12

1.9K 108 20
                                    

Add my official facebook account (char!) Xian Randal

Official Twitter Account (Char ulit!) @XianRandal

Official Group Page (where you can interact with my characters, their operators, and other readers) search: X.i.a.n.a.t.i.c.s. (may tuldok po)

Paki-like din po ng page namin: Xianrandal Wattpad Stories

12

"Candelaria." Nabigla siya sa yakap nito. Hindi dahil sa hindi siya sanay kundi dahil kasama niya si Arabia. Hindi naman siguro tama na may babaeng biglang yayakap sa kanya sa harap nito.

"Kay tagal kong naghintay sa pagbabalik mo, Edzrael. Lubha akong nag-aalala at labis akong nangungulila sa iyo."

Inalis niya ang mga kamay nito na nakayakap sa kanya.

"Maraming salamat sa iyong pag-aalala, Candelaria."

Hindi naman nag react si Arabia. Siguro kailangan nilang dalawa na makapag-usap kaya mas pinili niya na umalis at pumasok na lang sa loob ng bahay ng binata. Pero hindi pa siya nakakahakbang ay nagsalita ito.

"Arabia,aking kabiyak. May ipapakilala ako sa iyo." Napatingin siya sa kamay nitong hawak ang kamay niya. Pagkatapos ay sa mukha ni Candelaria.

Malalaki ang mga mata nito at bakas sa mukha na hindi makapaniwala sa narinig mula kay Edzrael.

"Arabia, giliw ko, siya si Candelaria. Isang kaibigan. Candelaria, siya ang aking pinakamamahal at ilaw ng aking tahanan, si Arabia." Sabay halik sa kamay ni Arabia sa harap ni Candelaria.

Nakakakilabot ang ginawa ni Edzrael. Nakakakilabot ba talaga? Bakit medyo kinikilig siya, beri beri light lang naman na kilig.

"Lu-lumagay ka na sa tahimik?" Bakas sa mukha nito ang pagkabigla at tila maiiyak pa.

"Oo, Candelaria. Sana ay maging kaibigan mo ang aking si Arabia. Hindi siya gaanong maalam sa ating bayan at wala siyang ibang kakilala rito kundi ako at si Restituto." Habang sinasabi ito ni Edzrael ay hawak-hawak pa rin nito ang kamay niya habang nakatingin sa mukha niya na nakangiti.

"O-oo naman, Edzrael. Si-sige, sasamahan ko pa pala ang aking Mama sa kabilang bayan."

"Mag-iingat ka, Candelaria! Ikinagagalak kong nakilala ka." Sabi ni Arabia. Kahit papaano ay nalulungkot siya para sa kaharap. Babae siya kaya alam niyang nasasaktan ito ngayon dahil sa mga sinabi ni Edz. Alam niyang may gusto ito sa binata.

Ngiti at tango lang ang sukli ni Candelaria.

"Whew! Grabe, hindi mo man lang ako binigyan ng babala na may darating kang bisita." Sabay pahid ng pawis niya sa noo.

"Ipagpaumanhin mo, Arabia, labis rin akong nabigla sa pagdating ni Candelaria."

"Siya ba ang dati mong jowa?"

"Ang lahat sa bayang ito ay nag-iisip na kami ay nagkakaunawaang dalawa. Subalit wala iyong katotohanan. Wala kaming relasyon ni Candelaria."

"Ah, so unrequited love lang pala ang peg ni Candle? Nakakaawa kaya ang ganun? Ano naman ang ayaw mo sa kanya? Ang ganda-ganda kaya niya. Tapos halatang mayaman ha. Glamorosa ang pananamit at kilos."

"Arabia, kahit kailan ay hindi nagiging basehan ang panlabas na anyo sa pag-ibig. Kung natuturuan lamang ang puso, ngunit batid nating hindi."

"Madalas sa panahon ko praktikal ang mga tao, Edz. Pera-pera lang eh."

"Hindi nabibili ng pera ang tunay na kaligayahan ng puso, Arabia. Sana ay pakatandaan mo iyan."

"Opo, Padre."

"Ang lahat sa iyo ay puro biro. Halika na at marami pa tayong aayusin sa ating tahanan."

"Ating tahanan talaga? In fairness kay Candle ha, hindi niya alintana ang pawis mo sa pagsisibak." Sabay sunod Kay Edzrael na pumasok ng bahay. Napapailing na lang sa mga sinasabi ng dalaga.

*************

"Wow! As in dito talaga tayo maglalaba?"

"Ikinalulungkot kong sabihing oo, Arabia." Bitbit ni Edzrael ang mga maruruming damit nilang dalawa.

"Ang astig! Ang linaw-linaw ng tubig. Halika na, simulan na natin!" Tuwang-tuwa si Arabia sa napakalinis na ilog na nasa kanyang harapan.

"Ika'y magdahan-dahan, Arabia. Maghahanap pa tayo ng bahagi kung saan natatakpan ang sikat ng araw. Ayoko namang masunog ang maganda mong balat pagkatapos ng ating paglalaba."

"Sige."

"Ano ito? Parang pamalo sa pwet kapag matigas ang ulo." Hawak-hawak ni Arabia ang palu-palo.

"Palu-palo ang tawag jan, Ara. Ginagamit sa mga kasuotan upang mas mapadali ang paglalaba."

"Ah. Ang ganda ng planggana mo ano? Parang yung sa pelikulang napanood ko dati. Sinasakyan ng bida."

"Batya ito binibini. At ganito ang tamang paglalaba. Kukusuin mo sa batya at babanlawan sa ilog, pagkatapos ay ilalapag sa mga malalaking bato o buhanginan. Mamaya, matutuyo na ito."

"Wow! Hindi na kailangan ng sampayan ha."

"Kapag hindi siya natuyo, sa bakuran na lang natin isasampay."

"Ah. Pagkatapos nito, maliligo tayo sa ilog?"

"Kung nanaisin mo."

Nagsimula ng maglaba si Arabia, natutuwa siya sa pagbabanlaw dahil parang napakalaking planggana ang ilog. Kaya't hindi niya namalayan na tinangay na ng agos ang nilalabhan niya.

"Edz! Yung damit ko, tinatangay na ng tubig! Ninanakaw ng ilog ang panty ko!"

Maagap naman na napatayo si Edzrael upang abutin ang tinangay na labada ni Ara. Mabuti na lamang at nakuha niya ito.

"Heto na ang iyong salawal. Pakaingatan mo. Nakakahiya kung tatangayin sa dako pa roon. Maraming naglalaba sa parteng iyon ng ilog. Makikita na lamang nating nakasabit na iyan sa plaza at ginagawang bandila."

"Yay! Nakakahiya! Seryoso ka?"

"Oo." Pero pinipigilan ni Edzrael ang ngumiti.

"Kailangan palang higpitan ko ang bantay sa aking mga kasuotan, ginoo. Nakakahiya kapag nalaman nilang ang iyong kabiyak ay may ari ng salawal na nakawagayway sa plaza." Sakay niya sa biro nito.

"Ipagkakaila ko sa kanilang ika'y kabiyak ko"

"Ah ganun? Kilala na kaya ako ni Restituto. Nakilala ko na rin si Candelaria. Hindi ka na makakatanggi."

"Si Estong ay aking kaibigan, tiyak ko na akin siya papanig. Si Candelaria naman ay hindi magiging problema."

"Ah ganun ha!" Bigla niyang sinabuyan ng tubig sa ilog si Edzrael gamit ang kamay.

Gumanti naman ito kaya ang ending ay nauna pa ang laro nila kesa laba. Napahinto lang sila nang may marinig silang mga boses.

"Totoo ngang nagbalik na si Edzrael!"

"Tama ring kasama niya ang kanyang esposa."

"Nakakatuwang sila'y pagmasdan."

Sunud-sunod na komento ng mga ito.

"Uso rin pala ang chismis sa panahon mo, Edzrael?" Bulong niya.




Love Beyond Time - COMPLETE Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon