Mayroon isang diyos na katulad ng ibang diyos. Ang pangalan niya ay Ahren, siya ay ang diyos ng kalayaan. Pero katulad ng tao, mayroon siyang pagmamalasaki sa iba, hindi lang para sa sarili. Gusto niyang matulungan ang lahat ng tao kahit man wala siyang karapatan ibigay ang kalayaan na hinihingi ng tao. Bawat araw nilalakbayan nya ang buong mundo para makatulong sa mga tao na talagang nararapat na magkaroon ng kalayaan nila.
Isang araw napansin nya ang matinding damdamin ng kalungkutan at sakit na nanggaling sa isang babae. Ang babae ay nasa dulo ng talon at puno ng luha ang kanyang makinis na mukha dahil sa pagiiyak. Naramdaman ni Ahren and lahat ng nararamdaman nya na damdamin ng babae. Tumalon bigla ang babae at nagmadali si Ahren para maligtas sya at bago lang mahulog sa mabato na palapag nakuha niya ang mahiwagang babae.
Nang nagkadikit ang dalawa nalaman nya ang buong dahilan ng pagsubok ng babae na magpakamatay sa talon. Nakita ni Ahren ang mga memorya ng lahat ng pinagdaanan ng babae na sya ay sinasaktan, ginagamit, at ginagahasa ng kanyang amo. Naawa sya sa babae dahil sa kanyang pinagdaanan na pag-aalipin.
Nagpunta sila sa malapit na kuweba at kinausap ni Ahren ang babae. Ang pangalan mg babae ay Irina at sinabi niya ang lahat ng sekreto niya kay Ahren, lahat ng pagsakripisyo na ginawa niya at lahat ng ginawa ng amo nya sa kanya na walang kaawa-awa. Tunay na halimaw ang amo kay Irina. Sinabihan ni Ahren si Irina na bumalik at patunayan niya kay Ahren na talagang nararapat siya sa kalayaan niya.
Nang bumalik si Irina sa kanyang tirahan handang-handa na siya sa magagawa ng kanyang amo sa kanya. Ang buong katawan ng kanyang amo ay puno ng armor at armas na handa na siya sa kahit anumang digmaan. Nang napansin ng amo si Irina ay nagsimula na lumapit siya kay Irina at nagsimula nang itanggal ang kanyang armor. Alam na ni Irina ang mangyayari kaya sinubukan niyang magmukang matapang sa harap ng amo niya. "Tigilan mo na! Hindi na kita hahayaan na gamitin mo ako parang laruan mo para sa sarili mong kagustuhan!" Sinigaw niya sa amo niya pero hindi sya natakot sa sinabi ni Irini sa kanya. "Hindi mo ako madadaanan sa pagsigaw mo sa akin." Tumakbo na si Irina kung saan man na maaabutan niya para makatakas sa kanya pero nakuha parin siya ng amo niya.
"Subukan mo lang na tumakas sa akin at talagang magsisisi ka na gusto mo nang mamatay!" Sinigaw niya kay Irina at mas natakot pa si Irina sa kanyang amo, dinala si Irina sa kwarto ng amo niya at alam na niya ang mangyayari dahil sa maraming beses ng pagkaranas nito.
Samantala si Ahren naman ay naninigurado kung gaanong malupit ang amo ni Irina, kinuha niya ang anyo ng kalapati para hindi siya mapansinan at nang naniguradi na siya sa kalupitan ng amo ay gumawa siya ng maliit na bagyo, upang mabigyan ng pagkakataon si Irina na makatakas. Binuksan niya ang bintana para makatakas na si Irina sa kwarto ng kanyang amo. Nang nakalayo na sila sa amo ni Irina ay binigyan niya si Irina ng kabayo para sa kanyang kalayaan sa kanyang amo. Nagpasalamat si Irina kay Ahren at naging tunay na masaya si Irina dahil nakatakas na siya sa amo niya at hindi na niya mararanasan muli ang paghihirap na pinagdaanan niya sa amo niya.
Nang naghiwalay na ang dalawa hindi niya nalaman na napa-ibig niya si Irina at maaaring hindi na sila magkikita. Nakiusap siya kay Zeus para siya ay maging tao, at para magkaroon siya ng pagkakataon para ibigin si Irina. Natupad ang hiling niya sapagkat para siya ay maging tao ay mawawala niya ang kanyang kapangyarihan bilang isang diyos.
Nang muling nagkita ang dalawa ay nagsimula na silang mahalin ang isa't isa at hindi na nila kailangan tumawag sa kahit sinong diyos dahil mayroon silang kalayaan para magmahal at gawin kung anuman ang gusto nilang gawin sa buhay nila.
THE END
![](https://img.wattpad.com/cover/49944286-288-k621248.jpg)
BINABASA MO ANG
Ahren ang diyos ng kalayaan
FantasiActivity tungkol sa sariling mitolohikal na diyos