This episode is dedicated to IvySophiaCabarles :))
Salamat po sa pagbabasa neto ^^ Godbless 0:)
-----------------------------------------------------------------------------------
*EPISODE 3
[Lyndon's Perspective]
[FLASHBACK]
(W/N: Ito po ang dapat niyong unang gawin. Paki-click na lang po yung video sa right side at panuorin ang flashback :) --> )
Matapos akong iwan ni Debby sa sakayan ng bus, napagisip-isip kong maglakad-lakad muna bago umuwi...
"Bakit ganito? Bakit parang gusto ko siyang balikan at sabihin sa kanyang nagsisi na ko sa lahat ng nagawa ko?"
Hindi sa nagsisisi ako, naaawa ako sa kanya. Hindi tuloy maalis-alis sa isipan ko kung anong nararamdaman niya ngayon.
[END OF FLASHBACK]
Hindi talaga ako makapaniwala.... parang imposible. Nakikita ko sa mukha niya, sa mga mata niya na hindi siya masaya sa mga nangyayari.
Ano bang dapat kong gawin?
"Wala na.." nagulat ako sa biglaang pagsipot ng kamay ni Wendel malapit sa mukha ko
Papansin 'to, feeling yung lalaki sa missing you -___-
"Anong wala na?!" naiirita kong sabi sa kanya
"Yan ka nanaman eh, ang lalim ng mga iniisip mo. Alam mo Lyndon, sinama kita dito sa Bar para makalimutan yang mga problema mo sa buhay, hindi para maaalala mo." pagsesermon niya sakin ng walang tingin-tingin
Nanahimik nanaman ang paligid ko. Pero syempre hindi yan totoo, naririnig ko pa rin ang babaeng kumakanta sa stage na hindi ako nagkakamaling si Debby nga iyon.
"Lyndon, hindi mo ba kilala yung kumakanta sa stage?" nabigla ako sa tanong ni Wendel
Alam kaya niyang si Debby yun?
"Ikaw kilala mo siya?" pabalik kong tanong sa kanya
"Oo naman! Sikat na sikat kaya siya dito sa bar na 'to." nabigla naman ako dun sa sinabi ni Wendel. Paanong sumikat siya dito eh hindi naman niya hilig ang pagpunta dito?
"Lagi na siyang kumakanta dito simula nung naaksidente yung tatay niya. Kaya yun kumakanta siya dito para makapag-ipon ng pera"
"Ano? Naaksidente ang tatay niya?"
"Oo... bakit kilala mo?"
"Ha? H-hindi... Paano mo nalaman yan?"
"Ano ka ba lagi akong nandito sa bar na 'to kahit pa pinagbabawal ni Chief. Yun lang naman ang sikat na balita nung nangyari yun, kaya alam ko"
"Ganun ba"
Naaawa ako sa kanya. Kelan kaya nangyari yung aksidente sa tatay niya?
Nung matapos na yung pagkanta ni Debby sa stage ay nagpasalamat na siya sa mga tao sa bar sabay baba doon. Agad akong tumakbo at walang alinlangang sumunod sa kanya.
Nung makapasok na siya sa isang kwarto, naiwan niyang nakabukas ng kaunti ang pintuan kaya naman naririnig ko ang mga pinaguusapan nila sa loob.
"Very good ka sis!" narinig kong sabi nung babae kay Debi
"'Wag mo nga kong matawag-tawag na sis pwede?" nabigla ako sa mga sinabi ni Debi duon sa babae
"Oh ikaw naman masyado kang hot. Oh heto ang pera at magsimula ka ng maglakad paalis ng bar na 'to. Shupe layas!" nakita kong binato nung babae yung pera kay Debby. Agad na 'kong nagtago dahil palabas na yung babae.
Nung makalabas na yung babae ay pasimple kong sinilip si Debby sa loob.
Umiiyak siya... dapat ko ba siyang lapitan?
Puso : OO!
Isip : HINDI!
Puso : OO!
Isip: HINDI!
Niyugyogyugyog ko ang ulo ko. Nalilito ako kung ano bang dapat kong gawin.
"Sino yan?" nabigla ako biglaang pagsalita ni Debi .
Oh patay na! Lalapit ba ako?
------------------------------------------------------------------------------------
At yan nakapagUD na ulit :3Sana magustuhan niyo kahit konti lang ang Episode na 'to :))
SALAMAT!!! =D
(c) TheDespicableGirl <3
BINABASA MO ANG
The Side Story Of To The Beautiful You (Lyndon's Story) [ON-HOLD]
FanfictionThis is my side story. My story which is more entrancing and more enthralling than the first one (TO THE BEAUTIFUL YOU). Maybe if have a chance, just maybe..........maybe I could have this story which I can call mine? ----- Please be reminded that t...