11- Candelaria at Restituto

2K 99 24
                                    

Add my official facebook account (char!) Xian Randal

Official Twitter Account (Char ulit!) @XianRandal

Official Group Page (where you can interact with my characters, their operators, and other readers) search: X.i.a.n.a.t.i.c.s. (may tuldok po)

Paki-like din po ng page namin: Xianrandal Wattpad Stories

11

Malayo pa lang ay dinig na dinig na ni Edzrael ang boses ni Arabia kaya tumakbo na siya. Hawak niya ang bote ng sariwang gatas ng kalabaw. Binigyan rin siya ng kaibigan niya ng tapa na ginawa nito. Mula sa malayo ay nakita niyang yakap ni Arabia ang puno ng malunggay.

"Edzrael, lumabas ka na please! Huwag mo akong iwan! Hindi pwedeng maiwan ako sa panahon mo!" Sabay yugyog sa malunggay sa harap niya, pati yung mga hindi pa tuyong dahon ay nalaglag na.

"Arabia?"

Nananaginip lang ba siya? Parang narinig niya ang boses ng binata. Nasa loob ba ito ng puno ng malunggay? Sa mga dahon?

"Edz? Edz? Nasaan ka? Anong gagawin ko para mailabas kita sa puno? Sabihin mo!"

Napangiti si Edzrael sa narinig. Nasa likod na siya ngayon ni Arabia. Kahit sa ganitong seryosong sitwasyon ay napapangiti siya nito.

"Ara, ako ay nasa likod mo lamang."

Napalingon si Arabia. Hindi makapaniwalang nasa likod niya lang ang binata at wala sa loob ng niyayakap niyang malunggay. Agad siyang napatayo at niyakap ito.

Nagulat naman si Edzrael. Mukhang takot na takot ang dalaga kaya hinagod niya ang likod nito.

"Tumahan ka na, Arabia. Walang masamang nangyari sa akin." Bakit parang ayaw niyang nakikita itong umiiyak?

"Pag gising ko kasi wala ka na. Hinanap kita sa buong bahay pero wala. Akala ko kinuha ka na ng malunggay. Huwag mo ng ulitin yun, Edz please. Natatakot ako." Hindi pa rin natatapos ang iyak niya.

"Ipagpaumanhin mo, Arabia na umalis akong hindi man lamang nakapagpaalam sa iyo. Napakahimbing kasi ng iyong pagtulog. Isa pa, pumunta kasi ako sa pamamahay ng kaibigan kong si Restituto dahil nais kong makakuha ng sariwang gatas ng kalabaw para sa iyo."

"Kahit pa tubig ulan okay na sa akin. Basta huwag ka lang mawawala ulit."

"Hayaan mo at hindi na mauulit, Arabia. Halika na at nang mailuto ko na ang tapang bigay ni Restituto." Inalalayan niya ang dalaga.
**********

"Edzrael, kapag umalis ka, isama mo ako ha. Kahit pa magbabanyo ka lang." Ulit niya pagkatapos inumin ang sariwang gatas.

"Opo binibining, Arabia. Ako ay nangako na, hindi ba? Subalit hindi maaaring magkasama tayo lalo na kung pupunta ka sa palikuran."

"Sa labas lang naman, babantayan kita sa labas at kapag ako naman ang nasa loob, nakabantay ka rin dapat sa labas. Dapat lagi tayong dikit, anino mo ako at anino kita."

Napailing na lamang ang binata, pero naintindihan naman niya kung bakit ganun na lang ang pag aalala ni Arabia.

"Pasensiya ka na, Edz ha kung medyo praning na ako. Ayaw ko kayang maiwan sa mundo mo mag-isa. Nakakatakot."

"Naiintindihan ko ang iyong agam-agam, Ara. Ngayong narito tayo sa aking panahon, kailangan rin nating magsikhay upang may maisubo sa araw-araw. Subalit simple lamang ang aking pamumuhay rito, Arabia. Malayung-malayo sa iyong nakasanayan."

"Naiintindihan ko, Edz. Masipag naman ako, siguro kakayanin ko rin kung anong buhay ang meron ka rito."

"Salamat. Una nating gagawin ay ayusin ang palikuran. Nahihiya ako sa iyong nadatnan."

"Sus, wala yun. Alam ko naman na ganun talaga ang mga palikuran noong unang panahon. I mean sa panahon mo."

"Kakailanganin na pala nating magsalok ng tubig na maiinom, Arabia. Kapag naiayos na natin ang lahat sa bahay na ito, pupuntahan natin ang aking munting lupain upang tignan kung ano ang pupuwede nating pakinabangan."

"Sure! Ibig kong sabihin, oo." Nangako na pala siyang magsasalita ng angkop sa panahon nito.

"Arabia, alam kong kinakailangan mong magsalita ng katulad ng ginagawa ko, subalit kapag tayong dalawa lamang, malaya kang sabihin ang nais mo."

"Edz, may tanong ako."

"Ano iyon?"

"Hindi ba't kunwari mag-asawa tayo? Wala ka bang girlfriend dito? Jowa? Syota na pwedeng masaktan?"

"Sa kasamaang palad ay wala." Natatawang sagot ni Edzrael.

"Weh?" Hindi naniniwalang sabi ni Arabia. "Ex? Dating kasintahan?"

Biglang nag-isip si Edzrael. "Mayroon akong naging dating nobya, subalit huwag mo siyang alalahanin. Tapusin mo na ang iyong agahan at nang makapagsimula na tayo."

"Okay."

***********

"Wishing well? Nagkakatotoo ba ang mga hiling rito, Edz?" Nakatingin si Arabia sa balon na nasa harap niya.

"Hindi iyan wishing well, Arabia. Iyan ang balon na pinagkukunan namin ng inumin rito."

"Ahhh. Dito tayo magsasalok ng tubig inumin? Sigurado ka bang malinis dito?"

"Sinisiguro kong oo, Ara. Sandali, hawakan mo ang ating sisidlan."

Nagsimula ng magsalok ng tubig si Edzrael habang excited na naghihintay si Arabia. Ilang salok lang ay puno na ang maliliit na banga nila.

Paalis na sila ng makasalubong nila ang kaibigan ni Edzrael na hula niya ay kukuha rin ng maiinom.

"Siya ang sinasabi kong kabiyak ko, Restituto. Si Arabia, Arabia, siya naman ang isa sa aking matalik na kaibigan."

"Ikinagagalak kitang makilala, Arabia. Ngayon ay alam ko na ang dahilan kung bakit lubhang nagmadali ang aking kaibigan na lumagay sa tahimik. Napakaganda mo."

"Salamat, Restituto." Tipid siyang ngumiti. Dapat ay mahinhin siya. Pero gusto niya ang sinabi ng kabigan ni Edzrael na maganda siya.

"Sa susunod na lamang kami makikipaghuntahan, Estong. Marami pa kasi kaming aayusin sa bahay. Salamat ulit sa tapa at gatas."

"Walang anuman, Edz. Kapag kayo ay nagkapanahon, dumaan ka naman sa bahay o kami sa inyo. Alam mo na."

Makikipag-inuman ang ibig nitong sabihin.

"Sige. Mauuna na kami."

"Alam na ba ni Candelaria na ika'y lumagay na sa tahimik?" Pabulong na tanong ni Restituto pero dinig na dinig ni Arabia.

Hindi niya narinig na sumagot si Edzrael.

Pagkatapos nilang magsalok ng tubig na maiinom ay nagsibak ng kahoy ang binata. Si Arabia naman ang nag-aayos ng mga kahoy upang maibilad ang mga ito sa araw.

"Ang hirap din pala ano kapag walang rice cooker. Kailangan pang magsibak, pagkatapos ay ibilad pa ang mga kahoy, ang haba ng proseso. Sa rice cooker naman, isang saksak lang. Nood ng tv sandali tapos okay na."

"Kaya nga napakalaki ng pagkakaiba ng panahon mo sa panahon ko. Isa pang pagkakaiba ay dahil ikaw ay nasa lungsod at ako ay nasa kabukiran."

Pawis na pawis ang binata. Dumidikit na ang suot nito sa balat dahil sa pawis.

In fairness, may abs! Nakangiting sabi ni Arabia sa sarili.

Busy siya sa pag-aayos ng mga sinibak na kahoy ng biglang may babaeng pumasok sa bakuran ni Edzrael.

"Edzrael! Akala ko hindi na kita makikita pang muli!" sabay yakap sa kanya.

Akala ba niya kilos Maria Clara ang mga babae sa panahon nito, bakit biglang parang sugod-bahay lang ang peg ng babaing ito?

"Candelaria."



Love Beyond Time - COMPLETE Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon