Chapter 4: Getting to know RAPHIE

123 3 2
                                    

Thunder's POV

Nandito ako sa other part ng veranda, kabilang sulok to be exact. May guguluhin kasi akong favorite kong bwisitin, at tama kayo si Roberto 'yun! *evil laugh* Bakit lagi ko siyang binibwisit? Wala lang, sino gusto niyong buwisitin ko? sarili ko? Eh di mungtanga lang 'yun. 'Yung dalawa kasi busy sa pagi-interview kay Raphie, feeling ata nila sila si Tito Boy and Kris Aquino. 'Ikaw na!' Tss. Yes, nagulat ako na kapatid pala siya ni Roberto, yung dalawa kasi parang baliw eh, Balak ata nila pasagutin si ate Raphie. Nakssss!!! Ate Raphie daw oh! Haha bakit? Kahit naman ganito ako, ganito talaga ako , hihi. Hindi, marunong naman kasi akong gumalang sa nakakatanda sa akin. She's 22 and I'm 19 so it's the right thing to do, to call her ate, right? Yes, english! Mwahahahaha. *Insert Thunder clap* Sa'min kasi si Storm lang mahilig ang mag-english because you know, spoiled.

Nabobored na ako. 'Yung dalawa kasi hindi ako iniiintindi eh, daming tanong kay ate Raphie eh, si Blizz daming alam itanong, si Storm naman kunwari hindi interesado pero 'wag ka, ayaw umalis. May paaya-aya pa siya umalis kanina. Sarap i-tucked-in ng mukha. O siya, lapitan ko na nga si Pareng Roberto. Busy masyado sa cellphone niya eh.

"Psst! Roberto!" syempre sitsit dapat para mas pambwisit.

"Packing tape ka Alien, lubayan mo ako!" Haha, epic. 'Yan ang gusto ko eh. "Roberto , bakit mas maganda pa sa'yo kapatid mo? Ay teka mali tanong ko. magkapatid ba talaga kayong 3? Kasi si kuya Sammy, pogi, si Ate Raphie, maganda, tapos ikaw, anyare sayo?!" Sigurado,magta-transform na 'to, magiging tricycle na 'to. wahahaha

"Happy ka talagang alien ka eh no? " Bismud nga siya! Wahaha --- aray! *cough cough cough* Nakatanggap ba naman ako ng isang malakas na suntok sa tiyan , nalimutan kong brutal nga pala 'tong isa 'to. Ansakit ahh, Kundi ko lang 'to............ tinuturing pa ring babae pinatulan ko na 'to eh. Oh ano na naman iniisip niyo? Huuuuuuu!

"Ang sakit nun Roberto huh." angil ko sa kanya.

"Suits you!" sigaw niya!

Tumingin ako dun sa dalawa. Hah! sayang-saya mag-interview kay Ate Raphie.

"Ito seryoso na Roberto, ano palagay mo dun sa dalawa? Mukhang tuwang tuwa sila masyado sa kapatid mo eh." tanong ko habang tinitignan 'yung dalawa.

1-2-3-4-5, walang sumasagot.

"Roberto, tinata---" Eh? Wala na? Tumigin ako sa paligid ayun papasok na.

"Hoy! Roberto! San ka pupunta?" Sigaw ko.

"Sa lugar na wala ka. Wala kang kwentang kausap kahit kailan!" sigaw niya din sakin. Aba't talaga nga naman 'tong amazonang 'to! Hmpf! Wala na lalo kong kausap. Wala pa naman akong naisip na script para sa role playing ko ngayon. Badterp.


Robie's POV

Bwiset 'tong alien na 'to! Badtrip na nga ko, dumagdag pa! Oo badtrip ako, may problema kayo dun? Tss. Badtrip ako kasi di ko alam kung bakit ako badtrip. Ewan ko nga ba, kahapon lang hanggang kanina ang saya-saya ko kasi nga andito na si Raphie , my elder sister.

Namiss ko kaya ng sobra 'yun, imagine 5 straight years di ko sya nakita, okay sige nakakausap ko sya thru phone, chat or thru skype, pero iba pa rin kasi pag personal 'di ba? super close kasi kami nyan e, she's like my sister/playmate/enemy/bestfriend rolled into one.

At home, we have our separate rooms, but I insist na gawan kami ng pathway, which I called our 'connecting door', dun lang ako dumadaan 'pag feel kong guluhin si Raphie or feel kong makitulog sa kama nya madali lang, wala lang, perks of being the youngest as well I guess.. hihi.

Super close talaga kaming dalawa kasi sa halos lahat ng bagay magkasundo kami nyan e, from food, music, TV shows, movies, clothing, name it, for sure we'll jive into that. Oo, hindi ko tinatawag na 'ate' si Raphie pero kahit ganun, ginagalang ko pa rin yun, I still think of her as my elder sister, a superior in many things, takot ko lang dyan pag nagalit yan, nakooo !!!! Madali lang kausap yan si Raphie, madaling patawanin, pero 'wag na 'wag mong gagalitin 'yan naku! kasi ibang magalit 'yan e, nakwento ko na bang may sa brutal din 'yan ? hahaha kaya 'pag yan nagalit, tumakbo ka na, kung ayaw mong tamaan ng isandaang porsyento ni Raphaela Laurice Villegas Esguerra. hahaha

She's my what?!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon