Chapter 1*The Beginning*

17 2 0
                                    

CHAPTER 1 *THE BEGINNING*

(Yesha's Pov)

"Pinapatawag ka ni Ama"

Napalingon ako agad sa sinabi ng kuya Angelo ko.

"Po? B-bakit po?"

"Ayan,nahuli ka na naman yatang tumatanaw sa ibabang mundo.Kulit mo kasi"

Di na lang ako sumagot kasi baka mapahaba pa ang sermon sakin ni kuya Angelo.

Yes,he's my kuya.Actually, lahat ng mga kapwa-anghel ko dito ay kapatid ko lahat.Magkapatid kaming lahat dito sa langit.

Dahan-dahan akong pumasok sa silid ni Ama saka lumuhod at yumuko.

"Pinapatawag niyo ho raw ako Ama?"

Nanatiling nakayuko pa rin ako kasi naman sobrang liwanag ng ilaw na nakapalibot kay Ama kahit na nakatalikod siya sakin.

"Oo,Yesha anak,narinig kong mahilig ka raw na tumanaw sa mga nagaganap sa ibaba"

"P-po? O-opo..",sabay kagat sa labi ko.Nakunaman!Nahuli na naman ako.(>_

"Kung gayon,siguro alam mo na kung pano tumakbo ang mga bagay-bagay sa ibabang mundo"

"O-opo Ama" .May pinapahiwatig yata si Ama sakin.

"Nais kong ipadala ka sa ibaba at turuan mo ng mabubuting asal ang mga taong naliligaw na sa landas nila.Kasamaan na ang lumalaganap sa ibaba at nawawalan na sila ng tiwala sa Akin.Yun ay kung papayag ka?"

"Ama,ibig niyo hong sabihin ,na ipagkakalat ko ang kabutihan?",pagtatanong ko.Mas mabuti ng magtanong nuh kaysa hindi magkaintindihan.xD

"Oo,anak kong Yesha"

"Opo.Payag po ako ama.Sino pong kasama ko?Si kuya Angelo na lang po sana "

"Mag-isa kang bababa Yesha at ngayon din mismo.Pero may isang palatandaan at habilin lang akong ibibigay sayo"

Naramdaman kong hinawakan ni Ama ang ulo ko pero nanatili pa rin akong nakayuko.

"Sa pagbaba mo ngayon sa mundo,marami kang makikilalang tao,masama man o mabuti.Wag sanang mahulog ang loob mo sa isang tao dahil hindi maari"

Your Guardian AngelTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon