5

2.5K 118 24
                                    

Add my official facebook account (char!) Xian Randal

Official Twitter Account (Char ulit!) @XianRandal

Official Group Page (where you can interact with my characters, their operators, and other readers) search: X.i.a.n.a.t.i.c.s. (may tuldok po)

Page: Xianrandal Wattpad Stories

5

Malungkot na bumalik ang dalawa sa bahay ni Arabia.

"Paano ngayon yan? Hindi na natin malalaman kung anong hiwaga meron dun sa Malunggay."

Napaisip rin si Edzrael.

"Hindi ko mawari kung bakit ito nangyayari sa akin, Arabia. Ano ba ang nagawa kong mali? Wala akong maapuhap na dahilan. Subalit maaring tama ka sa iyong sapantaha na si Impong ang sagot sa ating mga katanungan."

Napatango si Arabia. "Maari ngang si Impong, Edzrael. PEro pwede bang huwag naman ganyan kalalim na Tagalog, yung dictionary ko, kinalawang na. Malapit ng matuyo ang utak ko sa mga ginagamit mo."

"Ipagpaumanhin mo, binibini."

"Juice colored! Arabia, huwag binibini, or Ara for short. Ikaw naman tatawagin kitang Edz."

Napatango na lang ito. Ayaw ng magsalita at tila malalim ang iniisip.

Biglang tumunod ang cellphone ni Arabia. Napakunot-noo si Edzrael.

"Hello, sorry talaga, Ganda, kasi naman muntik na akembang at ma chop-chop lady. Oo! Sige, darating ako bukas ng gabi. Pasensiya na ha, sayang pa ang kita. Kailangan ko pa naman ng pera. Sige. Babush!"

Ibinulsa niya ito pagkatapos.

"Ano ang bagay na iyan? Maari kang makipaghuntahan gamit ang mga laruang parihaba na yaon? Nakita kong gamit rin ng isang ale ang hawak mo kanina."

"Ha? Ang cellphone ba ang tinutukoy mo?" Inilabas ito ni Arabia.

"Oo."

"Cellphone ito, Edz. Pwede kang tumawag sa taong gusto mong kausapin gamit ito, pwedeng text, pwedeng laro."

"Napakahusay naman kung ganoon."

"Oo, mahusay na mahusay. Grabe Edz, Agosto na Agosto ang pakiramdam ko sa iyo. Buwan ng Wika talaga ang peg!"

***************************

"Tandaan mo ha, pinsan kita, galing ka sa malayong probinsiya. Nandirito ka sa Maynila dahil kailangan mo ng trabaho. Naintindihan mo, Edz?"

"Oo." Tipid itong ngumiti.

"Sorry ha, kailangan kasi dahil magtataka sila kung bakit ako nag-uwi ng lalaki sa bahay ko. Isa pa, kailangan muna kitang isama sa trabaho ko. Hindi mo pa kasi kabisado ang lugar, pagkatapos hindi pa lubos na magaling ang mga sugat mo. Bibigyan lang kita ng lugar kung saan ka pwedeng maupo at maghintay ha."

"Naintindihan ko, Arabia."

"Sige, halika na."

Nung dumating sila sa Comedy Bar ay agad agad na ipinakilala ni Arabia si Edzrael sa mga kasamahan.

"Ang kyoray ng pinsan mo, Teh! Ulam na ulam lang. Ang laki-laki niya ha, ang wafu, mukhang masarap."

"Tumigil ka nga bakla, hindi sanay yan sa mga ginagawa natin. Isa pa, laking malayong probinsiya, at napaka conservative. Baka ma-culture shock." Bulong ni Arabia. Ito na ba ang sinasabi niya.

Love Beyond Time - COMPLETE Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon