(AIZA'S POV)
"Nakita nyako alam ko tumingin nga sya eh!" nakangusong saad ko kay chase.
Yeah! Ikinwento ko kay chase kung sino ang one truly bestfriend ko, sino ba ang hindi makakapag kwento sa iba kung gaano kabuti at kaswerteng kaibigan si faye.
"Huh? Eh, baka m-masama ang p-pakiramdam nya" nakangunot noo ko sa sagot ni chase pero ni walang bahala ko nalang dahil pati ako kinakabahan.
Dumiretso kami ni chase ng makita namin si bessy sa campus. Nakita ko ang maraming freshman na palabas na dahil nakasalubong namin ang mga ito.
"Uhm, Aiza, right? Si faye? Bigla nalang kasi syang umalis kanina eh." saad sakin ng isa sa mga kaklase ni bessy kung hindi ako nagkakamali ay si loraine to. Nakasuot pa ito ng jersey at pawisan pa.
Napaisip ako baka nga sumama ang pakiramdam. At biglang pumasok sa isipan ko na ngayon nga pala ang laro nila it means tapos na? Omg motherfucker! I missed it! Im so sorry bessy! Tapos nakita nya pakong may kasamang iba.
"Ay l-loraine, naka-uwi na sya k-kanina nina lang." Mautal-utal kong sagot kay loraine at sa mga kasama nya tumungo lang ito sabay umalis na sila.
Napapaisip ako ngayon. Ano ba yan! Nagi-guilty ako na ewan. Sa lahat nang naging laro ni bessy ako ang andito para sumuporta. Hindi naman sya mapanood ng parents nya dahil busy ang mga ito sa work kasama sila mommy at daddy.
Nahihiya ako kay bessy dahil sa nangako akong papanoorin ko sya sa laban nya. Alam kong pinaghandaan nya yun. Pagod at oras ang nilaan nya para manalo.
Kasama ko ngayon si chase nagiikot ngayon sa auditorium ng campus.Nang makalabas kami ay may nag agaw pansin saking isang booth ay agad ko tong nilapitan.
Napasunod naman sakin si chase at nang makarating ako nagningning ang mga mata ko at parang nabunutan ako ng tinik sa dibdib.
"Miss, how much is this?" tanong ko habang hawak hawak ang isang white vneck shirt na may nakalagay na "I love Angel".
Nakakita na ako ng regalo para di na magalit sakin si bessy. Sa wakas! Sana magustuhan nya ito.
"Ahm, 675 pesos po" agad sagot ng saleslady.
"Here!" napanganga ako ng binayaran ni chase ang shirt na bibilin ko para kay bessy.
"Bakit, mo binayaran!" pasigaw kong saad kay chase sabay nangunot ang noo ko.
"Well, first dahil ako ang dahilan kung ba't di mo sya nakasama at ako ang dahilan kung ba't di ka nakanood sa game nya" taas noo nitong saad sakin.
"Pero ba't ang lakas ng dating nun sakin? Ba't parang nahuhulog ako na ewan! Haynako chase! Nakakainlove ka talaga." Mga salita at tanong na nabuo sa isip ko.
Tumungo nalang ako at walang nagawa, eh ano pa ang gagawin ko kung binayaran na nya. Tss
"Anong nangyari sayo? Ba't nagmukha kang kamatis?" nagtatakang tanong ni chase na may nakakalokong ngiti.
"HUH!!? EH, W-WALA! N-NORMAL LANG YAN! TARA NA!" mautal-utal kong saad sakanya habang nakayuko actually hindi ko alam gagawin ko.
Ano bang nagyayari sayo aiza! Ba't nagiging mukhang engot ka kapag kinikilig ka!
Hindi ko ba alam kung abnormal bako o eh kung ano e. Hays sayang ganda points yun be! Lol
Nagpasya na akong magpahatid sa dorm baka sakaling makausap ko pa si bessy! nakokonsensya naman ako na ewan sa mga nangyayari.
hindi pa naman ako sanay na nagkakatampuhan kami ayoko nang ganto! kaylangan ko makaisip nang paraan!
Nasa byahe kami ngayon ni chase! masyadong nakakabingi ang katahimikan saming dalawa, nakafocus lang sya sa pagmamaneho kaya't hindi nako nagsalita pa kasi wala naman din akong masasabi kasi mauutal lang naman ako e. CHASE YAN EH! isang ganap na gwapo at hunk.
Nakarating kami sa tapat nang dorm namin ni bessy hindi ko talaga kung ano ang idadahilan ko kay bessy kung bakit di ko sya napanood.
" Okay ka lang ba? gusto mo samahan kita para ipaliwanag na wala kang kasalanan kung bat di ka nakapanood" napaisip ako sa sinabi ni chase, pati tuloy sya naaapektuhan sa sitwasyon namin ni bessy.
"Wag na, kaya ko nato tsaka naabala na kita nang sobra" saad ko, tama naman ako eh lalo na baka mas lali pa syang magalit dahil kasama ko parin si chase.
Agad nakong bumaba at nagwave nalang ako nang kamay sakanya at dumiretso nako sa gate.
Hindi ko parin talaga maiwasan na matakot sa dorm namin dahil hindi pa man kami kakilala dito ni bessy.
"Witwiiw!" sipol nang isang nakahubad na lalaki na nang makaraan ako sa harap nya, nanginginig talaga at nanlalambot talaga ang buong katawan ko sa takot.
Agad kong binilisan ang paglalakad ko at nang makarating ako sa tapat nang pinto.
"Bat nakabukas ito?" kinakabahang saad ko pagkabukas nang tuluyan wala si bessy, mas lalo akong natakot kasi di pa man kami sanay dito sa manila.
Napaupo ako sa takot agad ko namang kinuha ang phone at tinawagan ko si bessy pero out of coverage area.
"Asan kana ba bessy?" nanlalabo na ang paningin ko sa luhang namumuo sa mga mata ko.
Dumiretso ako sa kitchen at nagluto ako nang makakain para pag uwi ni bessy may nakahanda na, inilapag ko sa study table ni bessy yung shirt na binili ko sakanya.
Pumasok ako sa kwarto at nahiga, sa diko namalayan nakatulog na pala ako nagising nalang ako sa boses na nagtatawag. Agad akong pumunta sa pinto at binuksan yun.
"Ahm, si faye andyan? gusto ko sanang iabot sakanya ito" inabot nya saakin ang envelope at dahan dahan kong inabot yun.
"Ah! eh, wala sya eh kanina pa syang wala" kinakabahan nanaman ako ilang oras na wala si bessy.
"Paki bigay nalang sakanya yan sige salamat" agad syang tumalikod sa akin at pinagmasdan ko lang syang palayo sakin habang hawak hawak ko ang envelope.
Agad akong nagbihis at umalis sa dorm namin hahanapin ko si bessy mamaya kung may mang yaring masama eh.
paikot ikot nako sa buong subdivision na to pero wala padin sya at di na talaga ako mapakali at tinawagan ko si tita para alamin kung andun ba si faye.
Ringing . . .
Ringing . . .
[ Hello Tita? Andyan po ba si Faye? ]
[ Aiza? bakit may problema ba? wala ba sya sa school? ]
[ Ay sige po, baka nga po na sa school ]
inend call ko na agad dahil halatang halata na talagang nag aalala na sya.
Hindi ko talaga alaalam kung saan ko sya hahanapin tinawagan at tinadtad ko na sya nang text pero wala padin, naiiyak na naman uli ako. Walang reply nya at mas lalong nakakakaba walang sumasagot sa mga tawag ko.
Ten twenty na nang gabi wala pa sya kaya umuwi nalang ako at nag iwan nang notes sakanya sakaling umuwi sya may pagkain. Natulog nako dahil maaga pa ang pasok namin bukas. Kalahating oras din ako bago makatulog dahil sa kakaisip at kakaantay sakanya hanggang sa napapikit na talaga nang tuluyan ang mata ko.
BINABASA MO ANG
The badboy's kiss (On going)
Ficção AdolescenteMinsan nakakatawa nalang talaga na hindi mo alam kung pinagtitripan kaba o sadyang binabanas nang napaka galing na tadhana. Sa napaka daming tao na narito sa mundong to bakit mas inisipan akong ipana nang tangang kupido sa isang walang kwentang tao...