18

1.7K 78 5
                                    


Add my official facebook account (char!) Xian Randal

Official Twitter Account (Char ulit!) @XianRandal

Official Group Page (where you can interact with my characters, their operators, and other readers) search: X.i.a.n.a.t.i.c.s. (may tuldok po)

Paki-like din po ng page namin: Xianrandal Wattpad Stories

18

"Ang aking sapantaha'y hindi talaga si Impong ang iyong nakita, Arabia. Maaaring namalikmata ka lamang."

"Siya talaga, Edz! At dinig na dinig ko, clear na clear na kailangan nating makita ang singsing! Teka, hindi kaya may magical powers ang ibinigay niyang singsing sa ating dalawa? Tipong pag ikiniskis natin, maibabalik sa dati ang lahat?"

"Subalit saan natin hahanapin ang singsing, Arabia?"

"Yun nga eh, hindi ko talaga matandaan kung nailapag ko ba kung saan ang singsing, o di kaya nahulog nung..." Natigil ito.

"Bakit?"

"Hindi kaya nalaglag ang mga singsing natin nung nakipaglaban tayo sa mga masasamang loob? I mean, 'di ba? Posible?"

"Maaring tama ang iyong sapantaha."

"Alam mo, mabuti pa bumalik tayo sa lugar na 'yun at maghanap. Kailangan talagang mahanap natin ang singsing, Edzrael."

Maaga pa kinabukasan ay nasa lugar na sila. Nagsimulang maghanap sa mga sulok si Arabia, sa mga damuhan, inalis na niya ang mga bato. Tahimik ring naghahanap si Edzrael pero mahigit dalawang oras na sila sa lugar ay wala pa rin silang nakikita.

"Hindi ko talaga kasi maalala, Edz! Ang alam ko, suot ko yun eh dahil ayaw matanggal. Pero biglang nawala!" Reklamo niya. Ang sakit na rin ng leeg at likod niya sa kakayuko dahil sa paghahanap.

"Sa tingin ko'y kailangan na nating ipagpaliban ang paghahanap." Napansin niya kasing nahihirapan na si Arabia.

"Hindi kaya sa ibang lugar? Edz, alam mo, malaki ang paniniwala kong ang singsing ang makakatulong sa atin para bumalik na sa normal ang lahat."

"Mabuti pa'y magpahinga na lamang tayo, Arabia. Alam kong may dahilan kaya tayo pinagtagpo. Halika na't tayo'y gagayak pa. Hindi ba't ika'y magpapatawa pa mamaya? Ako naman ay babantayan ang mga taong papasok."

Napabuntung-hininga na lamang ang dalaga. "Oo nga. Halika na." Malungkot niyang sabi.

Naghahanda na sila para magtrabaho ng may biglang tumawag mula sa labas.

"May inaasahan kang bisita?"

"Paano namang ako'y magkakaroon ng panauhin, binibini? Alam mo namang..."

"Ay oo na, ikaw nga pala mismo ay bisita sa aking panahon, ginoo." Putol at panggagaya niya sa anumang sasabihin nito. " Sandali nga."

Si Matt lamang pala ang tao sa labas. Dala na naman nito ang kanyang kotse at alam niyang ipagyayabang na naman ito ng binata. May bitbit itong paper bag na alam niyang ipagyayabang rin niya.

"O, napadalaw ka?"

"Hi Ara, my babe!"

Gusto niyang mapangiwi sa "babe". Ang kapal lang talaga ng mukha ng lalaking ito. Feeling sila na talaga kahit pa nanliligaw pa lamang ito sa kanya.

"Bakit nandito ka?"

"Sobrang miss mo talaga ako, Babe ano?" Hahalik sana ito sa pisngi niya, mabuti na lamang at mabilis siyang nakaiwas. Gwapo sana pero ang lakas ng hangin kapag nasa paligid ito. Natural ang kayabangan sa katawan.

Love Beyond Time - COMPLETE Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon