Prologue

72 3 2
                                    

"Ang gusto ko ay mahalin, ang kailangan ko ay mahalin,
Kailangan ko na mahalin mo ako gaya ng kape mo sa umaga,
Tanggap ang tamis at pait, kelangan para sa init
pero hindi isinasantabi dahil lang nanlamig n
a."

Siguro'y ilang milyong beses ko nang napakinggan ang tulang ito. Ginawa ko na ngang soundtrip sa byahe lalo na kapag sobrang traffic. Minsan hanggang banyo, hanggang kusina, hanggang pagtulog, hanggang magising. Kabisadong-kabisado ko na nga. Halos kaya ko na ring gayahin si Juan Miguel sa kung paano niyang tulain ito. Pero nahihiya ako.

Hindi na kita naiisip. Hindi na rin kita napapanaginipan. Hindi na ako nalulungkot sa madaling araw kapag hindi ako makatulog. Masasabi kong masaya na ako, buo na ako ulit, matapos mo akong durugin, wasakin, saktan, balewalain, lokohin, itapon, ibato, idura, isuka. Leche, kung ano-ano pa.

Masaya na ako.











Hanggang sa dumating ka ulit.


Lied to YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon