Brianna's POVAfter nung presentation na yon di ko alam yung nararamdaman ko..
Hays ewan ko ba..
Parang may something..
Andito ako ngayon nakaupo sa upuan, nagiintay lang tagal ng teacher namin eh. Kung ano ano tuloy iniisip ko.
Iniisip ko kasi kung anong pinag usapan nila ni Athena, parang curious na curious ako..
Kasi after non medj tumahimik si Chace parang malalim lagi iniisip nya.
At isa pang pinagtataka ko bakit ko naman iniisip si Chace? -__-"
Arghh!
Speaking of Chace nakipagpalit kay Christian at tumabi sakin..
"What's with that face?" Tanong ko sakanya.
"Ha? Bakit? Ang gwapo ko kaya." Sabi nya pa.
Ediwow na lang sa lalaking to. -.-
May problema to eh, for sure.
Magiging mabuting kaibigan ako ngayon..
"Seryoso, may problema ka ba? Di naman masamang ipakita na nasasaktan ka na eh." Sabi ko sakanya.
Nakita ko namang sumeryoso sya, totoo naman di ba? Minsan kasi kahit ang sakit sakit na, kahit na ang lungkot lungkot mo na, kahit di mo na kaya ipapakita mo kaya mo pa, na hindi ka nasasaktan, na hindi ka nalulungkot.
Bakit? Kasi ayaw mong makita na mahina ka? Ayaw mong kaawan ka ng iba?
Hindi masamang sabihin o ipakita sa iba yung nararamdaman mo kasi pag tinatago mo yan ng tinatago lalong sumasakit. Lalo kang mahihirapan.
"Bry, kinausap ko kasi sya after nung presentation eh." Sabi nya.
"Oo nga nakita ko eh, ano ba pinagusapan nyo?" Tanong ko.
Pero parang kinakabahan ako eh.. Ewan basta yun yung feeling ko ngayon.
Diba ito naman yung gusto kong malaman? Ngayong nandito na kinakabahan naman ako? Naguguluhan na ako sa sarili ko ha. :3
"Kasi tinanong ko sya, kung pwede ko ba syang ihatid pauwi, sabi nya hindi daw pwede kasi daw may pupuntahan daw kayo." Kwento nya.
Umalis ba kami non?
Tapos parang nabasa nya yung naisip ko.
"Pero wala naman kayong pinuntahan diba?" Nag fake smile sya. "Dapat sinabi nya na lang na ayaw nya, ang sakit kasi na magsisinungaling pa sya para lang hindi ko sya ihatid."
Aww! Sakit naman non.
Okay, speechless ako sakanya.
"Ayos lang yan, malay mo dumating yung araw na papayag na sya. Diba?" Sabi ko.
Kahit alam kong di naman ayos, sinabi ko na lang para maging positive sya.
Hays.
"Sana nga eh." Sagot na lang nya.
"Positive lang okay? Hindi naman lahat ng oras tutol sayo ang tadhana. Timing lang yan." Sabi ko ng nakangiti.
Para kasi sakin talaga lahat ng bagay may tamang oras.
Diba nga minsan nagtatanong tayo kung bakit tayo nagkagusto sa taong hindi naman natin type, yung wala naman sakanya yung gusto natin sa isang lalaki? Tas itatanong mo din kung kailan ka nagkagusto sa taong yon.
Siguro kaya ka nagkagusto sa taong yon kasi nung mga oras na nakita mo sya that's the time you liked him, hindi mo alam kung bakit pero nangyare na lang.. And that's what you called "timing" ...
At siguro kaya hindi natin alam kung kailan natin nagustuhan yung taong yon dahil busy-ng busy tayo sa taong walang pake satin.. Tapos tska lang natin mapapansin na gusto natin yung taong yon kung kailan huli na ang lahat.
GETS NYO BA? HAHAHAHAHA! BASTA YON!
Kaya wag natin madaliin ang mga bagay.. Dahil lahat yon may nakatakdang oras.Kaya kung pinipilit mo mag move on, easyhan mo lang! Hindi basta basta na wawala ang feelings, okay?
Intayin mo lang baka mamaya or pagkagising mo wala ka ng feelings taeng yon! Ay tao pala! HAHAHAHAAH!
Pagkatapos namin mag usap ni Chace, bumalik na sya sa upuan nya.. At mukha naman ayos na sya kasi ang lakas nya na namang mangtrip.
After ng dismissal, napagusapan namin nila Athena na nag J-jollibee kami..
And now where hereeee! Woot wooot!!!
Na miss ko langs here! Hahahahaha!
"Oh! Kayo oorder ah?" Sabi ko sakanila.
Tumingin naman sila sakin.
"Bakit ganyan tingin niyo aber? Last time kaya ako um'order." Pagpapaliwanag ko.
"Edi kami na. Easy ka lang. Hahahaha!" Sabi ni Athena.
Asahan nyong pagkami kami lang magkakasama, baliw to'ng si Athena.
"Highblood masyado, Bry?" Sabi naman ni Kisha.
Eh gutom na kasi ako eh. Shemaaay!
"Prinoprovoke nyo ko eh Charot! HAHAHA! Larga na kayo, gutom na me!" Sabi ko
Tas ayon um'order naman sila ng pagkain..
Habang kumakain nagkwkwentuhan lang naman us. Mga kalandian ganern.
HAHAHAHAHA!
Tapos ayon naisip ko bigla pinagusapan namin ni Chace..
"Athena, nakausap ko si Santiago kanina." Singit ko naman sakanila.
Tas tumingin naman sya sakin
"So sinabi nya sayo? Hays. Hindi nya ba nahahalata or tanga lang sya, halata namang ayaw ko sakanya eh." Sabi naman nya.
Nagtatanga tangahan yon! -___-"
"Try mo kasi bigyan ng chance." Sabi ni Stacey.
"Ay ewan! Change topic." Sabi ni Athena.
"Eh ikaw Kisha ganap naman sayo?" Tanong ko.
Tahimik tong babaeng to eh. Hahaha! Hindi nagkwkwento.
"Oo nga!" Sang ayon naman ni Stacey.
"Luh! Bakit sakin naman napunta yung topic? Bwiset kayo ha!" Sabi nya.
Hahahahah! Tapos ayon nagkwentuhan, asaran, kulitan lang kami.
Tapos nag batuhan kami ng fries, tawa lang kami ng tawa tapos alam nyo yung mga tira tirang pagkain namin pinagsamasama namin sa baso.
Yung mga tirang coke, gravy, kanin nakalagay don. Kadiri sya pero ang saya lang hahahahaha!
Buti nga di kami pinaalis eh kasi sobrang kalat lang namin tapos ang ingay pa!
Basta talaga kasama mo mga kaibigan mo eh no? Para kayong galing mental hospital. HAHAHA!
---
Read and spread loves! Mwahugs!
Brianna Louise on the multimedia :">
-Ms.D
BINABASA MO ANG
Masokista
RomantizmMASOKISTA? Ano nga ba ang masokista? Para sakin ang masokista yung taong nagmamahal kahit ang sakit sakit na, sila yung taong kung tawaging martyr. Yung taong minahal yung taong sinasaktan sila, yung kahit pinamumukha na sakanilang wala na, andyan p...