CHAPTER 1

154 5 0
                                    

"Kelan ko kaya sya makikita? Yung ituturing akong prinsesa ng buhay nya " sabi ko sa isip ko, habang nakadungaw sa bintana.

"Hoy! Okay ka lang? Para kang baliw bessy! Pang music video na ang awra mo eh" pangungutya ng baliw kong bestfriend.

"Ano nanaman ba problema mo! Nanahimik yung tao eh" sabi ko.

"Gusto ko lang naman paalala na mag ayos kana at malapit na tayo bumaba" sabi nya.

"Bessy excited na talaga ako mag pasukan" tuwang tuwa kong ulat.

"Ako din eh. Sana maraming gwapo" sabi nya, may pagkilig kilig pa.

"Hoy! Mag aaral tayo huh? Hindi manlalalaki! Okay? pangaral ko.

"Osya, andito na tayo tara na?" -bessy
Agad kong kinuha at inabot ang mga gamit namin sa itaas tinulungan nadin ako ng kunduktor para maibaba lahat ng yun. Samantalang si bessy deretso baba at walang ginawa. Sarap konyatan! Urghh

" Salamat Manong! " pasalamat ko sa kunduktor na tumulong sakin tinunguan lang nyako bilang sagot at umalis na ang bus.

"Helloooooo Manilaaaaaaa!" Baliw na umikot ikot na parang na sa ibang bansa na naulan nang snow itong si bessy.

"TAXIIIIIIII!!!!" tinawag ko mula sa kabilang kanto. Nang makalapit na ito ay agad na kaming sumakay ni bessy.

"Manong dito po sa address na ito" bigay ko sa isang card na bigay sakin ni daddy binigyan nyako ng dorm dahil ito ang ipinangako nya na kapag naging "valedictorian" ako. Kaya di ko sya binigo. Napagplanuhan din namin ni bessy na mag iisang school uli kami. Si bessy ang naging "1st honorable mention" nung graduation kaya matinding engrandeng handaan samin dalawa. Just because mommy at daddy ko at mommy at daddy nya ay magka associate sa business may mga buildings nadin sila.

Nang makarating kami sa lugar kung asan ang dorm ko. Ay napanganga kami ni bessy sa taas ng gusali. Pag ka pasok ko sa dorm ay nagningning ang mga mata ko at inikot ito mula sahig, kisame, bintana, mga furnitures at appliances halos wala na ngang kulang sa normal na bahay.

"Bessy ang ganda ng sarili mong dorm ugh" sabi sakin ni bessy habang naikot ang mata sa buong kapaligiran.

Agad kong inalis sa mga bag ang gamit ko at tinupi ang mga damit ko at nilagay ko sa drawer sa kwarto kinuha ko din ang mga panligo ko at twalya at dumiretso sa CR. Namangha ako sa kislap ng mga tiles white and black combination. Napatalon ako ng pagkabukas ko sa shower ay may mala yelong tubig ang bumagsak sa katawang lupa ko. Pinagpawisan talaga ako kanina sa pag aabang ng taxi ang init kasi tirik na tirik si haring araw.
"Bessy dalian mo dyan! At mamimili pa tayo sa mall nang gamit natin. -bessy

"Oo, eto na nagpupunas nalang" sagot ko.

Nang makalabas ako ng CR ay dumiretso nako sa kwarto diko namalayan na andun pala si bessy sa tabi ng lamp shade.

" sexy ah " nagulat pako tapos pinaningkitan ko sya ng mata agad naman syang yumuko at agad lumabas ng kwarto.

"Dalian mo na dyan huh?" Sabi nya bago ko maisara ng tuluyan ang pinto.

Nang matapos ako magbihis ay lumabas nako ng kwarto. Tingnan ako ni bessy mula ulo hanggang paa tas tinaasan ako ng kilay.

The badboy's kiss (On going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon