Sorry Ngayon lang ulit nakapag UD.. Very Busy kasi sa mga nakaraan na mga araw..
Anyway, pag pasensyahan niyo na lang po to. Sabaw tong update ko.. haha..
Dedicated to all the Wonder Momies!!
We love you very much.. :***
__________________________________________________________
Faye's POV
It's been almost a week, simula nung yung nangyari kay Gab. Medyo naguguluhan pa din ako, pero balang araw maiintindihan ko din yung mga pangyayari..
Anyway, it's mother's day today! Yey! Mabuhay lahat ng mga momies!!
Lumabas muna ako ng kwarto at pumunta sa sala. Saktong andun si mama, nanonood ng koreanovela..
Tumabi naman ako sa kanya at tsaka ko siya hinug..
"Happy Mother's Day mama! I love you. Mwahh"-sabi ko sakanya habang nakayakap. Medyo nagulat pa nga siya, pero napawi din naman..
Maya-maya naiiyak na siya..
hala. Anyare?
"Ma, ok ka lang bat ka naiyak?"-pag-aalalang tanong ko sa kanya..
wahh.. Hindi niya ba nagustuhan yung sinabi ko sa kanya? HUhuhu..
"Kasi akala ko nakalimutan mo na. Nakakatouch ka talaga anak. Ikaw na talaga ang pinaka da best na anak, kahit minsan pasaway ka. I love you too, anak"-sabi ni mama sabay hug..
Huhu.. yun naman pala akala ko kung anu lang yung iniyakan niya.. Love na love ko talga tong si mama..
"Ma, asan pala si Gab?"-tanong ko kay mama nung makahiwalay kami ng pagkakayakap..
Kanina ko pa kasi siya di nakikita..
"Nagpaalam siya sa akin kanina, dadalaw daw siya sa puntod ng mama at papa niya, pati na rin sa ate niya. Syempre mother's day ngayon e. babatiin niya yun yung mama niya."-sabi ni mama..
"Hay. Kawawa naman si Gab. Kung buhay pa sana sina tito at tita pati na rin si ate Gail, kasama niya sana siya ngayon at masaya siya sana ngayon"-sabi ko..
Hayyyyyyyyyyyy... :(
AJ's POV
Andito ako ngayon sa may sala. Naglalaro lang muna ako ng Xbox, ng may tumawag na taong hindi ko inaasahan....
It's mom....
Pinatay ko kaagad yung cellphone ko.. Bumabalik nanaman yung sakit na nanaramdaman ko.
Ang kapal talaga niyang tumawag. Hindi ko pala nasabi sa inyo, may galit ako sa nanay ko..Simula nung iniwan niya kami ni daddy. 3 years na silang hiwalay ni daddy at 3 years na din akong nangungulila ng ina. Alam niyo kung gaano kasakit na nakikita mo yung ibang tao, na kompleto ang pamilya. Iniwan niya kami sa di masabi sabing dahilan, tapos ngayon tatawag siya sa kin?..
Lumabas nalang ako ng bahay, at naglakad papuntang park..
Dito kasi ako pumupunta pag masama ang loob ko..
Umupo lang muna ako sa may swing at tumingin tingin sa paligid..
May mga batang naglalaro, mga couples, and mostly family na nagbobonding..
I let out a deep sigh..
"Emotero ka pala."
Napatingin naman ako sa nagsalita..
And I was shocked...O_O
It's Gab..
Umupo siya sa may kaliwang swing, nakatingin lang ako sa kanya. Ganun pa din siya yung mga mata niya cold pa din at mahirap basahin..
"It's rude to stare"-sabi niya. Napaiwas naman ako ng tingin..
"Anung ginagawa mo dito?"-tanong ko sa kanya.
"Napadaan lang"-maikli niyang sagot..
tsk. anu pa ngaba?..
"Saan pala punta mo?"-tanong ko sa kanya
"Diyan lang sa tabi-tabi"-sagot niya..
Grabe, ang specific yung sagot niya.. Sarap hambalusin no?
"K."-yan nalang nasabi ko.. lang kwenta kasing kausap..
"Mother's day ngayon, bat wala ka sa bahay niyo?"-sabi niya. Napatingin naman ako sa kanya, nakatingin lang siya sa isang pamilya na masayang nagbobonding..
Prang nakita ko sa mga mata niya ang lungkot?
"tss.Anu naman ngayon?. At tsaka pa, wala akong nanay"-sabi ko..
Simula ng iniwan kami ni mommy, wala ana akong pakialam sa mga kahit anung mga celebrasyon.
"Sino nagluwal sayo? tatay mo?"-sabi niya..
HA.HA. funny ng jokes niya no? tawa na tayo..
"Tss, ibig kong sabihin wala na kasi iniwan niya na kami"-sabi ko..
"Wala ng saysay pa yang mother's day na yan kung iniwan niya kami."-dagdag ko pa..
"Bakit patay na ba siya?"-tanong niya..
"Hindi. Nasa ibang lugar siya, ewan ko kung saan at wala akong balak alamin"-sabi ko sa kanya..
"Maswerte kapa"-sabi niya..
Tsk. anung maswerte?
"Maswerte? Maswerte ba ang tawag mo sakin? Kung saan iniwan ng isang ina sa hindi malamang dahilan. Kung saan araw-araw naghahanap ng alaga ng isang ina. Maswerte ba tawag mo dun ha? Sabihin mo! Nang-iinsulto ka ba?"-sabi ko.. Hindi ko na kasi na mapigilan ang sarili ko pagdating sa mga bagay na yan..
"Maswerte ka dahil may nanay kapa. Nung iniwan kayo niya, alam kung meron siyang dahilan kung bakit niya nagawa yun. Walang ina ang gustong mawalay sa sarili niyang anak.Dapat makinig ka sa mga paliwanag niya. Lahat ng nanay mahal ang kanilang mga anak, dapat patawarin mo siya. You should give her a second chance"sabi ni Gab at tumayo siya"Grab on the opportunity, habang maaga pa, before it's too late"-dagdag niya sabay alis..
then it hits me..
Hanggang ngayon, hindi pa din ako makapaniwala sa mga sinabi ni Gab. Mukhang tama nga siya.
Parang ang lungkot niya nung sinabi niya yun..
Ngayon, naiintindihan ko na din. I'm so lucky, that I still have a mom..
And one thing for sure, kailangan ko hanapin si mom. Kailangan ko siya patawarin...
That's all thanks to Gab. May puso din pala yung babaeng yelo nayun..
TBC....
____________________________________________________
Sa wakas tapos na din tong chapter nato..
Haha.. Salamat sa pagbabasa!!
-xoXo
![](https://img.wattpad.com/cover/2560559-288-k170105.jpg)
BINABASA MO ANG
Hello, Miss Cold Girl~! [HIATUS]
Teen Fiction"I am a cold person who once a person who cared too much.I am not a cold hearted person who doesnt care. I do care. But, I think they didn't know what the word 'appreciate' means."-Gab