Chapter 5 *Mistaken Identity*

6 1 0
                                    

Chapter 5 *Mistaken Identity*

(Yesha's POV)

"You're conscious now and you're doing good,miss Suarez",sabi sakin ng babaeng nakaputi lahat at parang may maliit na barkong puti ang nakapatong sa ulo niya. Ewan,baka anghel din siya sa modernong panahon.Ang astig din ng costume niya.Di bale,hihingi ako kay ama ng bagong costume ng mga anghel.

Bigla-bigla na lang pumasok si....kuya Angelo?

"Yesha! Nakita rin kita,salamat Ama",dali-dali siyang lumapit sakin sa higaan na kinauupuan ko at niyakap ako.

Eyyy..namamalik-mata ba ako?

"Talaga bang ikaw si kuya Angelo ko?"

Kinurot ko ang pisngi niya at saka nginitian niya ako.

Confirmed.Kung hindi to si kuya Angelo ko,magagalit yun for sure.xD

"Oo,ako to Yesha.Isuot mo to bilis",inilagay niya sa kamay ko ang isang kwintas na may bilog sa gitna at gold ang kulay.

"Po-protektahan ka niyan gaya ng pag-po-protekta ko sayo"

Sinuot ko naman agad at saka hinalikan ni kuya ang noo ko.

"Pakabait ka dito ha.Wala kami ng mga kapatid mo para protektahan ka.Ang kulit-kulit mo pa naman"

"You're bleeding",biglang salita ng babaeng nakaputi,yung modernong anghel na may barko sa ulo at hinawakan niya ang braso ni kuya Angelo at ipinasok sa kwarto.

Ilang sandali lang ay lumabas yung modernong anghel at nilapitan ako.

"Nasan kuya Angelo ko?"

"Pinagamot ko pa. Umm..miss Suarez,naguguluhan ako ng konti dito.I thought your boyfriend is dead and so do you "

Boyfriend?
Bakit paulit-ulit nilang sinasabi yun?

"Naka-attend pa nga ako sa burial nyong dalawa at nag-vigil rin ako---Oh my God,don't tell me minumulto niyo ako?!",halos pasigaw na niyang sabi at namumutla na.

Sa totoo lang,wala akong naiintindihan sa mga pinagsasabi niya at hindi ko alam ang isasagot ko.

"Miss,tama ba ako?!"

Nai-angat ko ang kaliwang kilay ko at tinitigan ko siya.Ano bang ibig niyang sabihin sa tama siya? Tama siya na anghel siya o ano?

Tumango ako.

Anghel naman siya sa paningin ko eh.

"A-a-ah.... *blink blink* OH MY GHAD!!!MINUMULTO TAYO!ANO BANG NAGING KASALANAN NAMIN SA INYO?!OH MY GHAD!!UWAAAAAH!!!!"

Halos mahulog ako sa kina-uupuan ko.Natatakot ako.Natatakot ako sa kanya.Sumisigaw na lang siya ng basta-basta eh.

Nakita kong lumabas agad si kuya Angelo at parang nagtatanong ang mga mata niya kung ano ang nangyari.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Dec 09, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Your Guardian AngelTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon