Chapter 7

39 2 0
                                    

Brianna's POV

"Pst! Psssssst!"
"Oyyy!!!"
"Pag umamin ka naman di ko naman pagkakalat"
"Uyyyy!"
"Gusto mo ba sya? Crush mo no?"

WAAAAAA! IRITANG IRITA NA AKO KAY XANDREEEEEX! ANG KULIT KULIT NYAAA, AYAW AKO TIGILAAAN!

"Hindi ngaaa!" Sagot ko na lang sakanya

Tapos tanong pa din sya ng tanong..

"Sagutin mo na kasi yung tanong ko!"
"Eto naman eh, parang aaminin lang!"
"Sigee naaaa!"

Tapos pa ulit ulit lang sya, inis na inis na ako..

Isa pang tanong nito nako! Isang isa na lang talaga, feeling ko sasabog na ako!

Arggggh!

"Uyyyy dali n--" hindi nya natapos yung sinasabi nya kasi bigla akong sumigaw..

"HINDI NGA! KASI NGA HINDI PWEDE! HINDI PWEDE! HINDI HINDI HINDI! BAKIT BA ANG KULIT MO HA? NAKAKAINIS KA NA!" Sigaw ko sakanya.

Pagkatapos kong sabihin yon hingal na hingal ako, tapos yung mga kaklase namin nakatingin lang samin actually sakin...

Nasa room kasi kami onti pa lang, maaga pa naman kasi eh...

"Oy Bry! chill ka lang!" Sabi ng isa kong kaklase

Umupo na lang ulit ako tapos ang sama ng tingin ko kay Xandrex.

Hindi ko lang sya pinapansin, nakakainis kaya.

"Bry!!!!!! Sorry na, tinatanong lang namn kita eh." Sabi nya

Tiningnan ko lang sya kasi nakakabadtrip talaga!

Gulong gulo na nga ako sa feelings ko tapos na pre'pressure pa ako sa mga tanong nya.

"Lilibre na lang kita! Tapos bati na tayo ha? Sige na, libre kita kahit ano!" Sabi nya sakin

Parang nawala bigla badtrip ko pagkarinig ko ng libre... Sino bang tanga ang hindi tatanggap ng libre..

Kaya na patingin ako sakanya... "Kahit ano?" Seryoso kong tanong

"Oo, kahit ako ay ano pala" sabi nya!

Binatukan ko sya

"Gago, ayaw ko sayo!" Sabay irap "Mamayang uwian ah? Libre mo ako KAHIT ANO!" Pahabol ko!

ayooown! Makaka'mura na naman ako nito! Whooo! HAHAHAHAH!

"Sus! Alam ko naman kung sino gusto mo eh" bulong nya pero narinig ko naman.

Binatukan ko ulit "Ano yung sinasabi mo? Ha?" Tanong ko sakanya

"Wala! Sabi ko oo! Mamaya lilibre kita!" Sabi nya

"Good good! Mabuti ng malinaw!" Sabi ko sakanya.

Hahahaha! Lagi nga akong maiinis dito para lagi akong ililibre HAHAHAHA!

Maya-maya pa dumating na ang aming mahal na guro pwe! :3

Natapos ang klase ng wala akong naintindihan, lutang kasi ako eh! Kainis!

Why bother to think of him? Err!

I should stop this, mali eh, maling mali! HAAAAY JUSKO! Bakit kasi sakanya pa? BAKIIIIT? :(

Ang hirap naman ng sitwasyong na pasukan ko..

Paano pag nalaman nila to?

Paano pag nalaman nya? Lalayuan kaya  nya ako?

Paano na...

"Hoy!" Sabi ni Xandrex habang niyuyugyog ako

Natulala na pala akooo! Kinginers!

"Ha? Ha? Bakit? Asan na si Ma'am?" Sabi ko nagulat kasi ako eh

Tapos kami na lang ni Xandrex ang nandito sa room

"Tanga! Kanina pa uwian, at kanina ka pa din tulala!" Sabi nya

"Ano ba kasing iniisip mo ha?" Tanong nya

"W-wala naman" sabi ko tapos inayos na gamit ko

"Sus! Tara na dalian mo na dyan pag nagbago isip ko hindi na kita ililibre" sabi nya

Kaya dali dali kong inayos yung mga gamit ko, minsan na nga lang ilibre mauudlot pa.

"Oo na eto naaaa!" Sabi ko

----

Whooo sabaw! Onti na lang and we're there naaaa! Yey! HAHAHA! Keep on reading!

-Ms.D

MasokistaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon