EPIDOSE 4:

107 6 2
                                    

Dedicated sayo 'to kuya 0h_reo. Thank you for adding this story to your reading list ;))
Thank you Thank you :D

Enjoy Reading ~~

--------------------------------------------------------------------------------------------------------

*EPISODE 4

[Debby's Perspective]

Pagkatapos ibato sakin ni Alisha ang mga pera na tumilapon sa lapag ay agad ko itong pinulot. Desperado na kung desperado pero kailangan ko talagang makapagipon ng pera. 

Hindi ko namalayan na lumuluha na pala ako. 

ANG HIRAP PALA NG GANITO.

 

Maya-maya lang ay may narinig akong kaluskos malapit sa pintuan. Agad akong napalingon dito. *Punas punas ng luha

"Sino yan?" sigaw ko dito. Dahan dahan akong lumapit sa pintuan at nang makarating na ako ay wala namang tao dun. Siguro guni-guni ko lang yun.

Umalis na ko ng Bar dahil may susunod pa 'kong gagawin. Marami akong sidelines dahil nga sa kinakailangan ko ng pera, waitress sa isang restaurant, singer sa tatlong iba't-ibang bar, taga linis ng mala mansiong bahay ng tita ko. Akalain mo yun? Tita ko hindi man lang ako tinutulungan.

After nung namatay si daddy because of the car accident 5 months ago, parang nag-iba na rin ang turing ni Tita Risa sakin. May iba pa naman akong Tita ang kaso nga lang nasa ibang bansa na sila. Only Tita Risa ang nandito sa Korea.

Naalala ko pa nung nagmakaawa pa ako sa kanya para lang makitira sa bahay nila, at ito nga yung kapalit, kinakailangan kong maglinis ng bahay nila. Pero ayos na rin yun, may sweldo din naman ako kada pagsisilbihan ko siya kahit limang daan lang, sapat na rin yun para makakain ako araw-araw. At kung tatanungin niyo kung nasaan ang mommy ko, nasa mental hospital siya at dun ginagamot. Kasama siya sa car accident  5 months ago at fortunately, naligtas siya. Bumibisita ako sa kanya once a week at pinapadalhan siya ng masasarap na pagkain. 

Nang makarating na ako sa restaurant, nagbihis na agad ako ng uniform na pang waitress, pumunta na ng kitchen at nagserve sa mga customers.

The Side Story Of To The Beautiful You (Lyndon's Story) [ON-HOLD]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon