Chapter 44: He's Still Mad!!

53 3 0
                                    

Art's P.O.V

Nandito kami ngayon kina Migz.. inaya ko silang mag-inuman..

Gusto ko lang talagang uminum ng alak ngayon.. gusto kong magpakalasing dahil sa nakita ko.. Naiinis ako!!naaasar!!nagagalit!! urgghH!!! Nagsinungaling siya para sa lalaking yun., mas pinili niyang makasama ang Gagong Ethan na yun kesa sa'kin na boyfriend niya!! Ang galing-galing lang!!Bwisit!! Alam niyo bang ang sakit na makita ang mahal mong kasama ang ex niya!! EX na baka mahal pa niya!! Sh*t this feeling!!!! I hate this!!!

"Pardz tama na yn…"pigil ni Nate sa'kin…"nakaka-pitong bote ka na!tama na yan!"

"Oo nga pardz.. tama na yan.."

"Hahahaha anu ba naman kayo?? Hindi pa nga ako lasing eh.. hahahaha"

"Hay Naku Naman Art.. alam naming masakit yun para sa'yo pero,. Ang amin lang eh sana hinayaan mo na muna siyang makapagpaliwanag.." komento naman ni Sam na tinungga ang alak na hawak niya..

"Paliwanag??eh nagsinungaling na nga di ba?? Pwede naman niyang sabihin sa'kin na magkikita sila eh.. "

"Bakit?? Kapag sinabi ba niya sa iyo yun, papayag ka??PaPayag ka bang makipagkita si Ash kay Ethan na yun??" napaisip naman ako sa sinabi niya..

"Syempre hindi.. inilalayo ko nga siya dun eh.. bakit ko naman siya papayagan?"

"That's the point!! Hindi mo siya papayagan… kaya siguro siya nagsinungaling sa'yo dahil ayaw lang niyang mag-isip ka ng kung anu-anu.."

"Tss.. hindi niya sinabi kasi nga may tinatago siya.. may tinatago sila.. " di ba? Tama naman na kapag ang isang bagay hindi sinasabi.. may tinatago..at karamihan sa mga tinatago ay masama.. right??

"what if.. nakipagkita lang siya para maayos na ang lahat sa pagitan nilang dalawa.." biglang sabi ni Migz.. na kanina pa nananahimik.. "hindi mo kasi siya pinakinggan.. bopols ka din naman kasi eh!! bago ka kasi nag-isip ng kung anu-anu dapat nakinig ka muna sa kanya… tingnan mu ang sarili mu ngayon!??naglalasing ka dahil sa conclusions mo na hindi mo naman alam kung anu nga ba ang totoo… "

Napatingin ako sa mga stars.. nandito kasi kami ngayon sa terrace ng bahay nina Migz.. dapat nga ba talagang pinakinggan ko muna siya?? Eh panu kung sabihin niyang mag-break na kami dahil mahal pa niya si Ethan!! Ayokong marinig ang mga katagang yan!! Mawawasak ako… pero panu nga ba kung tama ang sinasabi nitong si Migz!?!hayz!!!nakakainis!! Ang gulo sa utak!!!

"Wala ka bang tiwala kay Ash,Art?? Mahal mo siya pero pinagdududahan mo siya.. alam mo bang isa sa foundation ng Love ay TRUST?? without Trust.. you can't say that's love.. payong kaibigan lang.. wag kang sumugal sa isang akala.."

"okay.,Let we say na tama nga yung iniisip mo..  eh di tanggapin mu na lang o kaya ipaglaban mo.. eh panu kung mali pala... baka yan pa ang ikasira ng relasyon niyo.. baka yan pa ang maging dahilan upang mawala siya sa'yo.. "

"Isip-isip din kasi kapag may time pardz... "

"Listen to her side first before you take an action.. bahala ka.. baka mag-sisi ka sa huli…"

Napabuntong hininga ako at tumingala na lang sa langit! Gusto ko naman talagang pakinggan siya eh!inuunahan lang talaga ako ng kaba't takot… maraming 'what if's!?' Ngayon ang dumadaloy sa utak ko… hindi ko na alam kung alin ang paniniwalaan ko…

Oo,nakakabakla mang sabihin pero natatakot talaga akong iwan niya at ipagpalit sa iba!!haixtz!! Anu ba ang dapat kung gawin…??sa ngayon kasi ayoko pa siyang makausap.. ewan??naguguluhan na ako sa takbo ng utak ko.. Naiinis pa rin kasi ako na nagsinunggaling siya sa'kin.. na nakipagkita siya sa lalaking yun na hindi ko alam.. ang malala pa ay isinabit pa niya si tito para mapagtakpan yun!! Sinong hindi magagalit dun!?? UrgGH!!! >.< Boyfriend niya ako o sadyang wala lang talaga siyang pakialam sa opinyon ko!! Tss..

Clash of Hearts &lt;3 (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon