Chapter 3 *CHRISTER THIRD LAMOSTE*

10 2 0
                                    

CHAPTER 3 *CHRISTER THIRD LAMOSTE*

(Yesha's pov)

"Kuya Angelo?" .Hinawakan ko ang mukha na nasa wall.

Bakit wala akong makiramdaman na mukha? Bakit matigas?

"Hoy kuya angelo!hi!",pagkakausap ko sa kanya pero hindi pa rin siya gumagalaw at nanatiling nakangiti pa rin.

"Namimiss mo siya ano?",nakangiting tugon ni tita Joy sakin,yung babae kanina.Sabi niya kasi sakin na tawagin ko siyang tita Joy.Kung ako ang tatanungin,mas gusto ko siyang tawaging tita pretty old.xD Joke lang.

"Ha? Ah,opo.Miss na miss ko na po si kuya angelo"

"Angelo?",gumuhit naman ang pagtataka sa mukha niya.

Bakit ba tanong siya ng tanong?Nakakakaba tuloy.Para akong isang baliw na aso na parang walang malay sa lahat.

"Ah,baka yun ang tawag mo sa kanya",ngumiti si tita Joy sakin kaya tinitigan ko ulit ang mukha ni kuya Angelo sa wall.

'Matthew Jay Gelo Lamoste'

Ano yun?Baka pangalan yun ng naglagay ng mukha ni kuya Angelo jan.

(Third's pov)

*tunog ng manok*

"Third anak..gising na.Male-late ka"

Naibuka ko agad ang mga mata ko dahil narinig ko si nanay at saka nakita ko sa harap ko ang mukha niya.

Dala-dala na naman ni nanay ang karayom at sinulid saka isang tela.Araw-araw ko ng nakikita siyang hawak ang mga yun kaya naiinis na ako minsan.

Bakit ba kailangan niya pang magpagod?! Sinusuportahan naman ako ng tatay ko.Tss.Sana naman mag-isip yang nanay ko.Hindi na naman niya talaga kailangang magkayod para buhayin ako.

Hindi ko na lang siya sinagot at tumayo ako at kumuha ng pellets at pinakain ko ang mga manok.Araw-araw ko ng trabaho to pag nandito ako kay nanay.

Alam ko namang nag-iisip na kayo jan tungkol sa antas ko sa buhay.MAHIRAP lang kami ng nanay ko pero MAYAMAN kami ng tatay ko.

To be clear,anak sa labas ako.Isang pagkakamali lang ako na kahit kailan alam kong hindi maitatama.Hindi ako nagpapaka-drama ha.

"Aray!sht!",napasigaw ako bigla.

Tinuka ng manok ang daliri ko! Shet! Naiinis ako!.

"Imagine pa kasi,ayan tuloy natuka ng manok.I-mmk mo na yan.Hahaha.Ipakain mo na lang lahat ng daliri mo para lumaki na yang manok mo!Ang payat nyan!"

Tatayo sana ako at susuntukin yung batang lalaki na mukhang 12 years old na yata,kaso biglang hinawakan ni Nanay yung balikat ko at niyakap ako.

"Bata lang yan,anak.Hayaan mo na"

Errrr...ang awkward.
Tinanggal ko ang pagkaka-yakap ni nanay sakin at tumalikod.

"Nay,di ako uuwi mamaya.Dun muna ako kay tatay magste-stay",cold kong sabi sabay tingin sa mata ni nanay.

Your Guardian AngelTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon