Chapter 15: Trip at the Field.

59 3 0
                                    


Art's P.O.V

Napamulat ako ng mata ng may maramdaman akong dumampi sa mukha ko .. ng hawakan ko 'to dahon lang pala.. napatingala ako at napansing makulimlim na ang kalangitan.. uulan pa ata..

hindi ko napansin na Nakatulog pala ako dito sa tambayan namin! Napalingon ako sa may paanan ko at nakita kong ang lapit ng mukha ni Sam sa paa ko.. kung sipain ko kaya ang isang 'to nang magising.. si Nate naman nakaunan sa tiyan ni Migz na nakapatong naman ang braso sa binti ni Sam.. aba't mga tulog mantika..

*Light Bulb* hehe

Kumuha ako ng marker sa bag ni Migz.. Si Migz kasi yung tipong may pagka-boy scout ang pheg sa aming apat.. siya ang may kompletong school supply sa loob ng bag na ultimo plastic cover meron siya.. haha oh di ba napakaresponsible ng ating Mr. BOYSCOUT.. oh crap our topic about Robredo..
Nang makuha ko na ang marker sa bag niya.. sinimulan ko ng gawin ang maitim kong balak.. inuna kong pagkadiskitahan ang mukha ng humihilik na si Sam.. ginuhitan ko lang naman siya ng mga bulaklak sa pisngi.. na may kasama pang Dahon-dahon.. sinunod ko si Nate! binilugan ko yung dalawa niyang mata at nilagyan ko pa nang mga dots sa magkabilang pisngi at baba.., and the lasts, si Migz na ginawa kong pusa.. nilagyan ko pa siya sa baba ng fake moustache at nang hindi pa ako makontento sa masterpiece ko.. dinrawingan ko pa ang noo niya ng fake-eyed!!hahaha mukha na siyang cyclop!whahaha i took out my phone and take a shot on them! I laughed silently!!mahirap na at baka magising pa sila!!hahaha

I looked at my wrist watch,. At nagulat ako nang alas singko na pala ng hapon.. uwian na pala.

Agad kong binalik ang marker ni Migz ng maalala ko na naka-assigned pala kami ngayon na maglinis sa school field.. halah!!baka umuusok na ang ilong at tenga Ni Abo ngayon.. naiimagine ko pa lang ang mukha niya sa inis.. natatawa na ako.. hihi

tumakbo na ako papunta sa field.. iniwan kong nakahilata ang tatlo dun sa damuhan.. hindi ko na inabala pang gisingin sila at baka rambulin pa ako nang mga yun..

Pagdating ko dun ay agad kong nakita si Abo na nagwawalis at pawis na pawis na.. halos tumutulo na ang pawis niya sa noo… pero bakit ganun???
parang nag-i-slow motion ang mga galaw niya sa paningin ko.. napakusot ako bigla ng mata.. at baka dahil lang ito, sa bagong gising ako.. Pero ganun pa rin naman ka-slow motion ang nakapalibot sa kanya nang mapadakong muli ang paningin ko sa direksyon niya.. mangkukulam ata ang babaeng 'to .. sinisira niya kasi ang paningin ko.. kaya hindi na ako magtataka pa kong sa susunod ay mabulag na ako ng dahil lang sa kanya..
Pinilig ko ng ilang ulit ang ulo ko.. nagbabakasakaling makabalik ako sa katinuan ko.. pinikit kong muli ang mata ko nang ilang segundo at nang muli kong imulat ito.. namilog ang mga mata ko sa gulat.. nang may makita akong sapatos na lumilipad ang papunta sa direksyon ko..

*BlaagG* nahilo ako bahagya ng tumama ang flying shoes sa mukha ko muntik pa nga akong matumba dahil sa impact eh!! Buti na lang nabalance ko pa rin ang katawan ko kaya hindi ako natuluyang natumba.. Sh*t lang!!!ANG SAKIT!!!

Hinimas ko agad ang ilong ko na siyang napuruhan!! buti na lang at hindi ako na-nosebleed!! BWISIT!!! Nilingon ko ang may salarin,, at nakita kong nakapameywang pa siya habang nakataas ang kaliwang kilay na kulang na lang ay dumikit sa anit ng noo niya sa sobrang taas..

I used my death glare to her pero Yun lang waepek sa kanya…tinarayan pa nga ako eh!!tss..

"Oh ANU NA!?? TATAYO KA NA LANG BA DYAN O KIKILOS KA NANG MAY PAKINABANG KA NAMAN KAHIT KONTI!!??" she said sarcastically with a hint of insult..

"Kailangan ba talagang mamato ng sapatos hah!??? pwede namang sabihin ng maayos di ba?? hindi yung namimisikal ka!!!" Inis kong saad.. habang mina-massage parin ang ilong ko.. na feeling ko ay napango ata ng mga 1% dahil sa pagtama ng sapatos ng embalsamadorang 'to... "napakawalang MANNERS MO TALAGA!!" In-imphasized ko pa talaga yung salitang 'Manners' nang malaman niyang meron siyang napaka-baluktot na ugali..

Clash of Hearts <3 (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon