Chapter 7 - Part 3 - happy with him <3

2 0 0
                                    


Chapter 7 - Part 3 - happy with him <3

*Kamusta ka na?
Sana ikaw ay laging masaya ngayon
Kasama mga kaibigan mo.
Pakingan mo ang sasabihin ko*

Lahat ng tao tahimik ngayon. Nakatingin lang sila sa J5 na nasa stage. Pero .. Si Joshua.. Naglalakad sya habang kumakanta..
At papunta sya ..

Sa akin?!

Teka Nangyari na ito dati? Dejavu?!

Nakarating na sya sa table namin .. Humarap sya sa akin at nilahad nya yung kamay nya sa akin.

"May I have this dance?"

Nakarinig naman ako ng mga impit na tili mula sa mga ka table ko.

Kinuha ko yung kamay nya at ngumiti sa kanya at naglakad na kami sa gitna.

Nang makarating kami sa gitna, pinagpatuloy nya lang ang kanta nya habang sumasayaw kami. Yung isang kamay nya nakahawak sa mic at yung isang kamay nya nakahawak sa bewang ko.

Unti-unti na ring dumarami ang mga taong nakikisayaw sa gitna.

*Aaminin ko.. Ikaw parin ang hinahanap ko..
Aaminin ko.. Ikaw pa rin ang iniibig ko~*

Nang matapos yung kanta. Nagsibalikan na yung mga nagsayaw sa mga upuan nila.

Ngumiti ako sa kanya. Pero sya seryoso lang. Hihilahin ko na sana sya pabalik sa upuan ko pero hindi sya gumalaw kaya napatingin ulit ako sa kanya at nagtaka.

"Elle.."

Bigla syang nagsalita. Nakatingin lang ako sa kanya kasi parang may sasabihin pa sya.

Napatingin ako sa kamay nya. Hawak nya parin pala yung mic kaya pala ang lakas pa rin ng boses nya. Medyo nahiya naman ako.

Napansin ko namang may lalaking pumunta sa kanya. Pero sandali lang. May binulong lang ata kay Joshua eh.

Kami na lang pala ang nasa gitna at yung mga estudyante ay naka bilog lang sa amin at nakangiti. Yung iba may hawak na camera. Teka.. Ano ba talagang nangyayari? Nahihiya na talaga ako.

"Elle.."

Napatingin ulit ako sa kanya na seryoso lang.

Tell me.. What is really happening here? Naguguluhan ako.

Kinakabahan ako na ewan ko ba!!

Lumuhod naman sya bigla na syang ikinagulat ko.

"Elle.. Can you be my girlfriend?" tanong nya sabay alok ng 3 roses na nanggaling sa likuran nya.

"Ayiiieeeee!!!"

"Yes!!!!"

"Say yes!! Say yes!!"

Nagkaingay na dito sa loob ng room. Lahat sila gustong sumagot ako ng yes.

Napangiti naman ako sa kanila.

Ah! yung roses siguro yung inabot ng lalaki kanina.

Binalik ko naman yung tingin ko kay Joshua.

Bat ko pa papatagalin ito?
Sabi nga nila..

Relasyon ang pinatatagal at hindi panliligaw.

Pero di rin ako naniniwala dyan.

I want it will be...

Forever.

"Yes"

***

Dumaan ang pitong buwang relasyon namin ni Joshua. Maganda ang naging flow ng relasyon namin. Syempre di maiiwasan ang mga tampuhan, away, pero mabilis lang naming nasosolusyonan yang na yan.

Masaya!

Masayang maging girlfriend ni Joshua.

Full of surprises. Halos araw-araw may mga surprise sya sa akin.

Kami na pero parang hanggang ngayon eh nililigawan nya pa rin ako.

Ang sarap sa feeling!

Valentines Party na namin bukas at syempre excited ako. Party nanaman and as usual, date ko nanaman si Joshua.

At ngayong araw na ito, ang 7th monthsary namin ni Joshua. And I have a dinner with him tonight!!

"Hi beautiful." Bati naman sa akin ni Joshua paglabas ko ng bahay.

"Hi handsome. :)" bati ko dinala kanya at kiniss ko sya sa cheeks. Syempre bawal pa sa lips! Bata pa kami. haha

"Is it just me or ikaw rin?" sabi nya na nakatingin sa suot ko.

"What?" tanong ko ng nagtataka.

"Na naka casual ka lang." sagot nya habang pinag buksan ako ng pinto at pumasok na kami sa car.

"What's wrong with my shirt?"

"Usually kasi pag sinabi ng boy sa girl na may dinner date sila eh nagpapaganda yung girl at nag de-dress pa. But you, you are really different. Wearing shirt and jeans on dinner date huh?" natatawa nya pang sabi.

"Well, this is not new for me. Having a dinner date with you is my weekly routine. And I am doing something new. Atsaka nag peprepare ako for tomorrow's party. Gusto ko, ako lang ang pinaka maganda sa paningin mo bukas. ^_^"

"You are always beautiful in my eyes. And I am looking forward on it. Dahil sabi mo, prepared ka. Like you,ve said, you want something new too. Kailangan maging bago ka ulit sa paningin ko." he said and he pinched my nose.

"But wait! Maaga mo akong iuwi kasi ayoko namang magkaron ng eyebags tomorrow."

"Okay ma'am!"

Dito kami sa bahay nila nag dinner. But the difference is, doon kami sa garden nila sa tabi ng mini falls nila. Isn't he sweet? haha

Candle lights lang kami pero maliwanag pa rin dahil sa liwanag na nanggagaling sa falls.

Ang ganda..

Simple lang pero para sa akin napaka ganda nya.

Kumain at nag kwentuhan lang kami buong gabi.

Ang ipinagtataka ko lang eh halos araw-araw na kaming mag kasama pero hindi pa rin kami nauubusan ng kwento.

Ganto siguro pa nagmamahal ka. ^_^

Kahit mababaw lang yung topic, parang ang saya pag kwentuhan kung kakwentuhan mo yung taong mahal mo..

10 pm na nya ako naihatid sa bahay. Pag dating ko naman sa bahay eh natulog na rin ako..

And now...

This is it!

February 14, 20--

My first valentines day with my boyfriend.

--------

Yey! Nakapag update din! nasira po kasi yung mahiwagang laptop namin kaya di makapag update and now I'm trying to make my updates using my phone.. Haha

-------

Chapter 7 - part 4 teaser

"But I'm still inlove you!"
"Iyah!"
"I know... your still inlove with me... Your lips told me so... Joshua..."

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Oct 22, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

J-5 Series -#1 (six degrees of seperation)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon