Chapter 31: Art to the Rescue

53 4 0
                                    


Ash's P.O.V

*Vibrate*

i took out my phone to check kung sino ang nagtext sa'kin at napangiti ako nang pangalan ng Abnormal ang magPop sa inbox ko! Hehe..

From: Abnormal
...punta ka dito maya sa stock room, may ipapakita lang ako sayo..

Hmm??anu naman kaya ang ipapakita niya sa'kin??ah baka may surprise siya at dun ang setup!! ErR!! Setup??sa stock room!?? Sinong niloko ko?? Haha baka nga may ipapakita lang talaga..

Oh my Ghad!! baka reypin ako ng kumag na yun dun?? Grabe pa naman ang pagnanasa nun sa'kin!! Napatakip ako ng bibig sa naisip kong ito.. hahaha KIDDING ASIDE!!! ^_^Y

Itry niya lang gawan ako ng masama at matitikman niya ang taekwando moves ko!! Iyah!! Yah!!yah!!yah!!!Hahaha

Ay by the way, kung nagtataka kayo kung bakit hindi kami ngayon magkasama eh dahil po may practice game sila sa basketball.. kung hindi niyo natatanung siya po ang rookie ng basketball team ng university namin.. kung baga sa cartoon o sa manga siya si Rukawa ng Team Shohoku.. pero mas feel ko kong si Hanamitsi Sakuragi siya.. eh sa pareho silang gong-gong!!! Hahahaha kung hindi niyo po kilala yung mga nabanggit ko.. ai paki ko ba!!bahala kayo mag-isip kung sino sila!! Bwahahahaha joke lang! Search niyo na lang ang Slumdunk kung wala kayong kamuwang-muwang!! Hahahaha

-----

nang idismissed na kami ni Mam Sungit.. ay mabilis akong naglakad papuntang storage room.. oo mam sungit tawag ko sa prof. Namin sa communication skill!!! Kakairita siya eh lagi na lang akong nabubuntunan ng kasungitan niya, inggit lang siguro siya kasi mas maganda ako sa kanya.. *flip hair* hahaha

Kapagod maglakad.. sa wakas nandito na rin ako..

Pipihitin ko na sana ang siradura nang may biglang may tumakip ng panyo sa bibig ko..

At bago pa man ako makapumiglas ay naramdaman ko na ang pagkahilo..

And everything went black..

Selena's P.O.V

So May Achlouphobia pala ang isang 'to.. nga naman ang isang palaban na kagaya niya ay may kinakatakutan din pala.. hahahaha

"Ilang oras ba bago yan magising??" Tanung ko kina Aimee at Jayce..

"30 minutes lang ang tagal ng pampatulog na ginamit natin...maya-maya din gising na yan."

"Tara na...ito na yung padlock oh... iwan na natin ng mapagpyestahan na ng mga lamok yan..." komenta naman ni Jayce na may hawak-hawak na dalawang padlock...

"let's go..."

Bago ako lumabas ng storage room ay tinapunan ko muna ng tingin si Ash na nakahiga sa sahig at walang malay..

I smirked.

"Enjoy your staying here Ash!!hahahaha takot pala sa dilim ah!!haha" i laughed evilly at pinasadahan siya ng masamang tingin!! "Shout as you can Bitch!!!!" Saka ako lumabas at nilock na nga namin ang pinto...

Mabait pa naman ako sa lagay na 'to...buti nga yan lang ang ginawa namin sa kanya eh... kung iba siguro ang gagawa ng masama sa kanya... siguro mas malala pa dyan ang aabutin niya... txk!!

At may aaminin ako.. Ako yung nagpadala ng picture niya kay Art dati.. remember yung Picture niyang in-upload sa facebook.. nag-trending nga yun sa likes and comments eh!!! AKalain mo yun we're schoolmate pala dati nung highschool.. tss.. pero kahit ganun hindi kami magkakilala.. sa laki ba naman ng school namin dati eh.. mahirap magkasalubong nuh.
ako rin ang nakashot ng picture na yun.. pero hindi ko naman yun sinasadya.. may kukunin lang sana ako sa rooftop ng may babaeng umiiyak..and she look so wasted that time.. Naawa nga ako sa kanya dati eh.. nung hindi ko pa alam na siya yun pero ngayong alam ko nang si Ash yun.. nawala yung awang naramdaman ko.. That Bitch!!buti nga sa kanya!!! hindi ko man alam ang dahilan kung ba't siya ganun nang araw na yun.. at kung sino o anu man ang dahilan.. BUTI NGA TALAGA SA KANYA!!! She Deserves it!!!

Clash of Hearts <3 (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon