Pina-abot ko muna ng 50+reads bago ko nilagay to. Hehe. Thanks ng marami sa mga nagbabasa! :))
This is dedicated to alyloony. Kasi she inspires me to write stories. Promise na inspired talaga ako ng dahil sa kanya hahaha! :D So yun, please keep on supporting this. Love Lots ♥
---------------------------------------------------
{Lyndon's Perspective}
Ngayon na pala ang alis niya. Hindi ako makapaniwalang aalis na siya. Iiwan niya na ko.
Magpapaalam ba ko sa kanya Lettuce? Please naman oh, magbigay ka ng sign...
"Arf!! Arf!!" nabigla naman ako sa biglaang pagtahol ni Lettuce (Lettuce = aso ni Paul John)
"Dalawang tahol..... ibig sabihin.... Oo?" tanong ko kay Lettuce habang nakatingin dito.
"Alam mo tama ka, mas mahirap kapag hindi ako nagpaalam sa kanya. Baka hindi makayanan ng sarili ko at mamatay na lang ako ng mapayapa ng walang nakakaalam kung ano ang dahilan" I smile widely sa harap ni Lettuce then hinanap namin si JC. Sana hindi pa huli ang lahat.
Sa kabutihang palad ay nahagilap na namin si JC. Naglalakad siya habang dala-dala ang bagahe niya.
"Squi-shy! S-qui-shy!" hingal na hingal kong sigaw sa kanya. Agad naman siyang napatingin sa kinaroroonan namin ni Lettuce. Kumaway kaway ako sa kanya gamit ang aking kanang kamay at tumakbo papunta sa kanya.
"Lettuce!!" salubong niya kay Lettuce sabay hawak dito. Pagkatapos niyang salubungin si Lettuce ay humarap siya sakin. Our eyes met. Hindi ko alam, pero bigla na lang ako ng nakaramdam ng matinding kalungkutan. Parang gusto ng tumulo ng mga luha ko.
"Hindi sana ako magpapaalam sayo...." mahinang sabi ko sa kanya without looking at her. Ayaw ko kasing maiyak sa harapan niya. Gusto ko masaya siya sa pagalis niya.
"L-Lyndon....... maraming salamat sa lahat" pagkasabi niya ng mga salitang yun ay bigla na lang niya akong niyakap.
Mga yakap na nagsasabing aalis na siya, na ito na ang huli naming pagkikita. Mga yakap na nagsasabing malalayo na siya sakin.
Niyakap ko rin siya ng mahigpit. Napangiti na lang ako. Naging mabuti namang kaibigan diba? Siguro nga hanggang dito na lang....
"Mag-iingat ka sa America JC ha" bumitaw siya sa pagkakayakap sakin.
"Ikaw din Lyndon"
"T-teka, alam ba ni Paul John ang tungkol sa pagalis mo?"
Narinig ko namang napabuntong siya ng hininga "Mas maganda ng hindi niya alam"
"Ah. Ganun ba" tumango tango na lang ako "Pero hindi kita mapapatawad.... hindi kita mapapatawad sa pag-iwan mo sakin. Naiintindihan mo ba?" sabi ko sa kanya ng may seryosong mukha..
"Oo naiintindihan ko" sabi niya while smiling
Napangiti din naman ako "Maghihiganti ako sayo.... hintayin mo lang ako"
"Hihintayin kita"
Sana nga hintayin mo ko.... Pero alam kong si Paul John ang nasa puso mo..
Nakangiti lang ako habang nakikipagusap sa kanya "Siguro kailangan mo ng umalis. Magiingat ka JC"
"Siguro nga, sige Lyndon, mag iingat ka. Magkikita pa tayo diba?"
Tumango-tango lang ako habang nakangiti "Oo naman, magkikita pa tayo"
Pumantay siya sa kinatatayuan ni Lettuce at nagpaalam din dito "Lettuce, magiingat ka ha" then tumayo siya at nagsimula ng maglakad palayo
Bago pa siya makaalis ng tuluyan ay tumingin pa ulit siya sa kinaroroonan namin ni Lettuce at kumaway kaway. Kumaway-kaway din ako sa kanya.
Paalam na JC, hanggang dito na lang nga siguro..
--
"Hindi ako sang-ayon kay JC na hindi mo malaman.... Aalis na si JC, Paul John. Kailangan mo siyang puntahan" pagkasabi ko ng mga salitang yun kay Paul John ay inend ko na agad ang call.
Ito ang tama..... Kahit man lang sa bandang huli ay may magawa pa ulit akong alam kong ikakasaya ni JC.
Ganun ko siguro siya kamahal, na kahit iniwan na niya ko lahat-lahat....
.............. gusto ko lagi pa rin siyang masaya.
-------------------------------------------------------------------
Please vote if nagustuhan niyo ang INTRODUCTION na ginawa ko =D Hehehe. And comment na din po kung anong gusto niyong sabihin :") Introduction pa lang yan, I hope you keep on supporting this story of mine =D Thaaaanks!
BINABASA MO ANG
The Side Story Of To The Beautiful You (Lyndon's Story) [ON-HOLD]
FanfictionThis is my side story. My story which is more entrancing and more enthralling than the first one (TO THE BEAUTIFUL YOU). Maybe if have a chance, just maybe..........maybe I could have this story which I can call mine? ----- Please be reminded that t...