo naman nagtext siya sayo? Bulong ng isip ko. Pssh. Makapag-GM nga rin.

Hindi naman niya ako mahal… mahal-aga lang siguro.

A not so good morning.

#

Nakayuko akong pumunta sa banyo… baka kasi makita ako ni mama, magtataka nanaman yun kung ba’t magang-maga yung mga mata ko. Pagpasok ko agad kong tiningnan ang sarili ko sa salamin… ano ba’to? Ang panget panget ko. -________-“ sobrang laki ng eyebags ko, ikaw ba naman umiyak buong gabi tignan natin kung di ka magkaka-eyebags. Hahahaha. Matapos kong maligo’t magbihis at kumain, naupo muna ako at naghintay kay papa, siya kasi naghahatid sakin sa school. Kinuha ko muna yung cellphone ko.

Two Messages Received.

From: Julia

Bes! What happened? :( Usap tayo later sa school ah? See you, Love you! :*

ang swerte ko naman talaga sa bestfriend ko. :’) teka, magrereply ako.

To: Julia

Morning din bes! Thank you sa concern ah? Kwento ko na sayo later. See you din! Love you too! :*

Matapos kong replyan si Julia, tiningnan ko kung kanino yung isang message.

From: Padilla

Agang-aga ang drama mo na! hahahahaha!! XD

Psssh! Aging-aga nang-iinis nanaman siya. Porket alam niya kung anong pino-problema ko… kung bakit ko pa kasi sinabi eh. -.-‘’ nagreply naman ako.

To: Padilla

Che! Ganyan ka naman talaga, nasasaktan na nga ako pinagtatawanan mo pa ako. :(

Agad naman siyang nagreply.

From: Padilla

Hahahaha! Sorry! XD oh kumusta na kayo ni Albie?? Ayiieeeee! Hahahaha! XD

Nakakainis! Binanggit nanaman niya, sinusubukan ko na ngang kalimutan eh. :’( Si Albie kasi, crush ko yan. Nag confess pa nga ako sa kanya eh. Okay naman siya, sabi niya sakin wag daw ako mawawala kasi importante daw ako sa kanya… syempre kinilig ako! Ikaw ba sabihan ng crush mo ng ganyan di ka ba mamamatay sa kilig? Pero iba yung sinasabi niya sa pinapakita niya eh. :( kaya napag-isipan kong mag move on nalang…

To: Padilla

Waaaaaaaaaa!! I hate you. -.-“ ayoko siyang pag-usapan! >.<

From: Padilla

Hahahahaha! Sino? Si ALBIE?? XD

To: Padilla

Sige, isa pang mention mo sa pangalan niya di na talaga kita papansinin. -.-“

Banta ko sa kanya. Wahahahaha. >:D wag kayong magtaka. Close kami nitong si Daniel John Padilla. :3 kaibigan kasi niya si Albie, kaya alam niya yung tungkol samin. Sa kanya ko rin sinasabi or more likely nagdadrama tungkol sa feelings ko sa kaibigan niya. :)

From: Padilla

Hahahaha! Pikoooooooon!! Sorry na. :P sige kitakits sa school!

Di na ako nagreply, papunta naman na ako sa school ngayon eh…

Pagkarating ko sa school agad akong namatay…. De joke. Hahaha. Pero nasira agad araw ko. -___- Pano ba naman, nakita ko si Albie kasama yung best friend niyang babae. :( ang sweet nilang tingnan…  parang hindi naman sila nag bestfriends. Tumambay muna ako sa canteen, wala na kaming klase ngayon kasi 1 week to go graduation na namin pumunta lang ako dito para sa attendance at sa practices.

“ I pray for all your love, your love is so unreal. I just wanna reach and touch you, squeeze you, somebody pinch me. This feels something like a movie and I don’t know how it ends girl… but I fell in love with my bestfriend… “

Pssssh!! Sa lahat ng kantang pwede kong marinig yun pa?! >.< nagpatuloy nalang ako sa pagbabasa sa Wattpad ko.. ng biglang..

“ AND I FELL IN LOVE WITH MY BESTFRIIEEEEENNNNDD!!! ” sigaw ng isang bakulaw sakin… sino paba? Edi si Padilla. -.- nang iinis nanaman. T.T

“ i-off mo nga yang kanta na yan! Nakakainis! “ sabi ko sa kanya ng tumabi siya sakin.

“ eeeeehh.. affected ka noh? Hahahahaha!! Nagseselos ka kay Albie at a-araay!! “ di na niya natapos ang sasabihin niya kasi hinampas ko siya ng malakas. >:D

“ tumigil ka nga diyan! Baka may makarinig sayo! “ sabi ko habang kinukurot yung braso niya.

“ hahahahahaha! XD oo na. titigil na! Halika, tinawag na tayo dun oh practice na daw. “ sagot niya.

*** fast forwaaaaaard!! ***

Nasa bahay na ako ngayon… tulala nanaman… :( hay nakuuu. Matext nga si Padilla.

To: Padilla

Padillaaaaaaaaaaaaaaaaaaaa!!!

Nagreply naman siya…

From: Padilla

Kaaaaaaaaaaaaaaaaaaath!! Ano kelangan mo?

To: Padilla

Ehh.. nalilito na ako. :( anong gagawin ko? Gusto ko na siyang kalimutan…

From: Padilla

Hahaha!! Edi gawin mo!:P

Nakakainis naman to oh! Nagdadrama na nga ako di pa ako binibigyan ng advice. T.T

To: Padilla

Nakakatulong ka talaga ha. -___- pero paano?? Dapat na ba talaga akong mag give up???

From: Padilla

Pinapagaan ko lang loob mo. Drama mo kasi eh. :P hahahaha. Pero seryoso na, ikaw? Kaya mo na bang mag let go? Ikaw rin naman makakasagot sa tanong mo kung gusto mo na talagang mag give up sa feelings mo para sa kanya eh. :)

To: Padilla

Hhmmp! Kaya ko ‘to! Magmomove-on na ako! :D sige Padilla, una na ako ah? Antok na eh. Goodnight, thank you sa tulong. Sweet Dreams!

_____________________________________________________________________________

[ A/N: Hi there! Hello!!! This is my first ever story na nagawa! Poetry kasi forte ko eh. So watcha think?? One shot lang to kaya mag expect kayo medjo mabilis ang flow ng kwento. Vote at Comment kayo para malaman ko insights niyo. Thank You for reading! :) I’ll post chapter 2 soon. :D ]

Take A Chance ( KathNiel One-Shot )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon