Part 3 - EXO Facts

21 1 0
                                    

SDS = Chapter 6

Part 3 – EXO Facts

 

Elle’s POV

Hay sa wakas… Nakauwi rin! Woosh! Muntik na akong mapanisan ng laway kanina. Buti naalala pa nilang kasama nila ako kanina. Kaso naalala lang nila ako nang makasakay na kami sa car nila Charm.

*Flashback*

Sakay sa kotse.

“Si Sehunnie ko nga ayaw nya ng maingay. Lagi nyang kinakalabog yung room nila Baekhyunnie pag gabi lalo na pag maingay sila. Haha.” –Kay. EXO facts naman. -_-

“haha. Kahit si Kyungsoo oppa din kawawa kay Sehun oppa ang tagal nya kasi patayin yung ilaw sa room nila natatakot kasi lagi pa nyang kayakap manyika ka nya. Parang bata.” – Charm.

“Alam mo ba si Sehunnie at si Luhannie pag nabili sila ng shirt, parati silang parehas kahit chain or kahit ano.” –Kay.

“haha. Ou nga kaya nga tinawag silang HUNHAN!!” –Charm pero sabay silang sumigaw dun sa hunhan.

“Ai Elle!” –Charm.

“Oi!” –Ako.

“mag KPOP ka na rin!” –aya ni Charm.

“Ah sige.” –napa-oo na lang ako.

“Lubayan mo na yung the script.” –Kay.

“No way. Hi-way. I won’t. Pwede ko naman silang pagsabayin eh.” –sabi ko. Hinding-hindi ko iiwan ang the script nuh.

“Sige ikaw bahala.” –Kay. At nag-usap na ulit sila.

*End of Flashback*

Yan lang ang pinag-usapan namin!

Tamo! Ganon nila ako katagal kausapin! Ang tagal nuh? Wala pang 30 sec. pfft.

Humiga ako sa kama.

“Wooh! Konti lang pinamili ko pero napagod ako.

Teka!

Napaupo ako bigla.

“Ano nga pala ang susuotin ko?”

Tumayo ako at tiningnan ko yung mga dress na binili ko.

“Eto kaya o eto? Kung eto… Maghe-heels ba ako o doll shoes?”

Nakaharap ako sa wall mirror ko at inilalagay ko sa katawan ko yung dress.

“Haixt. Eto na nga lang.” – Kinuha ko lahat ng dress na pinamili naming kanina at pinalaundry ko na sa baba. Matutuyo naman yun bukas.

***

Kay’s POV

Yey! POV nanaman ako! Nagalit ba kayo sa akin? Ako din eh. Nagalit din ako sa sarili ko. Yeah! I’m selfish and now I realize it. I don’t want to be an antagonist here. At kung sino talaga sya… Malalaman nyo sa mga susunod na kabanata. Hoho.

Problemado pala ako ngayon… Ano susuotin ko? Kaylangan maganda suotin ko para talbog silang lahat. Bwahaha.. Sabi ko nga hindi ako ang antagonist dito kaya kailangan maging mabait ako. Hehe. Pero ganto ugali ko eh. Aigoo!

Pero seryoso, kailangan ko ngang maging maganda kasi classmate namin si Joshua kaya kailangan maganda naman ako tingnan.

Sorry, hindi nyo ako masisisi kung si Joshua parin ang iniisip ko. Kasi gusto ko sya eh. Oo… alam ko rin na gusto rin sya ng bestfriend ko pero gusto ko rin sya. Pero hindi pa rin ako titigil hangga’t wala paring umaamin sa kanilang dalawa. Alam ko, nagkakagusto na rin si Joshua kay Elle pero things can change. May mga bagay na nagbabago parin. Malay mo makita nya bukas yung beauty ko at magbago bigla yung nararmdaman nya. Haha. Tama na ang drama. Basta ako, hindi pa rin ako titigil hanggat hindi nya nakikita na may isa pang babae na lubos na nagmamahal sa kanya… matagal na…

Achuchuchu…

Pero… Kung nagkakagusto na sya kay Elle… Sino naman yung girl in the bus na yon? Hindi naman nagbu-bus si Elle. Teka… baka hindi nya pa nga gusto si Elle at ako lang ang nag-aassume na may gusto si Joshua kay Elle? Pero… Ano yung ibig nyang sabihin last time nung P.E? Haixt! Ang gulo naman oh! Ayoko na mag-isip! Na-i-stress lang ako. Ang beauty ko masira pa.

Ahm… Eto na nga lang susuotin ko.

***

Joshua’s POV

Annyeonghaseyo yeorobun!

(K: Annyeonghaseyo yeorobun / E: Hello everyone)

It’s morning again. I need to go to school na. Wash day… What am I gonna wear? Ah! Susuotin ko na lang yung suot ko nung araw na nakilala ko yung girl in the bus.

Sana makilala nya ako pag nakita nya kung ano ang suot ko ngayon.

***

Nandito na ako sa school. And… nakita ko na sila.

“Oh my gee! Joshua?!” –ahm…Kay? Oo. Si Kay yung kikay friend ni Elle.

“Ahm… Hi!” –bati ko nalang sa kanya.

Nandito kami sa may baba ng building nmin. Ewan ko kung ano pa yung ginagawa nila. Siguro iniintay nila yung Charm. Wala pa eh.

Lumingon naman si Elle. Nakatalikod kasi sya kanina eh…

Wow… She looks fabulous!

Pls… Remember me… Hindi nya kasi ako nakilala sa bus eh. Sana sa ayos kong ito, makilala mo na ako.

“I… think… I already see that somewhere.” –Elle.

“Do you remem—“ –ako.

“Who? Si Joshua?It’s Joshua Elle! He looks handsome right?! Nakakainlo—“ –Kay. Ano ba yan ang dami namang interruption.

“Waah! I’m sorry! I’m late!” –Charm. She said wearing his charming smile. Yes. She is Charming but… I found my beautiful one.

“Sh*t!” –Kay. Sh*t ba ang binulong nya? Did she cuss?

“No your not. Just in time.” –Elle.

“Oh! Komawo eonni! Kaja!” –Charm.

(K: Komawo eonni! Kaja. / E: Thanks sister! Let’s go.)

Napatingin naman sa akin si Elle.

“Oh! Annyeonghaseyo Kim-ah” –Charm greeted me.

(K: Annyeonghaseyo / E: Hello)

(-ah = Korean’s endearment)

“Ne! Annyeong!” –I greet her too tapos binalik ko ulit ang tingin ko kay Elle. Nakakunot na ang noo nya. Parang may inaalala sya na hindi nya maalala.

(K: Ne / E: yes)

(K: Annyeong / E: hi)

Bakit hindi nya maalala? Alalahanin mo Elle! Alalahanin mo…

*KRIIING!!!*

(A/N: sinipag po ako eh.. dapat di ako mag-uupdate kasi nanunuod ako ng XOXO pero ayan na po!)

 

J-5 Series -#1 (six degrees of seperation)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon