Nagising akong naghahabol ng hininga at nakahawak sa dibdib kong humahangos. Nailibot ko ang paningin ko sa paligid ng aking munting kwarto. Gusto kong makasiguradong hindi niya ako nakuha. Ilang minuto ko pang pinasadahan ang paligid. Hindi ko namalayang umiiyak na pala ako.
Iyong panaginip nanaman..
Pang ilang beses ko na ba yung napanaginipan. Ni minsan hindi ko nakalimutan ni isang detalye. Pati na ng mga mukha nila.. Nagagandahang kabahayan. Luntian na kapaligiran. Matataas na puno na nagbibigay lilim.. Madamo at sari-saring bulaklak na noon ko lang nakita. Paraiso.
Isang panaginip na hindi ko makokonsiderang panaginip. Parang totoo. Bawat lagaslas ng tubig, sariwang hangin. Ang mga iyak at pagmamakaawa nila.. Para akong nasa realidad. Yun ang masasabi ko. Pero hindi ko magawang hindi matakot. Lalo na sa lalaking nais akong makuha. Ilang beses ko mang isiping hindi totoo yun. Na kailanman hindi manyayari yun at hindi niya o nila ako makukuha.. Pero paulit-ulit na nila akong hindi pinapatahimik.
Pinakiramdaman ko muna ang sarili ko at pinipilit kong huminahon. Tiningnan ko ang orasan sa dingding ng kwarto ko. Alas tres palang ng madaling araw.
Madilim pa sa labas at siguradong tulog pa ang mga auntie ko pati na ang nag-iisa kong pinsan.
Pero kailangan ko ng gumising ng alas singko, dalawang oras pa mula ngayon yun. Napa-aga ako. Pero maganda na rin yun para hindi nila ako masabon sa kabagalan kong magkilos.
Naligo na ako't nag-ayos. Saka lumabas sa kwarto kong parang bodega na rin. Tinatambakan nila ito ng mga hindi na nila kelangang gamit mga pinaglumaan kumbaga.
Lulutuan ko nalang sila. Tapos iinitin ko nalang ulit mamaya. Hindi pa bukas ang palengke ngayon mga alas kwatro y media pa kaya hindi naman ako makakabili ng mga ipapabili nilang gulay, baboy at isda agad, gustuhin ko mang makalabas agad dito sa bahay nila para makalanghap ng hangin eh hindi pwede dahil ipinagbabawal nilang lumabas ako pwera nalang kung uutusan dahil baka maglagalag lang daw ako't kumerengkeng.
Pumunta na akong kusina..
Ano kayang lulutuin ko ngayon?
Hmm.. Itlog, bacon, hotdog, fresh milk at unting gulay nalang ang meron dito sa ref. So sunny side up, bacon, hotdog at fresh milk nalang ang ihahain ko tapos tinapay. Hindi sila nagkakanin pag-breakfast nila eh. Makakasira daw sa diet nila.
" Buti naman at maaga kang nagising. Hindi yung nakahilata kalang doon sa banig mo at nagbubuhay prinsesa. "
" Good morning po tita "
" Walang mabuti ngayon sa umaga ko! Hala sige lumayas kana't bumili sa palengke dumaan kana rin pagkatapos sa Supermarket at nagpapabili yung pinsan mo ng lotion at ng mga kung anu-anong kolerete sa mukha. O yan. "
Padabog niya ibinigay sakin ang listahan ng mga sinasabi niya at yung pambili. Napabuntong hininga nalang ako. Tiyak na mahihirapan nanaman ako nito. Magagalit nanaman ang pinsan ko nito sakin malay ko ba sa brand ng make up na gusto niya.
" Sige po. Mauuna na po ako. "
Palabas na sana ako ng bigla nanaman siyang magsalita.
" Bumalik ka rito agad! Mamaya niyan maglandi ka nanaman sa kung saan. Maglalaba ka pa at mamamalantsa! Bwesit na araw na to! Binabangungot nanaman ako ng kapatid ko! Ayaw niya nanaman akong patulu-- "
Hindi ko na pinatapos ang mga sasabihin niya at dali-dali na akong lumabas. Ayoko ng maalala pa si Tita Lucia. Kung iisipin mas maganda ang kinalalagyan ko ngayon kumpara dati sa kanya. Kung dito nakakatulog pa ako sakaniya ay hindi ginawa niya akong alila kahit pitong taon palang ako. Pinaglalaba hindi lang sa kanila kundi pati sa mga iba pang kaibigan niya, pinagkaperahan niya ako. Sa tuwing iiyak ako sa pagod at magpapahinga pinapalo niya ako. Kinukulong hanggang sa isang araw eh--
BINABASA MO ANG
The Last Cure
FantasyThree man striving to find THAT CURE but it ends up to be THE LAST CURE that will save their tribe's race. They are bound to one GIRL. But only one of them will win and own her over. Best tribe wins and the rest will vanish. THREE Prince fight...