Chapter 2

19 2 0
                                    

" Luna! Anong oras na?! Late na ako nito eh. Tapos hindi pa ako nakakapag make up! Abi na nga yan! Hmp! Wala ka talagang kwenta! "

Dali-dali niyang kinuha sakin ang lotion at make up at pakembot na bumalik sa kwarto niya.

Napakamot nalang ako. Wala namang pasok ah.. Bakasyon palang tatlong linggo pa bago ang pasukan.. Teka enrollment pala ngayon!

Pumasok na ako sa bahay nila Tita Leni kelangan ko siyang pakiusapan.

" Ano ba naman yan Jemma hindi pa ba sapat sayo na pinatapos kita ng high school huh?! Swerte mo na nga nakatikim ka pa sakin nun kundi mananatili kang mangmang! "

" Pero tita.. Please naman po.. Magtatrabaho po ako yun po ang pagkukunan ko ng baon.. Magiischolar naman po ako para po sa tuition ko at miscellaneous-- "

" Huwag ka ngang ambisyosa! Matuto kang makuntento! Kung nangangarap ka ng subrang laki! Pwes lumayas ka! Palamunin ka lang dito! Huwag mong kalilimutang napakalaki na ng utang mo sakin! Pati na ng mga magulang mo! Binihisan kita at pinakakain kaya pwede ba makuntento ka na sa katotohanang tatanda kang  maninilbihan samin! "

Iniwan ako ni titang umiiyak dito sa kwarto ko. H-hindi. Hindi ako tatandang alila nila habambuhay! Lahat ng utos sinunod ko. Lahat ng pang aalipusta tinanggap ko. Lahat ng pangmamaliit at pagmamaltrato. Lahat! Lahat! Okay lang basta huwag nilang ipagkait to sakin.. Kahit ito nalang para kila mama at papa. Kahit ito nalang.

" Anak.. Ipangako mong makakapagtapos ka ah? Regalo mo na yun kay mama at papa. Okay ba yun? "

" Opo! Opo! Pangako po! Gusto ko mama papa masaya! "

" Kahit anong mangyari. Kayanin mo ang lahat. Maging matatag ka. Mabait at matapang. Palaging kabutihan ang pairalin. Mahal na mahal ka namin anak tandaan mo yan.. "

" Mahal na mahal.. "

Tatanggapin ko ang alok ni Mavy..

Ngayon alam ko talagang tama siya.

Hindi na ako yung manikang basta basta nalang ikukulong at gagawin nilang katulong. Siguro pagnakapagtapos na ako saka ko nalang sila babayaran..

" Tss. Yan masyado ka kasing assumingera at feelingera tapos ano? Paawa ka masyado. Ngayon iiyak-iyak ka diyan? "

Napaayos naman ako ng upo at pinunasan ang mga luha ko.

Kitang kita ko ang mapanglait niyang ngisi. Nakasandal siya sa pintuan nitong kwarto.

" Tsk. Gotta go couz! Mag-eenrol pa ako haha! "

Napangiti nalang ako ng mapait.

At nagsimula ng mag-ligpit para sa pagtakas ko mamayang madaling araw.

..

Dahan dahan kong binuksan at isinara ang gate nila tita. Alas tres na ngayon at tama kayo nagising nanaman ako dahil sa panaginip kong iyon. Nasasanay o sinasanay ko paunti-unti pero kahit ganun takot pa rin ako.

Sa huling pagkakataon pinagmasdan ko ang bahay nila tita. Paalam salamat sa pagbibigay motibasyon. I'll take that as a challenge.

Grrr. Anlamig.. Tapos wala pa akong pera ni isang kusing para pamasahe, wala akong magagawa kundi ang maglakad.

" Witewiw! "

Halos lumabas puso ko sa gulat.

Pinaningkitan ko yung mamang lasing sumipol sakin. Bastos.

" Mish! Shama sh-shama ka shakin dali! "

Binilisan ko nalang ang maglakad.

Paumaga na rin kaya hindi na ako natatakot. Tsaka ni hindi na nga siya makahakbang noh! Nakasalampak na nga siya sa bangko at nakatingala nalang sakin. Tss.

Pero paano na yan hindi ko to alam kung saan tong address na to.

Napunta naman ako dito sa park. Tama park nga ito. Grabe nakakamangha napakaganda. First time kung makapunta dito. May mga tao na rin na naglalakad at nakaupo.

Pataas na rin yung araw eh. Ibig sabihin ala sais na ng umaga. Para na rin akong nag exercise sa subrang layo na ng nalakad ko.

Uupo nalang muna ako dito at ilalapag ko muna tong bag ko. Ang bigat!

Ang sarap ng hangin! Ang lamig! Tapos ang ganda ng mga bulaklak dito! Tsaka yung damo ang kapal tapos pantay-pantay grabe ang saya ko ngayon! Parang malaya ako! Malayang malaya! Ang ganda nung fountain! Tsaka yung fishpond! Wow!

Hinubad ko naman yung tsinelas ko at ninamnam yung damo grabe ang sarap sa pakiramdam malamig siya! Sininghot singhot ko naman yung mga bulaklak kaya lang nabahing ako hihi. Narinig ko namang may tumatawa.

Paglingon ko yung magandang babae na nagtutulak ng baby cart grabe ang cute nilang tinangnan.

" Ah miss. Haha gusto ko man na hayaan kang masaya diyan sa ginagawa mo pero bawal kasi tapakan yung mga damo diyan. Baka kasi makita ka ng nagbabantay dito sa park at pagalitan ka. Masungit pa naman yun. Sige alis na kami. Hinihintay na kami ni daddy eh. Good to see you. "

Kahiya. Bawal pala. Dali-dali akong umalis sa damo at sinuot ulit yung tsinelas ko. Teka kelangan ko na pala puntahan si Mavy. Magtanung-tanong nalang ako dito. Sino kaya yung pwedeng tanungan umalis na yung magandang babae eh.

Ayun may nagjojogging!

" Mama! Mama! Saglit! S-saglit--ay! "

" Weak human! Why are running! "

Huh? Hala kana?! Englisero! A-aw..

Sakit ng tuhod ko.

" Ah sir can I ask you five questions "

" You may. But that is counted as your first question. "

Tinulungan niya naman akong tumayo. Ngumiti ako as sign ng pagpapasalamat.

" Nagtatagalog ka? Please duduguin ilong ko saiyo eh "

Narinig ko naman siyang tumawa habang itinatali sa tuhod ko yung panyong puti niya. Actually naka pure white siya. Tumayo naman sya at sinagot yung tanong ko.

" Oo. 3 to go. "

" Uhm.. Alam mo ba kung nasaan ang school na to? "

Iniabot ko naman ito sa kaniya at tiningnan niya at ngumiti ng malapad.

" Ah ibig sabihin niyan oo! Noh? Thank God for that. "

" 3 down "

" Huh? Dalawa palang yun?! "

" Haha last one "

" Hala! Can you bring me to that university?! "

Halos pasigaw na sabi ko sa kaniya pano ba naman kasi hindi ko alam na last one na pala yun..

" Haha yes. Wait here. Kukunin ko lang yung kotse ko. "

The Last CureTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon