Wala naman akong ibang choice kundi ang sumunod sa kaniya. Mukha naman siyang desente. Habang naglalakad hindi ko mapigilang hindi mapatingin sa mga gusaling madadaanan namin. Classroom ba yun? Anlaki naman. Ah baka faculty room. Hindi rin masyadong malaki para sa faculty. Nung high school ako yung isang room nga hindi pa magkasya samin malapitlapit singkwenta kaming estudyante hindi pa kasama dun ang guro. Napakainit at siksikan. Nagkakaamuyan na nga kami paminsan-minsan. Pero dito wolah! Super spacious.
" Nagtataka ka noh. Ganun talaga dito. Malalawak tapos unti ng mga students per room at may sarisariling aircon. "
Napatango lang ako sa kaniya tapos itinuloy nanamin ang paglalakad.
" I can't wait. "
" Huh? May sinasabi ka? "
" Nothing. "
Eng-eng siguro 'to salita nalang ng salita eh. Ang layo naman ata. Kanina pa kami naglalakad eh.
Napabuga naman ako ng malakas ng sa wakas ay nandito na kami.. Pero bakit ganun? Wala naman akong makita ni isang babaeng naglalakad dito. Lahat nga sila napapatingin sakin. Problema nila. Ngayon lang ba sila nakakita ng mahirap? Ng pobre? Loko to ah. Itong kasama ko naman makangisi wagas. Malapit na sana kami sa hallway ng biglang may humigit sakin pa kanan..
" Problema mo?! Oo na pobre ako! Bawal na ba ang mahirap dito at hinihila mo ako papalayo?! "
Tumingin siya sakin ng masama. Tapos hinigpitan ang pagkakahawak sa braso ko. Aray ha! Pipi ba to?!
" May dila kaba?! Sumagot ka! Teka--aray! Aray! Bitaw! Ano--"
"Shut the f*ck up! I'm saving you pauper! "
Napatigil naman ako sa pagsasalita sana ng may humigit naman sa kaliwa kong braso. Ano to?! Tug of war. Tali ako ganun?! Paglingon ko yung lalaking pinagtanungan ko kanina pero nakangisi parin siya.
" Isa ka pa! Pwede ba bitiwan niyo ako! "
Nagkatinginan naman sila at hindi pinansin yung sinasabi ko. Ano bang nanyarari. Nasasaktan na ako. Feeling ko namumula na yung magkabilang braso ko.
" You newbie. What's your freakin' problem? Wag kang makialam okay. "
Bago lang rin siya dito. Pero kung makaasta kala mo kung sino. Nakakaasar siya ah.
" This morning she's your 7th victim. "
" So? This girl has nothing to do with you. So leave. "
A-ano? V-victim? Anong biktama? Ako? Gagawin ba niya akong--
" That's enough! Sawa na akong makakita ng umiiyak na babae palabas ng boys dormitory! "
Intense na kung magkatitigan sila. Yung ibang dumaraan hindi na tumutuloy natakot na ata. Nandito na kami napunta sa miniforest-like sa dami ng puno.
" What are you? Superman? Batman? Wala kanang paki-- "
" Ano bang pinagsasabi niyo?! Bitiwan niyo-- "
Hinila ako ng malakas nung lalaking unang humigit sakin papunta sa kanya sa subrang lakas napasubsub ako sa dibdib niya. Grabe medyo masakit yun ah. Napatitig nalang ako sa dibdib niya gosh. Naduduling ako!
" Just leave her alone.. Or else-- "
" Or else what? Magsusumbong ka? "
Hindi na niya pinansin pa yung sinabi ng lalaki at hinila ako sa ibang direksyon. Grabe hindi pa rin ako maka get over sa pagsubsub ko. Nahilo ata ako sa pabango niya.
" Let me go. Ano bang nangyayari? Anong boys dorm eh sa-sa boys dorm?! Boys dorm ba yun-- "
" Nakakairita ka! Pwede ba pasalamatan mo nalang ako! "
" Bakit ka naninigaw?! Sinabi ko lang na kung may dila ka. Pinangalandakan mo naman sakin na meron! Bakit kita pasasalamatan?! Aber! Bitiw! "
Hinigit ko naman ang braso ko sa kanya. At pinameywangan ko siya't pinanlakihan ng mata.
Bigla naman siya lumapit at napaatras ako. Hinawakan niya nanaman ako.. Sa magkabilang braso naman.
" Ano ba?! Naaadik ka na naman sa paghawak-hawak sakin ah-- "
" I'm saving you from a great embarrassment! You-- you slowpoke weak creature! "
" Anong sabi mo?! "
" That building is the Girls dormitory. And your welcome. "
Naglakad na sya papalayo. Anung welcome? Nagpasalamat ba ako? Hindi naman ah. Ah ewan ko sa nakakainis na yun. Hindi ko nga naiintindihan ang pinagsasabi nila eh. Tiningnan ko ang building na nasa harap ko. Ito na nga siguro yun. Marami na kasi ako nakikitang babae eh. Paano ko naman mahahanap si Mavy dito. Ah yung room number.
A25 marami ng labas pasok na mga babae. Hmm. Kaya ko to. Ang building na pala na ito ay hanggang 10th building starting from A-J and 1-250 rooms ang laki masyado.
Nung nakita ko na yung room A25 nag-ayos muna ako ng damit ko at buhok ko bago kumatok. Nakakadalawa palang ako ng bumukas yung pinto at bumungad sakin ang napakalawak na kwarto at nakangiting babae si Mavy.
" I already knew it. Welcome bessy to my humble room halika! "
Agad niya akong hinila dahilan para mapaimpit na sigaw ako. Humahapdi yung dalawang braso ko.
" Gosh what happened?! "
Pinaupo niya naman ako sa kama niyang parang queen sized sa laki. Grabe first time kong maupo sa malambot na kama. Humiga naman ako sa subrang pagod ko saka ako nagkwento simula kahapon hanggang ngayon nasasanay na ata akong magkwento sa kaniya ah.
" Oh?! Two guys fighting just because of you?! Tapos there a super kind guy na inihatid ka dito?! Tapos you just walk from your tita's house to the park?! Wala ka bang money?! Oh my what a hard day for you! "
Halos mabingi na ako sa pagtititili niya at pagsisisigaw. Hindi ba siya aware sa mga kadorm mate niya?
" Kinikilig ka pa eh sinaktan nga nila ako ng pisikal! Namaga na nga ata ito eh! Tumakas nga lang ako diba? Tsaka wala talaga akong pera pamasahe dito. Buti may kuyang nagmagandang loob at pinasakay niya ako sa mamahaling kotse niya.. Pano ako makakasurvive? Tell me ni pambili ng kendi wala ako. Uniform pa kaya.. Pano ba ako makakascholar dito? Papasa naman na siguro ako. "
Saglit siya natigilan sa pag-iiba ko agad ng topic ayoko na kasing pag-usapan yung dalawang kumag na yun. Umalis muna siya sa harapan ko at pumasok sa banyo niya tapos agad ding lumabas dala ang isang kahon na may pulang krus sa gitna.
" Ano yan?! Sagot ba yan sa problema ko? "
" No first aid kit to timang.. Mamaya na natin problemahin yang problema mo actually that's not a problem at all.. As i've told you before you can count on me bessy.. "
Ngumiti naman siya at umupo paharap sakin. May kinuha lang siya sa kahon ay first aid kit pala. Para siyang maliit na tooth paste. Pinahid niya sakin yun at lumamig ang pakiramdam ko.
" Anong toothpaste yan? Makabili nga. Ang lamig! Grabe. "
Tumawa naman siya at napahawak sa tiyan niya.. At napapahiga na sa kama niya. Ano bang nakakatawa? Napakunot ko siyang tiningnan.
" Oy! Badtrip ka. Anong nakakatawa? "
" Pfft! Hahahaha. Tootpaste! Haha! "
Halos napapaiyak na siya sa kakatawa. Napahalukipkip naman ako at tumayo. Nainsulto ako dun ah. Tingin niya sakin? Eh toothpaste naman talaga yun! Samin nga colgate eh!
" Hindi mo ako sasagutin ng maayos! Bahala ka uuwi nalang ako! "
" Teka! Haha! Pfft! Haha hindi kasi to toothpaste.. Hmm.. Haha.. Ointment to para sa pamamaga or sugat. Hindi naman kasi to para sa ngipin. Malalason ka! Haha! Yan ang gusto ko sayo eh. Joker ka. Tapos napakainosente. Pinapasaya mo ako.. "
Hinampas niya pa ako bago siya umayos nakatayo na pala siya..
Tapos sinenyasahan niya akong sumunod sa kanya.
" Kain muna tayo tapos sabay na tayong mag enroll. Alam ko gutom na gutom ka na. Me too. Nagutom ako sayo kakatawa eh. Hep! Don't worry ako na sabi bahala sayo.
BINABASA MO ANG
The Last Cure
FantasyThree man striving to find THAT CURE but it ends up to be THE LAST CURE that will save their tribe's race. They are bound to one GIRL. But only one of them will win and own her over. Best tribe wins and the rest will vanish. THREE Prince fight...